TALAGANG PINAGLALARUAN ng pagkakataon si Nanilyn dahil sa labis na pagmamadaling makalabas ng restaurant nabangga niya ang taong hindi niya nais makita. “What the f*ck! Are you blind or what? Sadyang tanga ka lang talaga!” singhal kaagad ni Olive. Hindi siya nakilala ng babae dahil sa suot na sumbrero at salamin ni Nanilyn. Naramdaman ni Nanilyn ang mahigpit na paghawak ni Jules sa kanyang pulsuhan. Nakita niya ang pagsenyas sa kanya nang binata na ‘tayo na’ kaya hindi sumagot si Nanilyn kay Olive at nagpatangay siya kay Jules nang hilahin na siya nito palabas para lampasan na sana nila ang malditang babae. Ngunit napatigil siya dahil pinigilan sila ni Olive na nanglaki ang butas ng ilong nito dahil sa galit. Marahas na hinablot nito ang kanan niyang kamay dahil hindi ito papayag na ba

