A month had passed at dumating na yung time na sasakay sya ng barko.
I'm sad kasi iiwan na nya ako, but also I'm happy kasi pangarap nya 'to.
I was crying while hugging him. The fact na hindi ko sya makakasama ng ilang months or even years, is killing me.
“Jo, don't cry na. Mahihirapan akong umalis nyan e.” bulong nito sakin habang hinahagod ang buhok ko.
“E kasi mamimiss kita e. Hindi ako sanay na hindi ka kasama.” sabi ko sakanya.
He just laugh and kissed my forehead.
“Madali lang naman 'to. And always naman akong tatawag sayo e.” he said with assurance.
Humiwalay ako sa kanya at ngumiti. Bago sya umalis he gave me a deep kiss and tight hug, as if it was the last.
—
A months was passed, at hindi ko napapansin na wala sya kasi lagi nya akong tinatawagan, he was always upadating me.
And also na-busy rin ako sa school dahil OJT na din namin.
Umuwi ako nang late sa bahay dahil sa mga school works ko. At hindi namalayang nakatulog na dahil sa pagod.
Exactly 2:37 am nang nagising ako sa ring ng phone ko. May tumatawag.
I picked it up kahit inaantok pa at nakapikit ang mga mata.
“Hello?” bungad ko with a sleepy tone of voice.
“Hello, jo.” sabi sa kabilang linya.
Agad akong napamulat ng mapagtantong siya ang ang tumatawag.
“Bakit, jo? It's already 2:37 am pa lang dito. May problema ba?” nagtatakang tanong ko.
Usually dapat nagpapahinga na sya ngayon, and hindi nya talaga ako tinatawagan ng mga ganitong oras, unless emergency or may problema.
“Wala naman, jo. Na-miss lang kita kaya ako tumawag.” sabi nito.
I smiled on his words, my heart was overwhelmed. Ang sweet nya talaga, pero agad itong napalitan ng kaba ng may marinig akong ingay sa background.
Tila nagsisigawan at nagpapanic ang boses ng mga tao.
“What is that noise, jo? Anong nangyayari?” kinakabahan na tanong ko.
“Ah yon ba? Wala, jo, nagkakasiyahan lang kami dito.” sabi nito.
Kilala ko sya, hindi sya magsasaya ng hindi nagsasabi sakin. At hindi nya ugaling masali sa mga ganong kasiyahan ng ganitong oras. Mas lalo akong kinabahan.
“You're lying. Anong nangyayari jan, Sean?” tanong kong muli, kinakabahan na ako ng sobra.
Agad itong umiyak na mas lalong ikinabahala ko.
“Jo, no matter what will happen always remember that I love you so much.” sabi nito habang umiiyak.
“What's happening, Sean? Tangina!” hindi ko na mapigilang umiyak at magmura dahil may kutob na ako.