Pati ako ginugulo ng mga media tungkol sa balita kay Gabriel. Pero tinataguan ko sila. Hindi na naging tahimik ang buhay ko sa mga media. Naalala ko noon hindi nila ako malapitan kasi andaming binigay na bantay sa akin ni Gabriel. Pero ngayun wala na siya. Kaya kailangan ko itong kayanin magisa. "Anak iiyak mo lang yan kung nahihirapan kana, Nandito lang kami handang makinig sayo mas makakatulong yan para maklimutan siya. Dahil sa sinabi ni Mamita napaiyak na ako. "Ninang ang sakit sakit. Bakit siya ganun ano ba ang kasalanan ko. Napaka sinungaling niya." Sabi ko habang umiiyak ako. "Ninang umalis na tayo dito. Para makalimutan ko siya at para hindi na ako ountahan ng mga media." Sabi ko kasi kakagaling lang ng mga media. Kung hindi pa sila tinakot ng mga tambay hindi pa sila aalis

