Necktie!

1023 Words
Halos tumalon ang puso ko sa takot nang binuksan ni Kyko ang pintuan ng CR ko. At pasukin 'yon. Wala na akong nagawa kung hindi ang mapapikit na lamang. Inihanda ko na rin ang aking sarili hanggang sa muling lumabas si Kyko ng CR. "Kanino 'to?" tanong ni Kyko na may bitbit na panyo at naka kunot ang noo. "Sa-Sa akin 'yan." Nauutal at mabilis kong tugon. "Isa pa! Kanino 'to?" muling tanong ng aking asawa sa akin na kita na sa mukha nitong nagagalit na. "Sa akin 'yan." Pagsisinungaling kong sagot muli. "Ako, Nanilyn. Huwag mo akong pinagloloko! Dahil lahat ng gamit mo ay kilalang-kilala ko ultimo kulay ng panty mo ay alam ko! Kanino 'to?" "Sa-Sa akin nga 'yan. Binili ko noong isang araw sa naglalako ng sunglasses diyan sa labas. Dahil sobrang init at wala akong dalang pamunas." Sagot ko naman. "Eh, 'to. Kanino 'to? Hindi ba't lalaki ang may ari nito," tanong ni Kyko na ibinalandana ang isang necktie. Doon ay muling nangatog ang tuhod ko. Nanghina ako at muling nakaramdam ng takot. Hindi ko na rin alam kung paano pa lulusutan. "Sino ang lalaki mo, Nanilyn?!" Galit na galit na sigaw ng aking asawa na nanggagalaiti. Mayamaya pa ay dumating si Olvie. "Sabi ko na nga may tinatago kang kati sa katawan mo." Aniya naman ni Olvie sa 'kin. "Maniwala kayo wala akong ginagawang ma---" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumapo ang palad ni Olvie sa aking mukha. "Malandi ka talaga!" Sigaw pa sa akin ni Olvie at agad nitong hinila ang aking buhok. "Aray ko, Olvie. Nasasaktan ako," wika ko sa kanya at dahil naisip kong wala akong ginagawang masama ay nanlaban ako at pilit kumawala. Doon ay naitulak ko siya ng bahagyan. "Ouch! Kyko ang baby natin," rinig kong daing ni Olvie at napahawak 'to sa kanyang tyan. "So-sorry, hindi ko sinasadya." Agad naman na paumanhin ko at nag-aalala para sa batang nasa sinapupunan niya. Kitang-kita ko sa mukha ni Kyko ang pag-aalala nito ng sobra para kay Olvie. Kung paano niya 'to takbuhin at alalayan. At kung gaano niya 'to kamahal. Agad niya 'tong binuhat at dahan-dahan na binaba sa kama. Madilim nitong tiningnan ang aking mukha. "Peste ka! Papatayin mo talaga ang anak ko!" "Kyko, hindi ko sinasadya. Saka hindi naman malakas ang pagkatulak ko sa kanya." Agad naman na saad ko sa kanya. "Kyko, huwa kang maniwala. Gusto niya talagang patayin ang anak natin. Para maagaw ka niya sa akin. Turuan mo ng leksyon ang babaeng 'yan," sulsol naman ni Olvie sa aking asawa. "Humanda ka sa akin." Anas pa ni Kyko at walang pagdadalawang isip niya akong sinampal ng magkabilaang sampal. "Kyko, tama na please." Pagmamakaawa ko. Ngunit hindi pa nakontento ang aking asawa at binigyan ako nito ng isang malakas na suntok sa sikmura. Dahilan para manghina ako at mapaupo sa sahig dahil sa sobrang sakit. Napaluha ako sa sakit at dahan-dahan na napahiga. Hanggang sa makita kong lumapit si Olvie sa akin at tinadyakan ako. "Iyan ang bagay sa 'yo! Malandi ka!" "SINUNGALING KA, Nanilyn! At Pinagsisihan kong ikaw ang pinakasalan ko. Sana noon pa lang ay nalaman ko na agad na isa ka talagang haliparot na babae!" bulyaw ni Kyko na nag-e-eco ang boses sa loob ng bahay. Walang pag-iingat nitong hinila ang aking buhok at kinaladkad ako. Nakita ko si Kyko na kumuha ng upuan at tali. Inilagay nito ang upuan sa stock room na maraming daga at madilim. "Kyko, maawa ka." Saad ko. "Upo," utos ng aking asawa at wala akong nagawa kung hindi ang sundin 'to. Habang umiiling-iling. Agad akong umupo sa upuan at doon nga ay nilagyan ako ni Kyko ng tali sa katawan. Itinali niya ako at siniguradong hindi makakatakas. Hindi pa 'to nakuntento dahil ang napulot nitong necktie ay isinalpak niya sa aking bibig. "Kyko, huwag mo akong iwan dito. Please. Alam mo naman na takot ako sa madilim at ayoko sa mga daga." Pagmamakaawa ko. Na hirap magsalita. "Kaya nga dinala kita rito, eh. Hindi ka kakain ng dalawang araw at lalong hinding-hindi ka makakalabas ng silid na 'to! Hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang lalaki mo. Ayaw mong sabihin, magdusa ka riyan kasama ng mga daga!" Wika pa ng aking asawa. "Kyko! Kyko! Huwag! Huwag mo akong iwan dito!" Sigaw ko na takot na takot. Nakita ko na lang na isinara nito ang pintuan. Kung kaya naging madilim ang paligid dahil walang ilaw ang stock room. Wala rin akong nagawa kung hindi ang ipikit ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha sa pisngi. Nagtitili ako sa loob ng stock room nang marinig ko ang mga ingay ng daga. At maramdaman sa aking paa na para bang dinadaan-daanan na naghahabulan sila sa aking paa. "May masakit ba sa 'yo, Olvie? Ano? Daldalhin na ba kita sa hospital?" tanong ni Kyko sa kabit nito at dinig na dinig ko ang bosee na pag-aalala ni Kyko sa kabet nito. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong binuhat na ni Kyko ang babaeng 'yon. Sunod-sunod namang umagos ang luha sa aking mga mata. Hindi ko lubos akalain na magiging impiyerno ang buhay may asawa ko. SAMANTALANG nakalabas na ng bahay ang misteryosong lalaki. 'Hay! maling bahay pala ang napasukan ko kagabi. Dahil sa sobrang kalasingan." Saad naman ng isang lalaki at tumingin 'to sa bahay na kanyang napasukan kagabi na nasa tapat ng kanyang bagong biling bahay. "Buti na lang nakaalis na ako roon. Sino nga ba ang babaeng 'yon? Saka bakit parang nakaranig ako ng sigawan sa bahay na 'yan?" tanong ko sa aking sarili na napapaisip. Hanggang sa may naalala ako. At hinanap ko 'to sa aking bulsa. Ngunit wala roon. "Nasaan na 'yon? Naku! Hindi puweding mawala 'yon. Importante 'yon sa akin." Tanong ko pa sa aking sarili at muli ay kinapkapan ko ang aking mga bulsa upang hanapin ang panyo. Ngunit wala 'to. Muli ay napatanaw ako sa bahay na 'yon. "Kailangan ko muling makapasok sa bahay na 'yan para makuha ang panyo ko. Ngunit paano?" tanong ko pa sa aking sarili na nag-iisip kung paano makakapasok muli sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD