Chapter 11

1497 Words
Nilingon niya si Arkin ng ibulong nito ang pangalan niya habang nagdedeliryo sa taas ng lagnat. Napaatras ang ulo niya ng halos gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kaniya habang nakapikit ang mga mata at nakaawang ang labi. Kumunot ang noo niya ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kaniya. Sasampalin ko talaga 'to kapag hindi totoong tulog ang talipandas na 'to! Wika niya sa sarili. Napakurap siya sabay lunok ng marahang nagmulat si Arkin. Mapungay ang mga mata nito at tila mabigat ang mga talukap nito. Ang mga braso nito ay mas humigpit pa ang kapit sa beywang at likod niya na parang gusto na siyang balian ng buto kung makalingkis. "Sienne, dito ka lang. Dito ka lang," paulit-ulit na bulong nito. Marahan niyang tinampal ang pisngi nito. "Malamang dito lang ako, bahay ko 'to eh! G*go ka ba?" gigil pero pabulong na angil niya. Hindi nga siya sigurado kung naiintindihan nito ang sinasabi niya. Kumilos ito at hinatak siya at napasubsob sa dibdib nito. Ramdam niya ang labi nito na nasa tuktok ng buhok niya."Stay here, Mangku milashka." kumunot ang noo niya dahil hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito. Ano raw? Malas daw ako? Hayp 'to ah! Pinilit niyang kumawala sa mga braso nito pero lalo lang itong humihigpit kasabay ng pag-ungol ng protesta at pag-ungot nito. Dala ng pagod ay unti-unti na rin siyang hinila ng antok at tuluyang nakatulog. Naalimpungatan siya sa tila basa at mainit na bagay na tila nakadaiti sa labi niya. Marahan siyang nagmulat at nanlaki ang mga mata ng bumulaga sa kaniya ang maamong mukha ng hinayupak na Hitler. Nakalapat ang labi nito sa labi niya! P*nyeta! Nakapikit ito at hindi rin naman gumagalaw. Mukhang tulog ito. Mabilis siyang umatras at lumayo habang tila sinisilaban ang pisngi niya sa pag-iinit nito. T*ngina! First kiss ko iyon eh! Napahawak pa siya sa labi niya. Ramdam pa niya ang malambot nitong labi sa labi niya. Bumangon siya sa kama at nilingon si Arkin na payapa pa rin na natutulog habang siya ay tila nagkakarambola ang puso sa pagdagundong. Hay*p talagang talipandas, walang kaalalam-alam na nanakawan na siya nito ng halik! Wow ah? Lugi ka pa girl? Pang-aasar naman ng kabilang panig ng isip niya. Napakislot siya ng kumilos ito at umungol. Tinitigan niya ito habang parang ewan na nakapameywang at nakatayo sa paanan ng kama. Hindi na ito namumutla. Muli siyang sumampa sa kama para tignan kung may lagnat pa ito. Kinapa niya ang noo at wala sa loob na napangiti ng hindi na ito mainit. Aalis na sana siya ng makita ang gitil-gitil na pawis nito. Kinapa niya ang leeg nito at basa ito, umikot ang kamay niya sa likod nito at mahina siyang napamura. "P*nyeta! Bakit naman naliligo ka sa pawis na talipandas ka?" mahinang bulalas niya at agad na bumaba sa kama at kumuha ng ipangpapalit dito. Marahil ay humulas ang lagnat nito kaya grabe ang pawis nito. Hindi pwedeng matuyuan kaya dapat ay mapalitan agad ng damit. Hindi alam ni Sienne kung saan ipapaling ang ulo habang pinapalitan ito ng damit. T*ngina! Bakit ba 'ko pinaparusahan ng ganito? Lumunok siya at muling kinapa ang braso ni Arkin para i-shoot sa damit. My virgin eyes! Nanakawan na nga ng halik na-divirginized pa ang mga mata... Ang dumi-dumi ko na! Char! Dahil mabigat ang braso nito ay halos masubsob na siya sa dibdib nito ng ma-out balance. Napalapat ang kamay niya sa dibdib nito at damang-dama niya ang tigas nito. Oh la la! Parang mabubukulan ka yata rito kapag inumpog sa dibdib nito. Hindi na niya napigilan ang sarili at kagat-labing binuksan ang mga mata at minasdan ang nakahain na kaguwapuhan sa kaniyang harapan. Medyo namumula ang dibdib nito na may mga maliliit na balahibo. Noong nakita niya ang katawan nito ng i-hack niya ang cctv nito ay madilim kaya hindi niya gaanong napansin. Pero ngayon, face to face na sila ng dibdib nito at halos mauhaw siya sa ganda ng tanawin sa harap niya. Nakatikwas ang daliri na dahan-dahan niyang pinaglandas ang hintuturo sa dibdib nito at pinagapang pababa sa tiyan nito na may linya ng balahibo rin pababa sa dako pa roon. May gulay na pampahaba ng buhay! May balahibo rin kaya sa likod ng pantalon nito? Ack! Naipilig niya ang ulo at mabilis na isinuot ang t-shirt dito. Maingat niyang ipinatagilid ito para masapinan ang nabasang bedsheet. Ngunit paghatak niya ng kamay nito ay naglanding sa isang tuktok ng dibdib niya ang palad nito. Mabilis niya pinalis ito dahil nakapikit pa rin naman ang talipandas at tila malalim ang tulog at hindi nagigising. Ang dami ng nangyari pero wala pa rin itong alam. Yawa! Akma na siyang tatayo habang hinahabol ang hinga, hindi niya alam kung hiningal ba siya sa pagpapalit ng damit nito o sa mga nangyari na nag-papainit ng pisngi niya. Nag-ring ang cellphone niya. Napatingin pa siya sa bedside clock. Alas siyete ng umaga. Tinignan niya ang screen at unregistered ang number. Sinagot niya na rin at baka importante. "Ate Sienne!!!" nailayo niya sa tainga ang cellphone ng marinig ang mala-ambulansiya sa lakas na sigaw ni Akira sa kabilang linya. Ang kuting na pasaway! Pumalatak siya at tuluyang bumaba sa kama. Bahagya siyang lumayo at baka magising si Arkin sa pakikipagusap niya. "Ano ba, Kuting? Ang aga-aga! Ano nanaman problema mo?" mahina pero pa-angil na sambit niya. Naglakad siya papunta sa pinto para sana lumabas pero napalingon siya kay Arkin na tila hinuhubad ang isinuot niyang t-shirt habang nakapikit. "Ate help me! I think I'm gonna die!" Kumunot ang noo niya. "Die agad? Bakit hindi mo muna i-try maghingalo para makapagpaalam ka muna sa mga mahal mo sa buhay?" pamimilosopo niya rito. "Ate naman eh! Oh my gosh!" tili nito sa kabilang linya. May narinig din siyang tila bumagsak. "Hoy Akira! Ano ba nangyari? P*nyeta ka!" sigaw niya habang mabilis din na lumapit kay Arkin na tuluyan ng nahubad ang t-shirt. Mukhang nainitan ito. "I'm trying to cook myself a breakfast, Ate. Wala si Nay Sela pati ang kapatid ko. Ayyy! Ate, umaapoy ang kawali! Anong gagawin ko?" sigaw nanaman nito. Napahigit siya ng hinga at pinilit kumalma habang hinihilot ng isang kamay ang pagitan ng ilong niya. "Sige titigan mo lang para kasama kang matusta riyan sa bahay ninyo!" "Ateeee!" "P*nyeta! Kaysa tili ka ng tili riyan kumuha ka ng basahan o bimpo at basain mo. Ilagay mo sa kawali na umaapoy kamo. Patayin mo rin ang kalan at ang gas!" Narinig niya ang pagkilos sa kabilang linya. Tila inilapag nito ang telepono at may mga yabag siyang narinig kasabay ng panaka-nakang pagtili ni Akira sa kabilang linya. "Ateeee! Patay na ang apoy!" dinig niyang sigaw nito na mukhang dinampot na ang telepono at inilagay muli sa tainga. "O ngayon, sarili mo naman ang patayin mo!" angil niya rito sabay irap sa hangin. Napatingin siyang muli kay Arkin na tinanggal na ang kumot at tumihaya ng higa. Kita niya ang nakatirik na flappy bird na tila nagpa-flag ceremony at kumakaway sa kaniya. Ano ba namang buhay ito? Kailangan talaga sabay ang mga pasaway sa buhay niya? Grrrrr! Dinig niya ang pagtawa ni Akira sa kabilang linya. "Haha! Thank you Ate! Ang hirap pala magluto ng egg and hotdog!" "Wow ah? Hiyang-hiya naman sa iyo ang mga sampung taon na mga bata na magaling ng magsaing at magluto ng kakainin nila. Tapos ikaw sa edad mo na iyan hotdog at itlog lang susunugin mo pa ang bahay ninyo! Ginigigil mo talaga akong kuting ka!" She heard her giggled on the other line imbes na magmaktol. Abnormal talaga. "I realized that just now, Ate. Thanks to you! At dahil diyan, turuan mo 'ko magluto ha!" puno ng sigla ang tono nito at parang excited pa. Hays! Gigil na pinatay niya ang telepono. Agad siyang napalingon sa gawi ni Arkin ng maramdaman niya na may humihila sa laylayan ng damit niya. Nakatayo kasi siya sa gilid ng kama kung saan ito nakahiga. Gising na ang talipandas at tila pupungas-pungas. "Sen," mahinang sambit nito kasabay ng paghatak ng damit niya. Kinunutan niya ito ng noo. "Anong Sen?" Kita niya ang marahan na pagmulat ng mga mata nito sabay ngiti ng matamis. "Ikaw si Sen," sagot nito sa halos paos pang boses. "Ako huwag mong buwisitin today ah. Baka samain ka sa 'kin, Hitler! Sinasabi ko sa 'yo! " Pinalis niya ang kamay nito na humihila sa damit niya at iniiwas ang mga mata na titigan ito. Baka bumigay kasi siya. "Gutom na' ko, Sen," tila ito bata na nagsusumbong sa kaniya. Nakanguso pa ang namumula nitong labi. Binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin. "Lason gusto mo? Ayyy---!" napatili siya ng hatakin siya nito at kubabawan habang may nakapaskil na pilyong ngisi sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD