PAGKATAPOS NG KANILANG AGAHAN dumiritso na si Nanilyn sa loob ng banyo para maligo ilang minuto lang ang kanyang inilabi niya sa loob dahil ayaw niyang paghintayin ang binata. Ngunit ilang segundong natigilin si Nanilyn nang napagmasdan ang kanyang sarili sa salamin. Hindi niya natandaan kung kailan ang huling beses siyang humarap sa salamin? Siguro lima, walo o isang taon ng hindi niya nasilayan ang kanyang sariling mukha dahil sa pagsisilbi niya kay Kyko at Olive na hindi sana niya ginawa. Ngunit dahil sa takot na baka mas lalong magalit sa kanya ang asawa walang pag-alinlangan na sinunod niya ang gusto ni Olive kahit ang paglaba ng mga gamit ng kabit. Masyado siyang nagpadala sa takot at umaasa na sana bumalik ang kanilang dating pagsasama ni Kyko. Ngunit habang tumatagal mas lalong l

