Chapter 3

500 Words
ILANG ORAS din ako lumaha. Ang nakakainis lang ay kahit ano'ng pag-iyak ko'y hindi pa rin nauubos ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko'y lalo pang dumami ito. Ngunit kailangan kong maging matatag. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Lumapit ako sa cabinet at binuksan ko ito. Lahat ng damit ko ay isa-isa kong inilagay sa aking bag. Panahon na siguro para umalis na ako sa bahay na ito. Wala naman kaming anak kaya wala akong dapat na alalahanin. Nagbuntonghininga muna ako bago lumabas ng aking kwarto. Tuloy-tuloy akong naglakad, ngunit natanaw ko si Kyko na sa harap ito ng pinto, nakatalikod din ito habang may kausap sa cellphone nito. Ngunit hindi na ako natatakot dito. Aalis ako at walang puwedeng pumigil sa akin. Tapos na akong umiyak. Kakalimutan ko na rin si Kyko. Bahala na ito kung gusto nitong ipawalang bisa ang kasal namin. Ang gusto ko ay magpakalayo-layo upang magsimula ulit. Tuloy-tuloy akong naglakad, nilampasan ko lamang ito nang dumaan ako sa harapan nito. Malapit na ako sa gate ng may kamay na humawak sa aking palapulsuhan. Kaya nahinto ako sa paglalakad. "Saan ka pupunta, Nanilyn?!" galit na tanong sa akin ni Kyko. "Hindi mo na kailangan malaman kung saan ako pupunta, Kyko. Panahon na siguro para maghiwalay na tayo. Tutal naman ay wala nang patutunguhan ang pagsasama natin, lalo ngayon, magiging isang ama ka na sa babae mo. Magkalimutan na tayo!" "Sinong may sabi sa 'yong papayagan kitang umalis ng bahay ko, Nanilyn? Tingin mo ganoon lang kadali 'yun?!" Dahan-dahan naman akong humarap sa lalaki. Ngunit walang mababakas na imosyon sa mukha ko. "Sino ka para pigilan ako, Kyko? Asawa lang kita noon. Ngunit, ngayon ay hindi na. Kaya puwede ba, bitawan mo na ako at baka makita pa tayo ni Olvie!" "No! Hindi ka aalis ng bahay ko, Nanilyn! Hindi pa ako tapos sa 'yo!" Pagkatapos ay agad akong kinaladkad papasok sa loob ng bahay. Ngunit nagpupumiglas ako. "Bitawan mo ako, Kyko! Ano pa bang gusto mo? Bakit ba ayaw mo pa akong pakawalan? Upang maging masaya na tayo. Lalo at may asawa ka na rin naman!" "Hindi ako tanga para basta ka na lang paalisin sa bahay ko! Para ano? Para sumama ka sa lalaki mo? Upang magpakasaya kayo?! Hindi mangyayari ang gusto mo, Nanilyn! Mabulok ka sa bahay ko! Hintaying mong magsawa ako sa 'yo, baka sakaling makaalis ka sa poder ko!" Hindi maipinta ang mukha ko lalo nang humigpit ang pagkakahawak ni Kyko sa aking pulsuhan. Napansin ko ring papunta kami sa dating kwarto naming mag-asawa. "A-Anong gagawin mo, Kyko?" tanong sa lalaki nang makapasok kami sa loob ng silid namin dati. "Hindi ka makakaalis ng bahay ko, Nanilyn!" nanlilisik ang mga mata nito nang sabihin 'yun. Bigla naman akong kinabahan nang makita kong kumuha ito ng kadena. Pagkatapos ay agad na lumapit sa akin. "Ikakadena mo ba ako, Kyko?" "Ano sa tingin mo? Siguro naman ay hindi ka na makakaalis dito kapag nilagyan kita ng kadena, Nanilyn." "No!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD