LUMIPAS ang tatlong araw ng pag-alis ni Levi na parang mas tahimik kaysa sa karaniwan. Bagama't nasa penthouse pa rin ako, ang kawalan ng kaniyang presensya sa executive desk ay nagbigay ng kakaibang espasyo sa buong paligid. Sinamantala ko ang mga araw na ito para ibuhos ang buong oras ko sa pag-aaral at sa pag-aayos ng mga huling detalye para sa darating na inter-collegiate debate competition kung saan ako ang representante ng aming departamento. Isang hapon, habang nag-eensayo ako ng aking speech sa Student Council office kasama si Babi, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Julian na may dalang isang makapal na file. “Natasha! Buti nandito ka pa,” bungad ni Julian habang hinihingal. “Tumawag sa akin ang secretary ni Professor Hoffman mula sa Singapore. Sabi niya, na-reschedule

