Dedicated to: Gippeum_Min
I'm a Good Girl with a Dirty Mind
Read at your own risk! ❣
Ako si Precious Altamara. Simple, walang ayos sa katawan, hindi mahilig sa mga pang kolorete sa mukha----
PERO UBOD NG DUMI ANG ISIP!
Well, hindi ko naman kasalanan kung alagang waπpad ako?
Admit it or not. Hindi na virgin yang utak mo once na pumasok ka sa mundo ng waπpad.
"Wait lang! patingin kung ilang inches!"
"Baka mag back out ka pag nalaman mo kung anong sukat ng prince ko?"
DISCLAIMER:
'This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.' read at your own risk!
"Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying, and most of all."
-Pele
CHAPTER 1
Precious's POV
Isang mausok, mabaho at amoy singaw ng araw ang sumalubong sa'kin pag-baba ko ng bus. Nakakaloka lang.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag c-commute no? wala kasi akong sariling sasakyan.
Mahirap lang ako na maganda na may pangarap sa buhay. Emee. Hindi ako tulad ng iba na nag kikinangan sa ginto ang mga suot na damit. Mga nag gagandahan ang sasakyan at nag papalakpakan ang credit cards sa loob ng pitaka.
Mag-kaiba naman ang bawat tao sa mundo. May kanya-kanya tayong tungkulin na dapat gampanan.
Kalimitan ang mga mayayaman ay kailangan pag-silbihan, habang ang mga nasa mababa gaya ko naman--- ay kailangan maglingkod sa kanila bilang isang mababang-uri.
Hindi naman porke sinabing mahirap ako or tayo ay hahayaan na nating apak-apakan nila ang pagkatao natin. Ang ibig kong sabihin ay kumbaga, sila ang Amo-- tayo ay empleyado lang. Ganern.
Pagdating sa tapat ng SC ay mabilis na tumakbo ako papasok ng building kung saan ako magtatrabaho.
Giz! sobrang late na ako huhu.
Kahi-hire ko lang last week as secretary ng Scyneth Company tapos late ako huhu, my gosh! it can't be! baka matanggal ako.
unang araw ko palang palpak na
Mabilis na tumakbo ako papasok ng building at tinahak ang daan pa 60th floor!
yes nasa pang 60 pa ang office ng napaka bait kong amo!
Actually, hindi ko pa nakikita ang mukha ng magiging boss ko. Nung na-hire kasi ako as his sexytary, ay mali secretary pala is yung PA niya ang nag assist sakin hehe.
* Tok tok tok*
Katok ko pagdating sa tapat ng office ng boss ko.
"Come in." tinig ng babae ang narinig ko.
Dahan-dahan kong pinihit ang siradura at pumasok. "Good morning, Precious." naka ngiting mukha ni Ma'am Judith ang sumalubong sa'kin pagpasok ko. Siya yung PA ng boss ko na sinasabi ko.
"Good morning Ms. Judith. Sorry po I'm late. Naipit po kasi ako sa traffic kanina. EDSA ng pilipinas" pag-papaumanhin ko.
"It's okay. Wala pa naman si Sir. Basta sa susunod ay agahan mo nalang. Ayaw kasi ni Sir ng late. May pagka-masungit din yun. haha." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti nalang at mabait itong si maam Judith. Kasi yung ibang PA sa ibang kumpanyang napasukan ko ubod ng aarte kala mo sila yung boss.
* Kring~~~ kring~~~ kring~~~ *
" Sandali lang Precious ah. Sagutin ko lang. " paalam niya saka sinagot ang tawag. Habang busy si Maam Judith sa kausap niya ay nilibot ko muna ang kabuuan ng office.
Maganda at organized lahat ng gamit. Malinis tignan at the same time elegant looking. Malawak din ang inookupang espasyo ng office. May sariling cr, kusina, at balcony.
ang shala may pa balcony.
Kulang nalang ay mag lagay sila ng mga kagamitan pang bahay para hindi mo na siya matawag na Office. Dahil sa totoo lang, mukha na siyang maliit na unit. halos kumpleto na ang gamitan eh lol. Kulang nalang siguro ay lagyan ng kama sa loob para pwede nang tirahan. My gulay, gan'on ba ka galante ang magiging Boss ko?
Imagine, malaki pa yung office niya kaysa sa bahay na tinitirhan ko? grr. haha
" Precious. Hindi raw makakapasok si Sir. Paki notes nalang lahat ng mga important details. Hahanapin niya yan bukas kaya wag mong kakalimutan ha?' habilin ni Maam Judith.
"Saka yung mga nag papa-appointment, Mag set ka ng schedule kung anong araw pwede si Sir. Basta ikaw na ang bahala dito. I have to go na, pinapapunta ako ni Master sa mansion. So, see you tomorrow, good luck." hindi na ako nakasagot dahil nagmamadali siyang umalis at lumabas ng opisina. Wala naman akong ibang ginawa kundi gawin ang mga hinabilin niya.
Lumipas ang buong araw na puro sagot ng tawag, lista dito lista doon, pasa dito pasa doon ng mga paper works ang ginagawa ko. Honestly, hindi rin madali ang maging Secretary. Nakakapagod din ang magsulat, tapos yung office pa nasa pinaka dulo ng floor!
Akala mo naman si Sir galit na galit sa empleyado nya. Masyado niya kaming pinapagod para piliin ang ganito ka-taas na floor. Akyat panaog nakaka ngalay.
Matapos ang mahabang oras ay sa wakas, natapos din ako sa work ko.
Grabe! ang hectic pala ng schedule ng isang CEO ano? grabe ang meetings na dadaluhin niya bukas. May 10:00 am tapos may 11:30 am. [ Break ] after ng break may susunod na naman sa hapon. Nakakaloka! ganon pala ka busy ang mga Boss namin. Pero bakit sa ibang kumpanyang napasukan ko hindi naman ganito ka busy ang mga schedule nila, halos wala nga laging naka schedule na dadaluhang meeting.
Puro sila Vacant. 'Di kaya mas malakas ang palo nitong kumpanyang pinag t-trabauhan ko ngayon unlike previous one? I don't think so. Sabagay mas mataas ang sahod nila dito kaysa sa RC. [Reducal Company.] Yun yung name ng company ng dati kong pinag trabauhan..
'ang weird lang nung name.'
You know what guys, sa tatlong kumpanyang pinanggalingan ko, never kong naramdaman na welcome ako, like never kong na feel na belong ako sa kanila. Kasi sa mga kumpanyang 'yon? lahat nag resign ako. Kasi parang hindi ko makita yung sarili ko na nagwowork ako do'n as a uman being. Feeling ko wala akong improvement ganern.
in short hindi ako umaasenso.
Yung bahay na tinitirhan ko?? hanggang ngayon bahay parin naman syempre, hindi naman pwedeng maging barko 'yon diba?? oo no, oo.
Nababaliw na ko. Sayo Charot!
Ayun nga guys, yung bahay na pinapangarap kong magkaron ng second floor manlang hanggang ngayon isang floor parin.
' Mas mahirap self kung may bahay ka pero walang floor.' eme
Mag-isa na lang kasi ako sa buhay. Wala na akong parents mula pagkabata. Iniwan ako ng papa ko sa mama ko, tapos iniwan din ako ng mama ko sa lola ko. Ending iniwan din ako ng lola ko.
hindi dahil inabanduna ako gaya ng ginawa sakin ng totoo kong mga magulang, iniwan ako ng lola ko ay dahil pumanaw na siya dahil na rin siguro sa katandaan.
Hindi ko alam kung galit ba talaga sakin ang panginoon o sadyang ayaw lang talaga ng mga taong nakapaligid sa'kin kaya INIIWAN nila akong lahat.
Sanay na rin naman akong mag-isa.
'Pero iba pa rin ang may magulang na nag-aalaga sayo. '
Matapos kong mag emote ay umuwi na 'ko. Wala na rin naman na akong gagawin don sa office. Nagawa kona lahat ng dapat kong gawin..
* KINABUKASAN *
Maaga akong gumising dahil ayokong ma-late na naman sa trabaho.
Gaya ng dati kong gawain ay nag commute lang ako. Thankful naman ako dahil walang traffic. Dumeretso agad ako pa 60th floor dahil doon nga ang office ng boss ko.
Knock knock..
"Come in." lalaki. Boses lalaki ang narinig kong sumagot.
Bigla akong kinabahan, kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito giz!! Ang aga naman ng boss ko. Nauna pa sa'kin dumating.
" Please, come in." nabalik ako sa ulirat ng muling magsalita ang nasa loob. Kabadong binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok.
LECHE!! KABADO AKO BENTE!
BAKIT KASI ANG AGA NYA??
Maaga na nga akong pumasok, pero mas nauna pa rin siya sakin.
"G-good M-morning po, Sir. I'm sorry, I didn't expect---" nahinto ako sa pagsasalita nang pumihit ang upuan niya paharap sakin. Nakatalikod kasi siya kanina.
Ang pogi ni Sir. emee
" It's okay. Precious right?" tanong niya kaya nahihiyang tumango ako. " Don't worry, Maaga lang talaga akong pumapasok sa office lalo na pag absent ako ng isang araw. For sure tambak na naman ang mga paper works ko Haha.." naamaze ako dahil ang bait pala niya.
Nawala bigla yung kaba ko. hehe
Hindi na ako nakapag salita dahil ang daldal pala ng boss ko haha.
Bata pa siya mga nasa 23+ palang siguro.
"Anyway, yung binilin ko ba kay Judith nagawa mo? " after 10 years, naalala niya rin kung bakit kami nasa Office. My gahd! ang dami niyang sinasabi hindi naman related sa trabaho ko hmp.
Pumunta ako sa table ko at kinuha yung folder na pinag lagyan ko ng mga inimput ko kahapon. Ito yung mga schedule niya na pinagawa sakin ni Maam Judith bago umalis.
"Here, Sir. May meeting po kayo mamayang 10:00 am together with stockholders of Salvenia's Company. Then, 11:30 am may meeting naman po kayo with the CEO of Scyneth Company. " paliwanag ko. Tumango naman siya habang binabasa ang laman ng folder.
"Good job! thank you for this. " naka ngiting sabi niya habang tinaas pa ang folder na hawak niya. Ngumiti din ako ng may tuwa. Hehehe proud lang ba't ba!
"Hi hon. Oh, Precious? nagkita na pala kayo." naka nganga akong napa tingin kay Ma'am Judith nang lumapit siya kay Sir at halikan ito sa labi.
' OMG! Nananaginip lang ba ako?? o totoong BF ni Ma'am Judith si Sir???'
"Mag jowa kayo?" gulat paring tanong ko.
di naman ako mosa sa lagay na to no hehe
"Hahaha. Yeah. Actually, engaged na kami. Sorry I forgot to tell you." natatawang sabi ni Ma'am Judith saka naupo sa tabi ni Sir na Fiancee' pala niya.
"Whoa. Congrats, Ma'am Juls and Sir." Manghang sabi ko.
feeling close yarn?
Hindi parin talaga ako makapaniwala na Mag bf/gf pala 'tong dalawang 'to. Pero inpernes ah, Bagay sila. Maganda si Ma'am Judith, at gwapo si Sir. Mabait si Ma'am Judith, Mabait din naman si Sir.
Oh diba. Perfect couple!
" Hahaha. Thank you, Press." naka ngiting tugon ni Ma'am Judith.
" If you don't mind me asking, Sir. Kung Fiancee' nyo na po pala si Ms. Judith, e bakit po PA niyo po parin po siya? bakit hindi po kayo humanap ng papalit sa trabaho nya?" nahihiya kong tanong.
Gizz! nakakahiya. dapat pala hindi nalang ako nagtanong.
na curious ako hehe
"Hahaha. I already open it to here and ask her to leave her work. sinabi ko na yan sa kanya at ibigay nalang sa ibang employee but she insist. Gusto parin daw niyang mag trabaho kahit na engaged na kami. Haha." napangiti ako ng paluin ni Ma'am Judith sa balikat si Sir.
Wala lang nakaka tuwa lang ang pagiging sweet nila. Nakakainggit.
"Sabagay, ganon naman po talaga pag napamahal na sa iyo, mahirap ng bitawan. " wala sa sariling nasabi ko. Emote lang ba't ba haha.
"Hugot?" sabay na tanong nilang dalawa.
"hahaha.." tawa naming tatlo..
Matapos ang kwentuhan ay bumalik na kami sa trabaho.
'Yun naman talaga ang dapat.'
Swerte ko at mababait ang naging Boss ko ngayon. Kala ko talaga nang una, masungit eh hahaha.
Sana makahanap din ako ng lalaking gaya ni Sir. Mabait at masayahin.
Ang swerte ni Ma'am Judith dahil naka bingwit sya ng perfect package haha.
ISANG MALAKING SANA ALL
Chosss..
~~ * To be continued * ~~