ANGEL 4: UNKNOWN FEELINGS

1223 Words
Aaminin ko na masaya ako ngayon sa nagiging takbo ng buhay ko sa paaralan na pinapasukan. Madalas ay kasama ko si Divina at kung minsan ay sumasabay din sa amin si Joseph. Tila hindi na nga kami mapaghiwalay. Unti-unti ay nagbago ang simoy ng hangin dahil sa pinangko nito sa akin. Nagbago na rin si Joseph at hindi na malamig ang pakikisama n’ya sa akin. Mabuting kaibigan na sya ngayon na ikinatuwa ko. Masaya ako dahil hindi lang isa kundi dalawa na ang kaibigan ko. Ibang-iba sa dating ako lalo na at mga baliw ang bago kong kaibigan. Kung minsan pa nga ay napapansin ko na parang hindi lang kaibigan ang turing sa akin ni Joseph. Tila isa akong espesyal na nilalang kung tratuhin nito na lalong nagpapasaya sa aking puso. Hindi ko akalain na darating ang panahong magkakasundo kaming dalawa ng lalaking ito na may sariling mundo noon. Napapikit pa ako nang maalala kung ano ang ginawa nito sa akin noon. FLASHBACK Magkakasama kaming tatlo sa cafeteria habang kumakain. Tumayo ako para kumuha ng ice cream na paborito ko nang masagi ko ang kanyang inumin. Natapon ang laman niyon sa kanyang pantalon kaya naman napatayo sya at galit akong hinarap. "Ano ba yan, hindi mo ba alam kung anong kapalpakan na naman ang ginawa mo sa akin. Nananadya ka ba?” Mataas ang boses na wika nito sa akin. Nanginig ako sa takot at dahil na din sa hitsura nito na tila nais akong saktan. Naiiyak na ako ng mga oras na iyon dahil hindi ko naman sinasadya ang nangyari.  Maging si Divina ay nabigla sa kanyang nakita. Napatigil sa ere ang kutsarang hawak nito na may pagkain at hindi na nagawang isubo. Patuloy parin si Joseph sa pagsigaw sa akin hanggang sa hindi ko na kinaya.  Ilang beses n’ya na din kasing ginagawa sa akin iyon. Madalas nya akong sinisigawan kahit hindi ko naman sinasadya ang pangyayari.  Gisto ko ng sumabog sa sobrang pikon sa lalaking ito. bakit ba ako ang lagi n’yang nakikita. Wala naman akong masamang ginawa sa kanya. Nahiya na ako dahil pinagtitinginan narin kami ng ibang estudyante. Hindi ko na talaga kaya mabilis akong tumakbo at iniwan sila. Narinig ko pa si Divina na tinatawag ako poero hindi ko na sila nilingon. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makarating ako sa parke kung saan may punong manga na katulad sa madalas kong tambayan malapit sa bahay. Tumigil ako doon at nagsimulang umiyak.  Nilabas ko lahat ang sama ng loob na nasa aking dibdib dahil sa pakikisama sa akin ni Joseph. Hindi ko din naman ginusto na maging kaibigan s’ya. Bakit n’ya pinaparamdam sa akin na parang kasalanan ko lahat. Sino ba s’ya sa tingin n’ya. Hindi ko na pinansin ang ibang estudyante na pinagtitinginan ako dahil sa aking pag-iyak. “Bwisit ka Joseph, I hate you!” JOSEPH POV Hindi ko alam pero tila nasaktan ako nang makita kong tumakbo palayo si Eindy habang patuloy naman sa pagtawag si Divina sa kanya. Naiinis ako pero hindi dahil sa ginawa n’ya kundi dahil sa aking sarili. Bakit ko nga ba ginagawa ito kay Eindy. Mabait na tao si Eindy at kahit kalian ay wala itong ginawa kundi ang maging mabuting kaibigan sa amin ni Divina. Sinabunutan ko ang sarili na napansin naman ni Divina. Masama ang tingin nito sa akin at nararamdaman kong galit ito ngayon sa akin. "Ewan ko sayo Joseph, sa totoo lang hindi din kita maintindihan kung bakit mo sinasaktan si Eindy.” Matigas ang boses na wika nito at iniwan na rin ako. Ang totoo ay hindi ko s’ya gustong saktan. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman. Alam ko na may espesyal akongb pagtingin sa kanya pero ayokong mapalapit ang loob namin sa isa't-isa dahil hindi pwede. Hindi maaari dahil  tutulutan iyon ng aking pinagmulan. Pinipilit kong magalit sa kanya para matakot s’ya sa akin kahit pa nga gustong gusto ko na syang hawakan at alagaan. "I'm sorry Eindy ayokong masaktan ka ng dahil lang sa pinagmulan ko.” Bulong ko sa sarili dahil hindi ko talaga gusting mangyari iyon pag nagkataon. Natauhan naman ako sa sinabi ni Divina sa akin at naramdaman ko ang galit nito dahil sa aking ginawa. Nagdesisyon ako na ayusin ang relasyon namin bilang magkakaibigan. Bahala na kapag hindi ko napigilan ang sarili tungkol sa tunay kong nararamdaman kay Eindy. EINDY POV Sobrang nagtampo talaga ako kay Joseph at pinili na huwag nang makisama sa lalaki. Masakit lang dahil maging si Divina ay nadamay sa naging pasya ko. Madalas ay umiiwas ako sa kanila. Hindi ako sumasabay sa kanila sa kahit anong lakad. Mag isa na naman ako gaya ng dati. Umaalis ako agad pag nakikita ko silang paparating sa kinatatayuan ko. Napapatigil tuloy si Divina at malungkot na nakatingin sa akin kapag umiiwas ako sa kanila. Ayoko nang masaktan ulit dahil kay Joseph. Sanay naman ako na inaasar dahil sa mga mambubully pero hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon k okay Joseph. Bahala s’ya sa buhay n’ya pero nagulat ako nang lumapit ito sa akin na hindi kasama si Divina. “Ahm Eindy pwede ba kita makausap,” mahina ang boses nito sa pagkakasabi nun. Tatayo na sana ako dahil ayaw ko s’yang makausap kaya lang ay hinawakan nito ang kamay ko kaya natigilan ako. Sumenyas ito na umupo ako ulit kaya ginawa ko na lang. Umupo din ito sa kaharap kong upuan. “I’m sorry,” mahina pa din ang boses nito na tila walang lakas ng loob makipag-usap sa akin. “Para saan, wala ka naman ginawang mali,” tila naiiyak ako nang sabihin iyon. “It’s my fault and I admit na lagi kong ginagawa yun sa’yo.” Medyo lumakas na konti ang boses nito. “Kasalanan ko naman yun, ang clumsy ko kaya lagi akong nakakasakit sa ginagawa ko.” Tuluyan ng pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napansin ko na tila naalarma ito sa pagpatak ng aking luha. Agad nitong kinuha ang panyo sa kanyang bulsa at binigay sa akin. “Eindy wala kang kasalanan kaya ako nandito dahil gusto ko makipag-ayos sa’yo dahil miss ka na din ni Divina. I promise na hindi ko na ulit iyon gagawin sa’yo kahit kalian kaya please bumalik ka na sa amin okay.” Mahabang wika nito na may mataas na boses kaya naman pinagtinginan kami ng iba naming kaklase. Nahiya ako bigla kaya tinakpan ko ang bibig nito dahil may nais pang sabihin. “Sige na okay na tayo,” walang emosyon kong wika. Hindi din ako sigurado sa sinabi ko pero wala ng atrasan dahil nasabi ko na. “Talaga?” hindi makapaniwala ang hitsura nito. “Oo na nga, sige na lumayas ka na at si Divina ang gusto kong makita hindi ikaw.” Pagtataboy ko sa lalaki. Halos mapunit naman ang mukha nito dahil sa sinabi ko kaya mabilis itong tumayo sa kinauupuan. “Thank you Eindy,” sigaw pa nito sa may pintuan ng classroom bago tuluyan umalis. Sana lang talaga ay hindi mali ang desisyon ko. Bahala na si Batman saka si Divina, total s’ya ang may gusto nito. Sa pag-uugali ni Divina, sigurado ako na ito ang pumilit sa lalaki na makipag-ayos sa akin. Miss ko na din naman si Divina kaya pwede na. Pag sinaktan na naman ako ni Joseph naku maghahalo talaga ang takip sa tinalupan. Makikita n’ya ang sakit ng aking ganti. Kaya huwag talaga s’yang uulit sa akin. Makikipagsabwatan din ako kay Divina para wala s’yang kawala sa amin. Bigla akong natawa dahil sa naisip. END OF FLASHBACK Tinupad nga ni Joseph ang promise n’ya sa akin na hindi na ulit ako sasaktan gamit ang kanyang mga salita. Naging mabuting kaibigan na s’ya sa akin at tila naging tuta naman kay Divina dahil lagot s’ya sa babae pag nagkataon. Sa pagtagal ay tila napapansin kong nag-iiba ang pakikitungo sa akin ni Joseph na nagugustuhan naman ni Divina nang sabihin ko iyon sa kanya. Ayokong umasa pero tila iba na din ang ikinikilos ko.  Masarap sa pakiramdam ang nangyayari sa amin ngayon. Magkakasama na naman kaming tatlo dahil may camping kami. Gusto daw ni Divina na may kakaibang gawin bago ang long vacation. Hindi namin akalain na mountain hiking pala ang nais nito. Katulad dati ay wala na naman kaming nagawa ni Joseph kundi ang sumama sa baliw naming kaibigan.   “Thank you Div’s,” sumandal ako sa kanya habang inaayos nito ang mga dala naming gamit. “You are always welcome girl.” Pinisil na naman nito ang pisngi ko. “Siraulo ka talagang babae ka.” Sigaw ko sa kanya pero abot hanggang tainga naman ang ngiti ko. “Same to you inday,” ayaw paawat na sagot nito dahilan para magtawanan kaming dalawa. "It's so nice to have you both,” mahinang bulong ko sa kanya at iniwan ito sa kanyang puwesto. “What did you say, hindi ko narinig,” sigaw nito dahil malayo na ako sa kanya. Umiling lang ako at pinagpatuloy na ang aking ginagawa. “Seriously, I love both of them,” bulong ko sa sarili at nakangiting tumingin sa langit kung saan makikita ang napakaraming bituin na tila nakikisama sa nararamdaman ko ngayon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD