Chapter 21

1467 Words

"Sienne," paos na anas ni Arkin sa pangalan niya habang abala ang mga kamay nito sa paghaplos sa likod niya. Ang labi nito ay nanatiling nakalapat sa labi niya habang sinasambit ang pangalan niya. Iminulat ni Sienne ang namimigat na mga mata. Idinikit ng lalaki ang noo sa noo niya, wari bang tila hinahamig ang sarili. Halos maduling siya para makita ang mukha nito pero hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakahapit nito. Tila ayaw siyang malayo mula sa nagbabaga nilang mga katawan. Napalunok siya ng nagmulat ito ng mga mata at direktang nakatitig sa kanya. Ang daming emosyon na dumadaan sa mga mata nito pero hindi niya mapangalanan. "Ayyy flappy bird mo!" napatili siya ng bigla itong tumayo at mahigpit na hinawakan ang hita niya. Tila awtomatiko naman ang reflexes niya at ikinawit ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD