Kinabukasan maaga pa gising na ako ngayon kasi ako susunduin ni Gabreil pupunta kami ng sa Isang Rest house nila sa Batangas. Nagiimbita Ang magulang niya sa amin dahil Anniversary ng mga magulang ni Gabreil at para narin daw makilala namin yung kinuha ng mama ni Gabreil na wedding coordinator namin. Pagbaba ko nakita ko na nasa ibaba na si Gabreil kausap sila Ninang. Lumingon sila ng bumaba ako. "Ayan na pala siya." Sabi ni ninang Betchay. Tumayo si Gabreil sinalubong niya ako. "Good morning sweetheart!" Bati niya sa akin sabay halik sa akin. Binati ko din siya. "Daanan na lang daw natin sila Cloe." Sabi ni Mamita tumango na lang ako. Lumabas na kami. Sasakyan ni Gabreil ang sinakyan namin. Nasa unahan ako katabi ni Gabreil siya ang nagdrive. Habang nasa daan tahimik ako. Kinakabahan

