"Jade hindi ka pwedeng umurong ngayon dahil Kasama sa pinirmahan mo na hindi ka pwedeng mag back out.Hindi mo ba binasa Ang contrata na pinirmahan mo?" Sabi nito sa akin napaisip ako. "Hindi pwede ito kailangan ko makausap si Mommy Lor." Sabi ko. "Walang alam si Mommy Lor dito. Dahil wala siya ngayon dito. Si Gabriel ngayon ang bagong Producer ng company. Pinasa niya dito ang Company dahil ikakasal siya sa boyfriend niyang German. Hindi mo din tiningnan kung sino ang nakalagay sa contrata na producer. Saka Jhanina ano naman ngayon kung si Gabreil ang leading man mo. Wag mong sabihin na apektado ka parin sa kanya hangang ngayon?" Sabi nito Natigilan ako. "Hindi no." Sagot ko dito. "So anong problema?" Sabi nito kaya nainis ako. Naisahan ako ni Gabreil. Kaya wala na akong na gawa. E ano

