HINDI MAKAPANIWALA si Vienna sa lugar na pinagdalhan ni Ahmon sa kaniya, parang may nakaharang sa lalamunan niya para makapagsalita habang iniikot niya ang tingin niya sa kabuuan ng expensive restaurant na pinasukan nila ni Ahmon. "He's your table sir, if you are ready to order just ring the bell on your table." ani ng waiter na naghatid sa kanila sa kanilang mesa bago umalis. Agad na lumapit si Vienna kay Ahmon at humawak sa braso nito, nakasalamin si Vienna upang hindi siya masyado makilala ng mga tao. Kahit papaano ay nakikilala na siya in modeling kaya maaring may makakilala sa kaniya at iniiwasan niya iyon, though kakaunti lang ang tao sa loob ng pinasukan nilang restaurant. "Ahmon bakit dito tayo kakain? May pambayad ka ba? Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga pagkain dito?" mga

