Two

1204 Words
Ilang ulit nang humihikab si Megan habang nagko-compute ng payables. Bigla naman siyang siniko ng katabi niyang si Pearl. "Hoy, baka makita ka ng supervisor natin!" pabulong nitong sita sa kaniya. "Nakakaantok kasi talaga, e. Parang hindi ko na rin makita ang mga numerong nakasulat sa papel," pakli niya rito. "Bahala ka, baka magkamali ka nang compute niyan!" paalala nito sa kaniya. "Hindi naman, kasi dino-double check ko pa naman bago ko ipinapasa sa Ma'am Kira, ang bagal naman kasi ng oras," sambit niya. Halos araw-araw ay ganito ang nangyayari sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi aantukin sa sobrang katahimikan plus, buong maghapong nakaupo habang nakatutok ang mga mata sa computer. Si Megan Rodriguez ay mapagmahal sa pamilya. Ang lahat ng pagsisikap niya ay para lamang sa mga ito. Mabuti na lang, after niyang maka-graduate ng kolehiyo ay agad naman siyang natanggap sa trabaho bilang Accounting Clerk sa RH Corp. Kasalukuyang siya ang nagpapaaral sa dalawa niyang kapatid na si Jaden and Kyle. Mahirap lamang sila kaya kailangan niya talagang kumayod para matulungan niya ang kaniyang mga magulang at kapatid. "Anong oras na ba? Talagang hindi ko na kasi talaga kayang labanan ang antok ko, e. Pakiramdam ko, babagsak ako rito nang hindi sa oras," sabi niya kay Pearl. "May oras namang nakalagay sa monitor, ah. Thirty minutes na lang ang hihintayin natin, magla-lunch na tayo, kaya tiis-tiis ka lang muna riyan" tugon nito sa kaniya. "Matagal pa rin iyon, e!" she said, sighing. "Matulog ka naman kasing maaga tuwing gabi, 'yan tuloy para kang ewan diyan. Sana nag-absent ka na lang kaysa ganiyan ka!" kunot-noong sermon nito sa kaniya. "Maaga naman akong natutulog, Pearl, e. Sadyang mabilis lang talaga akong antukin. Mabuti na lang sana kung puwede tayong mag-play ng music dito, kahit mahina lang ba," giit niya pa. "Alam mo namang kill joy si ano, e." Tinutukoy nito ang supervisor nila. Sinubukan nilang mag-play ng music dati pero pinagalitan lamang sila nito. Hindi nila alam kung bakit ayaw nitong makarinig ng kahit ano mang song. "Palibhasa ay gurang na kaya masiyadong mood killer," pakli niya pa. Napapitlag sila, nang bigla silang nilapitan ng supervisor nila, "Hoy, kayong dalawa, magtatrabaho ba kayo o magbubulungan na lang diyan?" Taas-kilay na bulalas nito sa kanila. Kahit kailan talaga ay napakasungit nito sa kanila, parang laging may regla, o baka dahil tumatanda na itong walang boyfriend. "Ma'am, tungkol po sa transaction natin sa clients ang pinag-uusapan namin," palusot niya. Huminga lang ito nang malalim, saka bumalik na ito sa kinauupuan. "Kita mo na, napaka-mood killer niya talaga. How did she become a supervisor? Isa pa, she wasn't even smiling. She looks like a terror." Ngumisi siya at napangiti na lang din ang katabi niya. "Lukring ka rin talaga, ano? Pero alam mo, believe rin ako sa lakas ng loob mong magsalita ng kung ano-ano habang nariyan siya," saad nito sa kaniya. "Hindi niya naman maririnig, e!" "Hoy, alas dose na pala. Tara, baba na tayo," pakli nito sa kaniya. Bigla siyang nabuhayan sa sinabi nito, "Hay, salamat. Kainan na naman, saka makakaidlip rin ako nito after lunch." One and a half hour kasi ang kanilang break time kaya kung mabilis kang kumain ng tanghalian ay makakaidlip ka pa talaga. Lumabas na silang dalawa ng opisina patungong pantry. "Siya nga pala, Megan, parang magre-resign na ako next month," pakli nito habang magkasama silang naglalakad pababa ng hagdan. "Bakit ka naman, magre-resign?" "Gusto ko nang lumagay sa tahimik na buhay," nakangiting wika nito. "You mean, mag-aasawa ka na?" "Oo, at gusto nang asawa ko na huwag na akong magtrabaho. Mag-stay na lang daw ako sa bahay hanggang sa magkaanak kaming dalawa," kuwento nito. "Talaga?!" gulat na sabi niya. "Mabuti ka pa, magkakapamilya ka na. Ako, hindi pa puwedeng mag-isip tungkol sa pag-aasawa," malungkot na wika niya. "Bakit? Natatakot ka bang maloko ulit?" tanong nito. Ilang beses na kasi siyang naloko ng mga lalaki. Lagi na lang siyang iniiwang luhaan ng mga ito kaya parang ayaw niya na talagang makipagrelasyon pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ayaw niya pang mag-asawa. "Nope. Hindi naman ako natatakot na magmahal muli, kaya lang ang iniisip ko ay ang pamilya ko. Kailangan ko munang pag-aralin ang dalawa kong kapatid hanggang sa makapagtapos sila ng kolehiyo," wika niya rito. "Ang saklap naman ng buhay mo, ilang taon na lang lagpas na sa kalendaryo ang edad mo, ah. Puwede ka namang sumuporta sa kanila kahit may asawa kana, hindi ba?" "Iba pa rin ang single sa may asawa na. Saka, hindi pa ako handang magkapamilya, e!" "Sabagay, tama ka. Suwerte mo na lang kung makakakuha ka ng lalaki na papayagan kang suportahan mo pa ang pamilya mo. Masaya naman maging single, e, kahit mapag-iiwanan ka na talaga ng panahon." "Ewan ko, bahala na nga. Basta't hindi pa ako uugod-ugod, tiyak na makakapag-asawa pa ako no'n," wika niya. "Natural, makakapag-asawa ka pa naman talaga. Kahit nga, umabot pang singkuwenta ang edad mo. Ang kaso nga lang, hindi ka na niyan magkakaanak dahil siguradong menopause ka na niyan." Humagalpak pa ito sa tawa dahil sa sinabi nito. "Ikaw talaga, kahit anong pinagsasasabi mo. Magpasa ka na kaagad nang resignation letter kung sigurado ka na talagang umalis, para naman makahanap na kaagad ng kapalit dahil baka kumulo na naman ang dugo ng gurang na supervisor natin kapag late ka nang nagsabi sa kaniya," pakli niya rito. "Oo, aasikasuhin ko mamaya. Sa office na lang ako gagawa ng resignation letter para print diretso," tugon nito. "Dapat lang, para tipid pa," sambit niya. Pumunta muna sila sa lababo para maghugas ng kamay. "Mami-miss ko rin ang kompaniyang ito pati na rin kayo. Ayoko sana talagang umalis kaso iba na talaga kapag mag-aasawa ka na. Hindi naman puwedeng hindi ko sundin ang gusto niya kasi baka mag-away lamang kami," bulalas nito. "Hayaan mo na, siyempre, nag-aalala lang din iyon sa iyo. Hindi naman kasi puwedeng magtrabaho kang buntis, makakasama iyon sa magiging anak ninyo," tugon niya. "Naku, matagal pa akong magbubuntis, e." "Matagal ka riyan! E, ikakasal na kayo, hindi ba? O malay mo, magkabuo kaagad kayo sa honeymoon ninyo," wika niya. "Loko ka talaga. Kumain na nga tayo!" yaya nito sa kaniya. Nauna itong umupo sa mesang naroon. "Heto, ulam." Iniabot niya ang nakaplastic niyang ulam na binili niya lang sa karenderia na malapit sa kanila. "Hindi ka talaga nagluluto ng binabaon mong ulam, ano?" "Nagluluto rin naman ako minsan, e. Ang kaso minsan, hindi pa nakapamalengke kahapon kaya walang lulutuin," tugon niya. "Siya nga pala, nakita mo na ba ang baguhan sa IT Department?" "Hindi pa, bakit?" "Usap-usapan ng mga katrabaho natin na ang guwapo raw," kilig na sabi nito. "Wala naman akong pakialam doon kahit siya pa ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo. Alam mo namang nawalan ako ng interes sa mga lalaki no'ng ilang beses akong niloko. Saka, sa ngayon, pamilya ko muna ang iniisip ko," wika niya. "Mahal na mahal mo talaga ang pamilya mo, ano?" "Oo, naman. Handa akong tumandang dalaga para sa kanila," nakangiting saad niya. Magmula noong ilang beses siyang niloko, ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi niya ulit pagtutuonan ng pansin ang pag-ibig. Gusto niyang ibigay ang lahat ng oras niya sa pagtatrabaho at sa pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD