"Kaya bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag sayo.Maiintindihan mo siya." Sabi pa nito. Kaya napatingin ako sa kanya at napaisip ako. "bat ganun na lang kadali ni Gabriel na pagbago ang mga tao sa tabi ko. Biglang na lang sa kanya pumanig ang mga ito. Ano ba talaga ang totoong nangyari?" Bulong ko. "Mahal ko siya Rey, mahal na mahal. Pero natatakot akong muling magtiwala at umasa." Sabi ko sa kanya at yumakap sa kanya habang umiyak. "Sssh. Tahan na mamaya isipin nila dito pinaiiyak kita. Kausapin mo siya bigyan no ng pagkakataon na magpaliwanag. Para hindi ka na iiyak ng ganyan.Ok" Sabi nito na pinahid ang mga luha ko. Paguwi ko hindi ako nakatulog magdamag. Kinabukasan sinabi ko kayla ninang ang naging disisyon ko. Natuwa sila. Sinabi ko na pupuntahan ko si Gabreil.Handa na ak

