My head is spinning. Pakiramdam ko ay mahahati sa ilang piraso ang ulo ko sa sobrang sakit. Ito na yung pinakamalalang hangover na na-experience ko. Cross my heart. Sobrang sakit talaga sa ulo. Parang winawarak. Ito ang napapala ng umiinom ng alak. Hindi na ako natuto. Hinahanap din kasi minsan ng panlasa ko ang alak simula nung pinatikim ako ni Black. I'm trying to avoid it pero sa tingin ko hanggang pag-iwas na lang talaga. Ano kayang nangyari noong mawalan ako ng malay? Baka nagalit sa akin si Black. Hay nako! Simula talaga ngayon ay iiwasan ko na ang uminom lalo na ang mga hard na alak. Yung malakas ang tama. Yung katulad nung pinainom sa akin ni Melissa. Ang pinagtataka ko lang, I only drink one glass. Ang kunti lang nun pero ang lakas ng tama sa akin. Nawalan pa nga ako ng mal

