"Ano po ang ibig n'yong sabihin?" Tila sumakit ulit ang aking ulo dahil sa mga natuklasan. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Lola Ima. "Alam kong naguguluhan ka dahil sa mga sinasabi ko ngayon kaya kailangan mo silang makilala.” "Divina pagpahingahin mo agad si Zeus pagkatapos kumain dahil kailangan n’yang harapin at malaman kung ano ang nakatakda sa propesiya maging ang kanyang tunay na katauhan.” Saglit akong natigilan nang may naalala. Kaya pala biglang nagbago ang kapangyarihan ko. Marahil ay ito din ang dahilan kung bakit wala pang basbas ang itim kong kapangyarihan dahil hindi nila kayang basbasan iyon. Hindi nila kayang gawin ang bagay na iyon dahil nasa dugo ko talaga ang liwanag at hiniram lang ako ng kadiliman. "Kaya pala familiar ang Zeus ay dahil iyon ang

