“Ma’am Jessa, gising po.” Unti-unti akong naalimpungatan noong may naramdaman akong kumakalabit sa braso ko. Si Liyen lang pala. Ginigising niya ako dahil nakatulog na ako sa sofa. Sa sobrang pagod ko sa biyahe ay napasarap na ang sandal ko sa sofa at nakatulog pa nga. Mabilis talaga ako makatulog. Pag pumikit ako, tulog na ako agad. Ganoon kaming dalawa ni Black. May mga similarity kaming dalawa na sobrang weird pero may advantage naman sa aming dalawa. “Liyen, I’m sorry nakaidlip ako.” “Ito na po ang juice mo, Ma’am Jessa. Mukhang pagod na pagod po kayo. Gusto mo po ba ihatid na muna kita sa kwarto mo? Kahit bukas mo na lang ako kwentuhan. Magpahinga ka na muna, Ma’am Jessa.” Uminom muna ako sa tinimpla niyang pineapple juice bago ako nagpahatid sa kwarto. Actually sabi ko sa ka

