DARKENIA KINGDOM Sa tahimik na lugar ay maririnig ang malakas na tunog ng takong ng kanilang pinakamamahal na reyna. Sumasayad sa sahig ang nakatikom na malaking kulay itim na pakpak nito. Nakakatakot ang kanyang walang emosyon na mukha. Idagdag pa ang kulay itim nitong mga labi. "Kumusta ang ating magandang bihag, Ravena?” Umupo agad siya sa kanyang trono matapos yumukod ng kanyang kanang kamay. "Kasalukuyan po siyang nagpapagaling ng mga sugat ngayon kamahalan,” magalang na sagot niya sa kanyang kamahalan. "Alam kong pupunta si Zeus dito para iligtas ang babaeng yan kaya maghanda kayo,” galit na wika ng reyna. Hindi pa din niya matanggap na nagawa iyon ni Zeus sa kanila. Hindi niya din inaasahan na malalaman agad ng binata ang tungkol sa totoong pagkatao nito. "Huwag kayong mag-

