Dalawang araw lang ang itinagal ng burol ng tiyahin niya at ni Andeng. Hindi niya halos matagalan na makita ang mga ito na nakahiga sa kani-kaniyang himlayan. "Ate Sienne, kain na tayo," napalingon siya sa pagbukas ng pinto ng kuwarto at sumilip ang nakangiting mukha ni Akira. Hindi siya nanalo kay Arkin ng magdesisyon ito na bumalik sila sa bahay nito. Hindi na rin siya tumanggi, masyado siyang nanghihina para makipagtalo pa. Isa pa, pakiramdam niya mababaliw siya kung babalik siya sa unit niya. Sigurado siya na hindi siya patutulugin ng konsensiya niya. Sa unang pagkakataon, natatakot siyang mag-isa. Bumuntong-hininga siya. "Mauna na kayo. Hindi ako nagugutom," sagot niya at muling sumandal sa headboard ng kama. Tuluyan na nitong niluwagan ang pinto at pumasok sa loob. "Hindi pwede a

