Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa sobrang gutom. Nanghihina na ako, naamoy ko na rin ang sarili ko na amoy mapanghi at amoy daga. Ni hindi man lang nila ako binigyan ng kahit tubig na maiinom. Wala silang pakialam sa akin. Mukhang ang gusto nila ay mamatay na talaga ako rito. Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula nang kinulong ako rito ni Kyko. At talagang pinanindigan niyang dalawang araw akong hindi kakain." Aniya ni Nanilyn sa kanyang isipan. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan. "Hey! Kumusta ka na, malanding babae? Nag-enjoy ka ba rito? Kasama ng mga daga?" bungad na tanong nito at lumapit siya kay Nanilyn, tinanggal niya ang pagkakatali ng necktie sa bunganga nito. "Olvie, tulungan mo naman ako. Babae ka rin hindi ba? Kaya dapat naiintindihan mo ako at alam mo ang nararamd

