Chapter 4

2127 Words
C4 “I don’t care!” sigaw niya naman sa akin. “S-sorry na,” ani ko. at sinubukan kong tanggalin ang kamay niya. “You think you can hide me?” aniya sa galit na boses. “H-hindi naman ako nagtatago sa’yo.” ani ko. “Tsk. Don’t make me laugh woman.” wika niya habang kinaladkad ako papasok. “Caleb, ang sakit ng buhok ko.” wika ko sa kanya dahil ang sakit na ng anit ko. “That’s better.” aniya habang patuloy pa rin sa paghila sa aking buhok. “Maawa ka na Caleb.” iyak ko namang sabi sa kanya. “Even you cry I don’t care. Because you make me mad.” wika niya habang itinulak ako sa loob ng elevator. “Caleb, na miss ko lang naman ang mommy at kapatid ko.” wika ko habang umiiyak. Bigla naman niya akong hinawakan sa aking panga. “I don’t care if you miss them. You’re mine and you can’t go everywhere.” asik niya sa akin hawak pa rin ng mahigpit ang aking panga. “Do you understand?” wika niya na agad kong ikinatango dahil natatakot ako sa kanya. Lalo na at nanlilisik ang kanyang mga mata. “Tsk. You always do that but you don’t listen to me.” wika niya sabay iling. “S-sorry,” sambit ko habang hinahawakan na ang kanyang kamay. Dahil ang sakit na talaga ng aking panga. “I don’t accept sorry.” wika niya na ikina-angat ng aking mukha. “A-ano a-ang gusto m-mo?” tanong ko sa kanya. “I want to continue what we are doing before.” bulong niya sa aking tainga na ikina-bilog ng aking mga mata. Nagbibiro ba siya. “Jezz iha where have you been?” Napalingon kami ni Caleb ng lumapit sa amin ang mommy niya. “S-sa bahay lang po,” wika ko habang yumuko, nahihiya kasi ako sa kanya. “Ah, okay but next time mag-paalam ka sa asawa mo.” wika niya kaya tumango ako. “S-sorry po,” hinging tawad ko sa kanya. “It’s okay iha,” Hinalikan niya ako sa pisngi at nilagpasan na kami. Hindi ko naman mapigilang manginig habang nasa tabi ko si Caleb, dahil ayaw kong gawin ang bagay na gusto niya. Sana aalis siya ngayon para pumunta sa kanyang mga kaibigan. “What are you waiting for?” hindi ko mapigilang magulat ng bigla siyang magsalita. “H-ha?” utal kong sagot sa kanya. “Fix your things I want to stay my condo with you.” wika niya at tinalikuran na ako. Mabilis akong sumunod sa kanya, dahil baka magalit pa ito. Kinuha ko agad ang mga gamit ko sa wardrobe at nilagay sa loob ng aking maleta. Agad akong lumabas at nakita siyang nakasandal sa pinto. Tumingin siya sa akin at nauna ng lumabas, kaya sumunod ako sa kanya. Nang makababa kami ay sumakay agad siya sa kanyang sports car. “Take a taxi.” wika niya sabay hagis sa akin ng pera at isang papel. Pinulot ko ito habang binuhay na niya ang makina at mabilis na pinapatakbo ang kanyang sasakyan. Napahinga ako ng malalim at nag-umpisa ng lumabas ng gate para makahanap ng taxi. “Hinihintay pa ako, iiwanan naman pala.” inis ko namang bulong sa sarili. Dapat kasi sinabihan na niya ako kanina pa na mauna na siya. Ilang minuto pa ang lumipas at may huminto ng taxi sa aking harapan. Sumakay agad ako at inabot ang papel na hinagis ni Caleb kanina, dahil iyon ang address ng condo unit niya. Habang binabay-bay namin ang daan papunta sa condo ni Caleb ay bigla ko namang naisip na tumakas. Pero saan naman ako pupunta at paano na si mommy at Jell, baka palayasin sila sa bahay namin. “Ma’am, nandito na po tayo.” wika ni manong driver kaya napatingin ako sa labas. “Salamat po, ito po ang bayad.” wika ko habang inabot sa kanya ang bayad. Pagkababa ko ay pumasok ako sa loob ng building habang hila ang aking maleta. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor na nakasulat sa papel. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Nakita ko agad ang kanyang unit kaya nag doorbell ako. Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ito. Bahagya pa akong nagulat ng isang babae ang nagbukas ng pinto habang naka suot lamang ito ng bathrobe. “Who are you?” kunot-noo niyang tanong sa akin. “K-katulong ni C-Ca ah, sir Caleb.”sagot ko sa kanya. “Hon! When did you get a maid?” sigaw niya habang nanatili siyang nakaharang sa pinto. “Who’s that?” narinig ko namang wika ni Caleb. “Get in.” wika niya habang nakatingin sa akin. Tumabi naman ang babae kaya pumasok na ako. “S-saan ko ito ilalagay?” tanong ko sa kanya, dahil hindi niya sinabi kung saan ang room ko. tinuro naman niya sa akin ang isang pinto kaya tinungo ko na ito. Pagpasok ko sa kwarto ay napatingin ako sa paligid maliit lamang ito at para itong storage room. Nagkalat din ang mga gamit sa loob at may isang sofa na nakalagay. Wala naman akong makitang kama kaya siguro sa sofa na lang ako hihiga. Nilagay ko muna sa gilid ang aking maleta at inumpisahan ko ng malinis. “Hey! You need to cook we are hungry.” wika ng babae kaya napalingon ako sa kanya. Nakatayo ito sa pinto kaya tumayo ako. “Just fast.” sabi niya sabay alis ng pinto. Paglabas ko ng room ay nakita ko sila sa sala na nanonood ng TV kaya dumiritso na ako sa kusina. Binuksan ko agad ang ref at tiningnan kung ano ang pwede kong lutuin. Nakita ko naman ang manok at ito na lang ang niluto ko. I fried ko na lang ito dahil wala na rin akong nakikitang pwedeng pang-sahog dito. Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang mesa at tinawag sila. Nang lumapit na sila sa mesa ay naisipan ko nang bumalik sa kwarto para tapusin ang paglilinis rito. “Where are you going?” Napalingon ako kay Caleb, dahil sa kanyang tanong. “Tapusin ko lang ‘yong paglilinis ko,” sagot ko sa kanya. “Did I already tell you to leave?” asik niya sa akin. “Tapos na naman akong magluto. Tapusin ko muna ang pagli-. Aray! Caleb nasasaktan ako!” sigaw ko ng tumayo siya at hinawakan ang aking buhok. “Didn’t I tell you not to answer me?” wika niya sabay sampal sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapadaig dahil sa sakit ng aking pisngi. “Sinasabi ko lang naman na naglilinis ako. A-ano ba!!!” hindi ko mapigilang umiyak dahil sa pag-angat niya sa aking buhok. “You’re not really afraid of me huh.” wika niya sabay suntok sa aking tiyan. Bigla ko namang nararamdaman ang mahilo dahil sa sakit. “T-tama na C-Caleb, p-parang awa mo na, h-hindi na ako uulit,” iyak kong wika sa kanya habang nakahawak ako sa aking tiyan. Nalasahan ko naman ang dugo na lumabas sa aking bibig. Kaya hindi ko mapigilang matakot. “C-Caleb, m-may dugo ang b-bibig ko,” iyak kong sabi habang nakatingin sa aking kamay na may dugo dahil pinunas ko ito sa aking bibig. Nakita ko naman ang pagngiti niya habang umiiling. “Are you afraid of this.” Turo niya pa sa aking kamay na may dugo. “Gusto mo putulin natin ang isang daliri mo.” aniya, kaya bigla akong napaatras. Habang umiling. Tumayo naman siya at kumuha ng kutsilyo kaya sa takot ko ay bigla akong tumakbo palabas ng kanyang condo. Hindi ko naman maiwasang matumba dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng aking tiyan. Pero bigla akong napasigaw ng mahawakan niya ang aking braso. “C-Caleb, b-bitawan mo ako. Uuwi na ako sa amin,” iyak kong wika sa kanya. “Did your father not tell you that you’re mine.” wika niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Npapatingin naman ako sa isa niyang kamay at nakita ang kutsilyong hawak niya. Kaya nangangatal ng husto ang aking katawan sa takot na totohanin niya ang sinabi niya. “C-Caleb h-huwag mo naman gawin sa akin ‘to h-huwag mong putulin ang daliri ko,” iyak kong wika sa kanya habang nanginginig. Napalingon naman ako sa guard na dumaan kaya biglang lumakas ang loob ko. “K-kuya t-tulongan mo po ako! Puputulin niya po ang d-daliri ko!” sigaw ko sa guard na tumingin sa amin. Pero bigla namang humalakhak si Caleb. “K-kuya please po tulungan mo po a-ak-.” napatigil ako sa pagsasalita ng dumapo ulit ang kamao ni Caleb sa aking tiyan, unti-unti namang nagdilim ang aking paningin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng nararamdaman ang sobrang lamig. Hindi ko naman mapigilang mapadaing ng gumalaw ako dahil ramdam ko pa rin ang sakit sa aking tiyan. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa sala ako. Dahan-dahan akong tumayo pero mapapabalik ako sa paghiga dahil sa sakit ng aking tiyan. Ramdam ko rin ang sakit ng aking likod dahil ilang oras na siguro akong nakahiga dito sa sahig. Pinilit kong dumapa para makagapang ako papunta sa sofa, kailangan kong makaabot doon para doon mahiga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko ito narating dahil hirap akong makakilos sa sakit ng aking katawan. Habol ko ang aking hininga ng nakahiga ako sa sofa, hindi ko naman mapigilang mapaiyak habang tiningnan ang aking kamay. Akala ko pinutol na niya ito. Bigla naman akong nagulat ng bumukas ang pinto kaya ipinikit ko ang aking mga mata at nagpapanggap na tulog. Pinipigilan ko rin ang aking sarili na huwag mapahikbi. Hindi ko rin mapigilang manginig ng marinig ang mga yapak ng paa na papunta sa akin. Lalong bumilis ang t***k ng aking puso ng maramdaman ang paglubog sa bandang dulo ng sofa. Mayamaya pa ay naramdaman ko naman ang pagtayo nito kaya napahinga ako ng malalim dahil papalayo na ang kanyang mga yapak. Unti-unti ko namang idinilat ang aking mga mata at pinunasan ang aking mga luha na naglandas sa aking pisngi pero nagulat ako ng makita si Caleb na nasa harapan ko. “G-gutom k-ka na ba? Magluluto lang ako.” wika ko habang pinipilit bumangon, dahil baka magalit na naman siya. nang nakatayo ako ay napahawak ako sa aking tiyan at dahan-dahan pumunta sa kusina. Napatingin din ako sa orasan na nasa kusina at nakitang alas dos na ng madaling araw. Napatingin ako sa laman ng ref dahil itlog na lang ang nandito baka ayaw niya nito. Napalingon rin ako sa kanya ng sumunod siya sa akin dito sa kusina at hindi ko rin maiwasang manginig, dahil baka saktan na naman niya ako. “K-kumakain ka ba ng itlog? W-wala na kasing laman ang ref mo,” mahina kong wika sa kanya. S-sana hindi siya magalit. “Tsk. Matulog ka na lang. I don’t want to eat.” wika niya na ikinatango ko. kaya agad na akong pumunta sa kwarto ko. Nang makapasok na ako sa kwarto ay hindi ko na napigilan ang aking hikbi dahil sa sakit at takot sa kanya. Bigla ko namang tinakpan ang aking bibig ng marinig ang katok sa pinto. Kaya pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo papunta sa pintuan. “A-ano ‘yon?” yukong tanong ko sa kanya. “Prepare my uniform tomorrow. “ wika niya at agad tumalikod sa akin. Ramdam ko pa rin ang hilo ng gumising ako, napatingin naman ako sa orasan at nakitang alas singko na ng umaga kaya dali-dali akong tumayo kahit ramdam ko pa rin ang sakit ng aking tiyan pati ang aking pisngi. Paglabas ko ng kwarto ay inihanda ko ang aking lutuin para sa almusal ni Caleb. Kinuha ko na lang ang itlog at ginisa ang tirang kanin kagabi. Nang maihanda ko na ang mesa ay pumunta ako sa kwarto ni Caleb at kinuha ang kanyang uniform at dinala sa kwarto ko para doon plantsahin. Nang matapos na ako sa aking ginawa ay bumalik ako sa kanyang kwarto at nilagay ito sa kanyang wardrobe. Dahan-dahan akong lumabas para makaligo na rin. Kinuha ko ang aking uniform sa kwarto at dinala ito sa banyo sa labas. wala kasing banyo sa loob ng kwarto ko dahil storage room ito dati. Nang makapasok ako sa banyo ay dali-dali akong naligo dahil malapit ng mag eight ng umaga. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko agad ang aking uniform at lumabas. Napatingin naman sa akin si Caleb na nasa kusina at nakaupo na ito. “K-kakain ka na ba?” tanong ko sa kanya habang yumuko. “Make me a coffee.” wika niya kaya dali-dali akong kumuha ng tasa para ipagtimpla siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD