ICARUS'S POV
Monday...
nasa tapat ako ng gate at hinihintay ang pag dating nya.
Kahapon...
Dapat pupunta kami sa Black Rose pero...
*FLASHBACK*
Nag lakad kami ng nag lakad... Hanggang sa mapagod nalang kaming anim lalo na ako. "nasaan ba ang headquarter ng Black Rose?" tanong ko sa kanila habang hingal na hingal.
"ay boss... Ang alam namin alam mo..." -Dart
"oo nga kaya nga sinundan ka namin eh" - Tori
What?????!!? Napaupo ako sa kinatatayuan dahil tuluyan ng bumigay ang tuhod ko dahil sa sinabi nila.
"BOOOOOSSSSS" nataranta silang lima.
*END OF FLASHBACK*
naman... Isang malaking EPIC FAIL ang nangyari sa amin kahapon.
Hay...
Eeeh?...
Limang lalaki ang huminto sa harap ko, lahat sila masama ang tingin.
"Good morning..." bati ko though I already know what they want...
A fight...
"Want some exercise?" I asked them. Binaba ko ang bag ko nung makita ko na nag palagutok na sila ng mga kamao. And I guess its a yes... I slightly shake my left hand. Pwede na siguro ang kaliwang kamay ko para patumbahin sila.
Isang mabilis na paghakbang ang ginawa ko palapit sa lalaking nasa gitna. Pero laking gulat ko nang bigla syang nawala sa paningin ko.
"They don't need any exercise... Feist... Do you?" nakita ko yung lalaki na hawak hawak ni Nyx ang tenga. Kitang kita ko ang bakas ng sakit sa mukha nya.
"Nyx..." bulong ko. Umayos ako ng tayo at saka ko kinuha ang bag. Isang masama at nakakatakot na tingin ang ibinato ni Nyx pero hindi para sa akin kundi para sa limang lalaki... Taga kabilang school siguro ang mga ito.
Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero alam ko na may pagbabanta sa mga mata ni Nyx.
Not him or else... I will cut your throat
Basa ko sa mga labi nya habang kausap ang mga lalaking iyon. Bago tuluyang umalis ay tumingin muna sila sa akin at sumenyas ng dislike.
I smiled and I wave my hand. "bye bye" lumakad na kami papasok ni Nyx. "sino ang mga iyon?" pagbubukas ko ng usapan, ang tahimik kase. "Nothing" yun lang ang sagot nya. Nothing pero kung kausapin nya parang ang tagal na nilang kilala ka. Hmmp!
"ano nga palang ginagawa mo sa tapat ng gate?" hindi man lang sya tumingin sa akin.
"tingin ka muna sa akin bago ko sagutin ang tanong mo..."
"could you just answer my question to you"
"ayaw hindi pa din tumingin"
"tss... Bahala ka" bumilis ang lakad nya kaya binilisan ko rin ang pag hakbang para maabutan sya.
"Oo na sige na sasabihin ko na... Umm... Andun ako kase ano... Ahafsjdvzhebsn" kumunot ang noo nya. Hindi ko mabanggit ng maayos ang sasabihin ko.
"ano?" this time tumingin na sya sa akin. Pero mas lalo yung nag pa dagdag sa kaba ko at pag wawala ng puso ko. Nahihirapan na akong huminga. "Feist anong problema? Ayus ka lang ba?" hindi toh maganda. Hindi ko na makontrol ang pagtibok nya. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang sakit ng nasa loob. Hindi ko mahabol ang hangin na nasa paligid ko.
"FEIST" nakita ko ang pag aalala sa boses at mukha nya. "o-oo naman..." no not here... Please stop it. Wag sa harap nya... Heart... Not now...
Hinalungkat ni Nyx ang bag ko at may nakita sya doon. Saka nya mabilisang binuksan at pina inom sa akin. "kalma lang! Okay! Oh please oh please just calm Feist" hahahaha sya nga itong dapat kumalma eh. Pinainom nya ako ng tubig mula sa Tumblr nya.
Wala nang mga tao na nag lalakad o naka stand by dito sa labas kaya walang sasaklolo sa amin ni Nyx. Inakay nya ako sa ilalalim ng puno para hindi kami maarawan. "wait I call for help" aalis sana sya pero hinigit ko ang kamay nya palapit sa akin. "No stay... Here I will be Fine--argh!" pinilit kong ngumiti pero pilit ding sumasakit at umi epal ang puso ko. "Baliw ka ba!? Tatawag ako ng ambulance--" ang kulit.
Kahapon dalawang beses din akong inatake nito eh pero okay lang naman. At ngayon... Lagi lagi ng dumadalas ang pag sikip ng dibdib ko... Tsssk! Lagi na lang panira ng moment namin ni Nyx ang sarili kong puso. "pwes anong gusto mong gawin ko? Ang pag masdan ka jn na hirap na hirap... At di ko alam ang nangyayari sayo???!!!" hay naku...
"Hinihika lang ako!" pilit kong hinahabol ang pag hinga ko.
Mamaya ay medyo kumalma sya at tuluyan na ngang nawala ang sakit. "see! Sabi sayo okay lang ako eh"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko na kung saan ay talagang ikinabigla ko. "bwisit! Bwisit!" teka umiiyak ba sya? Itim na tubig ang pumatak sa mga kamay na kung saan hawak hawak ko pa rin. Itim iyon dahil sa eyeliner nya na kumakalat na sa maganda nyang mukha. "Nyx..." tawag ko sa pangalan nya. Nakayuko lang sya at walang imik pagkatapos nyang banggitin ang mga salitang iyon. "sinabi ko na sayo di ba... Hinika lang ako" pangungumbinsi ko.
"Feist..." tawag nya sa pangalan ko. Basag ang boses nya at puro hikbi na lang ang sumunod kong narinig at tila nag hihintay ng isasagot ko "yes?..." hawak ko pa din ang mga kamay nya.
Itinaas nya ang kanang kamay at idinikit iyon sa tapat ng puso ko saka sya sunod na ipinatong sa likod ng sariling palad ang noo. "wag kang mawawala sa akin tulad nila huh... Ipinangako mo yun kaya dapat tuparin mo... Wag kang gagaya sa kanina na iniwan akong nag iisa, wag kang gagaya sa kanila na hindi tumutupad sa binitiwang pangako... Promise me again Feist" napakahina at pabulong nyang sinabi iyon pero... Para sa akin umaalingawngaw iyon at isinisigaw nyang pilit hanggang sa mapaos sya para lang iparating sa akin at madilig ko ang bawat halaga ng mga salitang iyon.
Hindi ko alam kung sino ang mga taong tinutukoy nya na nang iwan sa kanya pero kunh sino man sila "I will promise Nyx hindi kita iiwan" niyaka ko sya ng mahigpit at hinayaan syang basain ang dibdib ko at lunurin ito ng mga luha nya.
Can you see it heart? Can you see it? Pinaiyak mo sya... Hindi ka kase nag iingat eh pa bigla bigla ka kase yan tuloy. Malunod ka sana ng mga luha nya para matauhan ka na dapat hindi mo sya sinasaktan...
"shhhhh... Tahan na..." Mahal kita "Nyx... Thank you" hindi sya nag salita at patuloy lang sa pag hikbi. May mga bagay na hindi na namin pinag uusapan pero alam namin sa isa't isa kung ano ito. Ang weird noh... Namin pareho...
Ewan ko kung paano pero Naramdaman ko na lang bigla... Nalaman ko na lang bigla na... Mahal nya din ako... Too magical right...
Nag tagal kami sa ganoong pwesto... Pero parang kulang... Parang bitin... Time pwede pa bang mag extend? Or kahit stop time na lang muna. Saka ko na babayaran yun...
Ngumiti ako ng makapag decide ako... I made my decision mag papa heart transplant na ako. For Nyx sake... At Promise na Binitiwan ko.
=❤=
Pag uwi ko sa bahay ay excited na akong tinawag sila mom at papa. Nag tataka man sila ay hindi ko na pinansin. "hahaha mom... Pa... I made my decision..."
"what decision baby?" i smiles pero umiyak si Mom na parang mamatay na ako... Grabe ang advance "oh No!!!! Hon! Iiwan na tayo ng anak natin! Makikipag tanan na sya kay Nyx! Huhuhuhuhu saan kayo titira? May trabaho ba sya? Sige mag tanan kayo pero dapat malapit lang huh! Dito sa bahay na lang pala." kakamot kamot ako ng ulo ng sumingit ako sa mga sasabihin ni Mom "Mom hindi ganun---" pero mas lalo syang humagulgol ng iyak at nag yakapan na sila ni papa na umiiyak na din, eeehh?
"wag mo sabihing buntis si Nyx??! Waahuhuhuhuhu Nooo... Hindi ka ba talaga nakapag pigil sa pag taas ng Libido mo sa katawan baby ko? Bakit ang bilis mo ma-arouse? Mana ka talaga sa papa mo... ( TДT)" -mom
"Hon hindi talaga maiiwasan ang ganitong mga bagay. Nag bibinata na ang anak natin. Anak, papa is very very proud of you!" ay grabe... Nao overwhelmed sya sa mga narinig nya kahit sya napapaiyak na din.
"okay lang yan anak! c****s pa more, big boy na nga ang panganay ng papa... Huhuhuhu" nag yakapan si papa at Mom at pati na rin ako.
"pero mom... Pa... Hindi po yun ang sasabihin ko" nag punas muna ako ng mga luha ko at umayos ng tayo. Nag bigay ako ng Malawak na ngiti sa kanila... "payag na po ako mag pa heart transplant" nakita ko ang pag liwanag sa mukha nilang dalawa.
At sabay na nag "waaaaaaahhhahahahaha" sa sobrang excited. Niyakap nila ako ng sabay at patalon talon pa. "congrats" hahaha "sabi sayo hon eh iba nagagawa ng pag ibig" pag katapos sabihin ni papa ang mga iyon ay hinalikan nya si Mom sa lips.
Ang sweet nila sobra... Parang hindi sila tumatanda o nag kakaedad dahil sa sweetness nila na ang lakas maka 16 years old.
Na iimagine ko na kaming dalawa ni Nyx...
Sya at ako masayang nag hahabulan at nag kukulitan sa loob ng bahay habang tumatawa ng masiglang masigla. Si Icarus Jr. Naman ay walang humpay din ang saya sa nakikita nya at mangangarap na maging tulad masaya at masigla din ang magiging pamilya nya. Napangiti ako sa mga naiisip ko. Isang pamilya... Ako ang tatay at si Nyx ang nanay... Napakagandang pangarap hindi ba.
NYX'S POV
Pinag mamasdan ko ang malaki at tila palasyong bahay na nasa harap ko. Ngunit... Kupas na ang pintura, nilulumot ang mataas na pader, puro tuyo ang mga halaman, mataas na mga d**o, at kinakalawang ang mataas na bakal na gate. Pero para sa akin ito pa rin ang pinaka Magandang bahay sa lahat. Ang European style ng bahay na tila palasyo ng hari at reyna ng England. Ang malawak na lupain nito.
Pero sa kabila ng mala horror house na estraktura nito ay natatago ang mga magagandang alala kung saan tila panaginip sa saya. Bawat sulok at bawat hakbang mo ay puno ng galak, tawa, matatamis na ngiti, kumikinang na mga mata na hindi mo aakalaing mawawala lang ng isang iglap. Panaginip na naging bangungunot na katagalan. Puno ng sakit, paghihirap, pag iisa, walang katahimikan, puro sigaw, puro problema walang katapusang problem At tanging kadiliman na lang ang pwede mong takbuhan at lapitan... Bakit? Upang hindi makita ang nakakainis na pag mumukha nila, upang hindi mo marinig ang mga walang kwenta nilang hinaing sa buhay, upang... Upang maramdaman ko na ako na lang talaga ang nag iisa sa mundong ito. Walang mga kaibigan, walang gustong kumausap, walang nakakakilala, walang personality tanging ako lang... Mag isa. Sapat na ako kung sino ako... Sapat na ako kung nasaan ako... Pero dati yun ng hindi pa sya dumadating sa buhay ko kase ngayon na realize ko takot na akong mag isa ulit.
Lalo na kanina... Takot na takot ako... Yung makita sya sa ganung pag hihirap. Hindi ko kayang may mawala ulit sa akin. Tama na si Mommy and daddy and yaya. Hindi ko na kakayanin kung pati sya...
Nakaramdam ako ulit ng saya dahil sa kanya... Yung akala ko na sa isip ko na lang mararanasan. Pinaramdam nya ulit sa akin iyon... So please wag na sya... Tama... Kuhain mo na lahat ng kayamanan na ito pero wag lang sya.
"Argh!" napahawak ako sa ulo ko at napatingin sa isang bagay na kakabagsak lang sa paa ko. Isa yung mangkok at basag na iyon. Tumingin ako kung sino ang gumawa nun.
"bwisit kang salot ka! Kanina pakita tinatawag ah! Anong poblema mo? At anong tinatayo tayo mo jn? Pumasok ka na nga! Ang panget na nga ng bahay mo dadagdagan mo pa! PASOK!" lumapit sa akin si Auntie at piningot ang tenga ko saka ako hinigit papasok sa loob. "aray! Oo na" pakiramdam ko mararanggal ang tenga ko at mapupunit ito dahil sa hikaw ko sya nakahawak. "ano bang problema nyo?!" Tanong ko pero hindi naman sya nag sasalita. Binitiwan nya lang ako nung nasa loob na kami pero tinulak nya muna ako ng sobrang lakas na ikinabigla ko kaya nawalan ako ng balanse na ikinatumba ko.
"wala ng laman ang ref pahinging pambili" inilahad nya ang kamay sa harap ko.
Teka eh kakabigay ko lang sa kanya ng pera ah! Saan nya dinala ang limang libo kahapon lang yun ah! "what?!"
"wag mo ako ma wat wat jn. Naubos na ang ibinigay mo kahapon. Kulang panga yun pang isang araw eh! ANO HINDI KA PA BA MAG BIBIGAY? yan nga lang ang silbi mo di ba? Hindi ka na nga kumikilos dito sa loob ng bahay puro ako na lang ginaganyan mo pa ako. Walang utang na loob! Eh kung kumukuha ka ng katulong edi sana hindi ako Nahihirapan at nag bubuhay donya a ako!" tinapakan nya ang mukha ko na tila pumapatay ng Ipis. Hindi pa sya nakuntento at tinadyakan nya pa ako ng Paulit ulit. Masakit... Sobrang sakit pero hindi ko talaga magawang lumaban.
"Nyx, my princess... Dapat hindi ka sumasagot o lumalaban sa mas nakakatanda sayo kase po bad iyon... Promise mo kay mommy and daddy yun"
"opo mommy"
To be continued...