Zeny's pov Napabangon ako sa pagkatulog dahil may naramdaman akong presensya na malapit saakin. "Gising ka pa pala" napalingon ako sa aking gilid dahil sa narinig ko. "Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sakanya. "Ang lakas ay iyong kahinaan at ang iyong kahinaan ay iyong lakas." Sabi niya at bigla na lang lumabas sa kuwarto ko agad akong sumunod pero pagkalabas ko ay wala na siya. "Bakit ba napakamisteryoso mo dwayne?" Bulong ko na lang ng makita ko sa sala si terrence na natutulog sa sofa. Napangiti na lang ako ng makita ko kung gaano siya kagwa- cute kapag natutulog. Pinalutang ko siya gamit ang kapangyarihan ko at pinunta sa aking kuwarto saka ko siya pinahiga sa aking kama. Tiningnan ko kung anong oras na at 4am na pala. Lumabas muna ako para makapagisip isip sa mga sinabi ni dwayne

