Hanggang ngayon ay ‘di pa rin nagpo-proseso sa ulo ko ang lahat. Dati lang ay isa lamang akong simpleng empleyado ng sikat na restaurant na kung tawagin nila ay La Casia. Ngayon ay asawa ako ng isa sa pinakakilalang businessman sa business world. Isa sa kinatatakutan ko noon. Si Black. Hindi ko inakala na magiging magkakilala kami dahil sa ang itim ng aurang bumabalot dito. I thought what he has is only negativity. A black aura as well just like his name but I was wrong. Habang tumatagal ay mas nakikilala ko pa siya. At lahat ng paratang sa kaniya ng ibang tao ay mali. He’s not that cold-blooded, heartless, and ruthless. Sa katanuyan ay napakabuti niyang tao, sa ginawa niya sa akin at para sa pamilya ko. For protecting me kahit pa ang itaya niya sa sugal ay ang buong pamilya niya at pi

