Trigger Warning: This chapter contains image descriptions that may be disturbing to some readers such as; blood and physical injury.
Umalingawngaw ang ingay nang nabasag na salamin, narinig ito ni Paciano. Minadali niyang tinungo ang silid na pinagmulan nito, tumambad sa kanya ang magulong study room ng namayapang amo. Gumala ang tingin niya sa buong silid at nagbigay pagkakataon ito kay Red na maitago sa likod ang nakatuping dokumento. "Ayos ka lang?" Nag-aalang tanong ni Paciano sa amo. Lumapit siya kay Red at tinagnan ang kabuohang ayos, tinigyan siya mula ulo, at huminto sa kamay siya. Humakbang pa ng isang beses ang matanda habang titig sa kamay ng amo, halos magkasalubong na rin ang kilay. Kinuyom ni Red ang kamay, dahilan upang malukot ang papel.
Nakita ni Red ang pagtaas ng kamay ni Paciano at hahawakan na sana ang kamay niya. Ilang pulgada nalang ang layo nito.
"Paciano" Tila naging istatwa ang matanda dahil tumigil sa gitna ang kamay niya. Lumihis ang tingin niya mula sa kamay at humarap kay Red. Binalik naman ang kamay niya sa gilid. Mabilis naghalo kay ang dokumento na kanina niya pa hawak, umayos siya ng tindig ang nakipagtitigan sa matanda. Kumunot ang noo ni Red nang makita na gano'n parin ang hilatsa ng mukha ng matanda.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Itinuro ng matanda ang kamay ni Red at pinakawalan ang hininga na kanina pa pinigilan. Abaga hanggang sa may siko ang hiwa sa balat ni Red, nakabuka ang laman nito at kita sa malalim na parte ng hiwa ang buto, sa dulo ng hiwa, malapit sa kanyang siko nakasalampak ang malaking tipak ng salamin. Halos maligo ng dugo ang boung kamay ni Red at nang kinuha niya ang kamay mula sa pagkakatago sa likod ay dumaloy lalo ang dugo haggang daliri at bumagsak sa sahig. Isang patak, dalawa, tatlo, hanggang sa dumami nang dumami. Lumapit lalo si Paciano sa dalaga at parang hindi alam ang gagawin dahil sa pagkataranta. Tahimik na nilalalapit niya ang kamay sa sugat pero umuurong at nanginginig, parang gusto niyang hawakan at linisan ang sugat pero natatakot siya. "Okay lang ako" Kalmadong paalala ni Red sa matanda at binigyan ng maliit na ngiti para maibsan ang pagkabahala.
Isa pa, bilang isang shifters. May kakayahan silang pahilumin ang sugat. Siguro, ang pagkataranta ng matanda ay dala sa kung ano ang nangyari sa kanyang mga magulang. Takot na siyang mawalan pa ng amo.
Nakatayo sila pareho nang binunot ni Red ang salamin mula sa pagkakabaon. Hindi man lang ngumiwi ang dalaga sa ginawa. Makalipas ang isang segundo, parang pinagdikit na fillet ang magkabilang hiwa niyang laman. Sumasara ang noo'y nakabukaka at lantad na laman ng hiwa, hangggang sa wala ng bakas na sugat kay Red. Binigyan niya ng tingin ang matanda at ngiti. "Sa tingin ko naman ay gagaan na ang loob niyo" May bahid na biro niyang saad.
"Pasensya na, sadyang nag-aalala lang talaga ako" Paumanhin ni Paciano at bumuntong hininga "Natatakot ako sa posibleng mangyari sa'yo matapos ang nangyari sa mga magulang mo" malungkot ang boses ng matanda. "Napakabait nila... kaya hindi ko lubos maisip na may manghahangad sa kanilang kamatayan"
Mapait na napangiti ang dalaga sa narinig. Hindi siya sumagot sa matanda at sa halip ay nagpaalam na aalis siya. Hinatid siya ni Paciano sa may gate, hinarap niya ang dalaga. "Ayaw mo ba talagang kumain muna?" Alok niya ulit. Umiling sa kanya ang dalaga at sumagot "May aasikasuhin pa ako ng maaga. Hindi na ako aabot kung matatagalan pa ako dito" Tinanguaan siya ni Paciano bilang pag-intindi. Ngunit hindi niya alam niya alam na nagsisinungaling lang si Red dahil hindi niya kayang manatili pa nang matagal lalo na sa kanyang nalaman.
Tumalikod na si Red at tinungo ang kotse. Hindi niya tinapunan pa ng tingin ang mansyon at pinaharorot ang kotse palayo.
Nakabukas ang sun roof ng kanyang kotse pati na ang dalawang bintana nito, kaya randam na ramdam niya ang simoy ng hangin at ang lakas nito habang nagpapatakbo. Hawak-hawak ang manibela, nakita niya ang natuyong dugo sa kanyang kamay. Ang buong kaliwang manggas ng kanyang puting suot na jacket ay puro kulay pula na dahil sa natuyong dugo. Huminto muna si Red sa gilid ng kalsada. Kinapkap niya ang cellphone sa pantalon at tinawagan ang kaibigan bago inilagay sa phone stand ng kotse. Hinayaan niya lang mag ring ang cellphone bago tinignan ang backseat, inabot niya ang duffel bag at kinuha ang wipes tsaka malinis na kulay itim na jacket bilang pamalit.
"Tulog ba siya?" Bulong ni Red sa sarili nang hindi pa rin sinasagot ni Shane ang tawag. Natapos na niyang linisin ang kamay at nakapagpalit na pero hindi pa rin nasagot ang kaibigan. Umiling siya at hinayaan na si Shane.
Umabot nang higit apat na oras ang biyahe ni Red bago makauwi sa El Recuerdo. Halos lahat ng naninirahan sa bundok ay puro estudyante o mga guro, dahil na rin nakatayo ang Pamantsan. Bukod doon ay mahigpit ang namamalakad sa El Recuerdo dahil sa pagpapanatili nito sa bundok at makakapagpatayo ng bahay kung hindi susunod sa patakaran. Dagdag rin na malayo ang lugar na ito sa bayan o sa paanan at ayaw nilang maabala pa sa distansya.
Kasalukuyan...
Parehong mabigat ang kanilang paghinga at nakahiga na sa dahuman, may kalayuan sa gild ng kalsada sina Red at Shane. Umabot sila ng isang oras sa pagtakbo, nagpaligsaan sila kung sino ang mauuna. Nanalo si Red at bilang premyo ay hindi magtatanong si Shane kung ano ang nangyari at sasamahan nalang ang kaibigan. Tinignan ni Shane si Red sa gilid at hinampas ang ulo. Nakabusangot ang mukha niya sa harap ni Red.
"Why does it have to be here?!" Reklamo ni Shane sa kanilang finish line na nasa paanan ng bundok El Recuerdo. Mahigit isang daan at anim na pung kilometro ang layo nito sa tuktok ng bundok, aabutin ng apat na oras kung may sasakyan sila at higit pa doon kung gugustuhing maglakad.
"Dahil malayo" Walang kwentang sagot ni Red. Mas sumimangot ni ang Shane at kitang-kita ni Red paano lumala ang mukha ng kaibigan at tinignan pa ang kamay na puro pawis at kumakapit na ang malilit na bato. Hindi niya napigilang bumuhakhak nang tawa. Maarteng-maarte si Shane at batid 'yon ni Red kaya gusto niyang hamunin ang kaartehan ng kaibigan, at heto na nga, naulit ang hamon niya kay Shane na walang hirap. Sinabayan pa siyang humilata sa gilid ng kalsada habang naliligo sa sariling pawis.
Lukot man ang mukha ni Shane at gusto nang umalis para maligo ay hindi niya ito ginawa at nanatiling nakatingin sa tumatawang si Red. Nakatingala na si Red sa langit kaya malaya niyang natitignan ang matalik na kaibigan. Gumaan ang loob niya sa nakikita sapagkat hindi na ito gaya kanina na may mabigat na dala-dala at dinadaan nalang sa ehersisyo. Tumingala na rin siya at hinahayaan ang araw na tumama sa mukha.
"Tinawagan kita kagabi" Simula ni Red habang nakatingin parin sa langit.
"Yeah, I saw it this morning. Didn't have the chance to call you back since you're already outside"
"May sinabi ka tungkol kay Vice Pres kagabi" Pumikit si Red ang dinadamdam ang direksyon ng hangin.
"They said she would be at the gym but she's not" tumamlay ang boses ni Shane. Hinahangaan niya ang Vice sa galing nito sa larangan ng martial arts.
"Busy siguro. Alam mo naman" pagpagaan ng loob na sambit ni Red kay Shane.
"Probably"
Tumakbo rin sila pabalik sa gym matapos maalala na naiwan ang kanilang duffle bag at kotse. Naunang umuwi si Shane matapos makaligo ulit sa gym, dala rin niya ang sariling kotse kaya hindi na siya kailangan pang ihatid ng kaibigan.
Malapit ng mag alas dose sa tanghali nang matapos si Red maligo at lumabas sa shower room dala ang duffel bag na kinuha mula sa locker. Kaswal siyang naglakad palabas nang may mahagip siya sa sparring ring. Isang babae at parang wala lang sa kanya kung patumbahin ang kalaban, tinulungan niya itong tumayo at nag-ready stance bago lumaban ulit. Hanggang bewang ang haba ng kanyang buhok, makapal ito at tuwid, takaw tingin ang kulay nitong puti. Tirno ang puti niyang buhok sa kanyang kutis na mala-gatas. Kabaliktaran naman nito ang kulay ng kilay niyang itim, pati na rin sa kanyang pilik mata na mahaba. Sakto sa maliit niyang mukha at makapal na mapupulang labi ang tangos ng kanyang ilong, parang sa pusa ang hugis ng kanyang mga mata. Sa unang impresyon, nakakabighani ang taglay niyang ganda ngunit nakakabaliktad ng buntot ang kamandag niyang dala.
Habang abala ang babae sa pakikipaglaban sa ring, naisipan ni Red na inggitin si Shane dahil nasa gym na ngayon ang hinahangaan niyang Vice President ng kanilang Pamantasan. Iniharapan ni Red ang cellphone sa Vice President, bago itinutok at pinukos ito. Kumuha siya ng iilang litrato at pinasa sa kaibigan.
Tutok na tuyok si Red sa cellphone habang nagsusulat ng text sa kaibigan. Hindi sumasagi sa isip niya na hindi naka-off ang shutter ng cellphone at hindi napansin ang Vice President na tumigil at bumaba sa ring. Narinig ng babae ang ingay gawa ng shutter ni Red. Lumapit siya sa kanyang mga gamit at kinuha ang lagayan ng tubig at tinungga ito habang hindi winala sa paningin niya ang dalaga. Bakas sa kanyang mga mata ang inis ngunit nangingibabaw ang mapanglaro. Nakita niyang tumalikod si Red sakanya at abala parin sa kausap sa cellphone, naintriga ang babae nang nakita niyang sumandal si Red sa pader at ngumingiti.
Ramdam ni Red ang nakakapanindig balahibong titig na bumabaon ngayon sa kanya ngunit masyado siyang babad sa reaksyon ng kanyang kaibigan para pagtuonan ng pansin ang natatanggap niyang titig.
Shane Wilson
Sent a photo.
Sent a photo.
Sent a photo.
Hulaan mo sino.
OMG?!!! Chandria is there?!!
Really?!
WHY JUST NOW!
I'M RIGHT IN FRONT OF MY HOUSE!!!
Napangiti siya sa reply ng kaibigan at hindi na muling sumagot. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at binalik ang phone sa bulsa.
Sinalubong niya nang tingin ang kanina pang nananaksak na titig. Pinagmasdan niya ang pag-arko ng kilay ni Chandria at swabeng paglapit sa kanya ng dalaga.
"I never thought that the great Red would dare to take a photo without permission" Humalukipkip ang dalaga.
"My bad" panimula ni Red at inabot ang cellphone sa bulsa. Nagsalubong ang kilay ni Chandria nang makita na binubura ni Red ang litrato niya. Alam niya na dapat siyang matuwa pero hindi niya napigilang ma-offend sa ginawa ng dalaga. Ipinakita sa kanya ng dalaga na wala na ang litrato niya sa gallery. "Ipinasa ko lang sa kaibigan ko na fan mo. Pasensya na" Hingi ulit sa kanya ng paumanhin, natural itong lumabas sa bibig ng dalaga pero may parte kay Chandria na ramdam niyang labas ito sa ilong ng dalaga. Gusto itong sabihin pero hindi ito gagawa ng sense dahil tunog humihingi ng tawad ang lumabas sa bibig ng dalaga.
"You still took a photo and even sent it"
"I deleted it" Kaswal na tugon ni Red.
"You sent it to someone"
"That someone is your fan"
"Sure, but without permission"
Kumunot ang noo ni Red sa sagot ng dalaga dahil ibinalik ulit ang unang rebat. Malaki ang ngisi ni Chandria sa nakikitang pakikipagtalo ni Red sa sarili. Alam ni Red na may mali siya kaya hindi niya maiwasang ma-guilty, pero gusto niyang bigwasan ang dalaga dahil sa ngising binigay. Parang alam niya na wala siyang kawala. Gustong pakiusapan ni Red si Chandria na palampasin na lamang, ngunit wala sa bokabularyo ni Red na lusutan ang ginawa sa paraang hindi pinaghirapan.
Naiinip na pinagmamasdan ni Chandria si Red. Lampas tatlong minuto na niyang tinignan ang dalaga at memorya na niya kung paano gumagalaw ang mata at kilay niya tuwing naiipit sa pakikipagtalo sa sarili.
"Ano na?" May halong inis na turan ni Chandria. Wala parin siyang natatanggap na sagot. Napaisp nalang ang dalaga kung ganito ba talaga katagal mag-isip si Red, naturing pa naman siyang matalino. Bumuntong hininga si Red at mabigat ang hakbang na lumapit lalo sakanya. Napaatras naman ng tatlong hakbang ang dalaga. Tumigil si Red ng mapansing lumalayo na ang dalaga sa kanyang at hindi komportable sa lapit nila. Binalik niya ang tingin sa dalaga, may bahid ng inis ang mukha niya dahil sa kanilang distansya. Naaliw si Red inisin ang babae at pinipilan niyang ipahalata ito dahil wala siya sa lugar upang mang inis. "Anong gusto mo?"
Tila may pumutik sa utak ni Chandria sa narinig at itinaas ang kilay. "Hindi ba dapat 'anong magagawa ko?' "
Gusto pa sanang sagutin siya ni Red pero tumahik nalang. "Anong magagawa ko?" Walang gana niyang tugon.
"Mamaya ko na sasabihin. For now, you wait here for me while I take my shower" Hindi na inantay ni Chandria ang sagot ni Red at dumiretso na sa shower room. Napahilamos ng mukha si Red gamit ang kamay.
"Lakas mo naman sa'kin Shane para humantong ako dito"