Simula

1573 Words
PUMASOK si Daxon sa pinakamalaking suite ng Savage Hotels Manila. Malakas ang t***k ng puso niya dahil sa magkahalong kaba, at pagod dala ng pagmamadali. Agad niyang hinanap ang asawang palagay niya’y namuti na ang mga mata kakahintay sa kanya. Paano’y katulad ng kanilang napag-usapan, alas-singko ng hapon nakarating si Reign dito. Ngunit alas-dyes pa ng gabi nang makaalis siya sa opisina. Kung tutuusin ay ayaw na ayaw ni Daxon na pinaghihintay ang asawa. Kung hindi lang siya naipit sa biglaang board meeting ng Savage Enterprises, ang kumpanyang pinamana sa kanya ng mga magulang, malamang ay mas nauna pa siya kay Reign at nakapagdagdag ng surpresa. Gusto pa naman sana niyang gawing espesyal ang kanilang wedding anniversary. Tuloy ay inis na inis siya ngayon sa sarili dahil tingin niya’y siya pa mismo ang sumira ng araw nila. Sa sala, nakita niyang nakapatong sa couch ang designer handbag ni Reign. Imposibleng ‘di niya matandaan ang mamahaling bag na ito dahil regalo niya ito noong bago pa lang silang mag-asawa. Kaya naman nasigurado niyang hindi pa umaalis ng suite si Reign. Makikita rin sa sahig ang nagkalat na petals galing sa bouquet of roses na pinahanda niya para sa asawa. Mukhang dahil sa sobrang pagkainip ay napuntirya ito. Sunod sanang pupuntahan ni Daxon ang kwarto. Ayon lang ay natigilan siya nang sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya sa wakas ang asawang hinahanap. Paglingon niya ay awtomatikong nagtagpo ang mga mata nila ni Reign. Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. May subu-subo pa itong kutsura galing sa malaking tub ng ice cream na yakap nito. Tinakpan agad ni Daxon ang kanyang bibig dahil muntik na siyang mangiti. Kung ordinaryong araw ito at alam niyang wala siyang pagkakamaling nagawa, malamang ay natawa na siya. Pero pinigilan niya ang sarili lalo na’t alam niyang nagtatampo ang kanyang asawa. Nang makita ni Reign ang paglapit ni Daxon, agad siyang nag-iwas ng tingin, ibinaba na niya ang hawak na kutsara at tinakpan ang tub ng ice cream. Kahit walang sabihin si Reign, mababakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Kung tutuusin, hindi naman na bago para sa kanya ang pagiging late ni Daxon sa mga lakad nila. Kaya nga nang ayain siya nitong mag overnight sa hotel para sa kanilang wedding anniversary, kahit na-excite siya ay naghanda pa rin siya ng plan B. She also didn’t overprepare this time, in case he suddenly bail on her. Bumili lang siya ng ice cream, chichirya, at iba pang pagkain para malibang man lang habang naghihintay. Ito nga ang makikita ngayon sa lamesa, nagkalat ang mga pagkaing nabuksan ngunit ‘di naubos. Bukas na rin ang red wine na dapat sana ay dalawa nilang iinumin, ngunit ngayon ay halos kalahati na lang ang laman. “Baby…” malambing na tawag ni Daxon kay Reign nang maupo siya sa tabi nito. Ngunit humalukipkip si Reign at sa ibang direksyon pa rin tumingin. Hinimas tuloy ni Daxon ang kanyang sentido bago inihilamos ang dalawang kamay sa mukha. He was so frustrated because of the unexpected turn of events. “Kanina ko pa gustong umalis pero—” “May board meeting. I know. You don’t have to explain,” pagputol ni Reign kahit pumait ang panlasa niya. Nagsawa na rin kasi siyang marinig ang paulit-ulit na dahilan ni Daxon sa tuwing pumapalya itong makipagkita sa kanya sa napagkasunduang oras. “I’m sorry, baby…” Hinaplos ni Daxon ang braso ni Reign, umaasang sa ganitong paraan man lang ay mapahupa ang pagdaramdam ng asawa. “May gusto ka pa bang kainin?” dagdag pa ni Daxon. Alam na alam niya ang kahinaan nito. At dahil alam ni Reign ang ginagawang panunuyo ni Daxon, hindi rin siya nakatiis. Kinagat niya ang ibabang labi at sumulyap dito. Nakita niyang magkadikit ang labi ni Daxon, ang magkabilang dulo ay bahagyang nakataas. Sinabayan pa ito ng pagtaas-baba ng kilay nito. “Nagpapa-cute ka pa,” komento tuloy ni Reign sabay irap. Pero lumitaw din naman ang lubog sa magkabilang dulo ng labi niya. Magandang senyales na ito para kay Daxon kaya nangiti na siya. Hinawakan niya ang ilalim ng upuan ni Reign at hinila ito papalapit sa kanya. Napasinghap tuloy si Reign at napahawak sa magkabilang braso niya sa takot na matumba. “Ikaw lang ang baby ko ngayong gabi, anong gusto mong kainin?” Ngumuso si Reign sabay tirik ng mga mata. Pero imbes na sabayan ang inis niya, mabilis siyang ninakawan ng halik ni Daxon sa labi. His tongue softly licked her ruby lips, making her blush at once. “Strawberry flavor ulit? I guess it’s still your favorite.” “Natatandaan mo pa pala?” Hindi naman makapaniwala si Reign na malinaw pa rin pala sa memorya ng asawa ang matamis na gabing una nilang pinagsaluhan sa Savage Mansion. Hindi pa pala ito nakakalimot. “Of course. It’s about you.” At sa simpleng bagay na ito ay agad lumambot ang puso ni Reign. Madali na naman siyang napaamo ni Daxon. Naglahong parang bula ang kanyang pagtatampo. “So… what are you craving?” Tumingin si Daxon sa kanyang wrist watch. “We can still have it prepared. I can make a call.” Ipinulupot naman ni Reign ang kanyang braso sa leeg ni Daxon hanggang sa makakuha siya ng suporta para maupo sa hita nito. Agad siyang inalalayan ni Daxon upang ‘di siya mahirapan, at ngayon ay nakayakap na siya rito. Parang magnet, idinikit ni Reign ang kanyang mukha sa leeg ni Daxon. She could still smell the earthy and woody scent of the perfume he used that morning. It was intoxicating. Tumatak na ito sa memorya niya kaya sa tuwing naaamoy niya ito ay si Daxon agad ang unang-unang pumapasok sa kanyang isip. “Gusto mo ng steak? Lobster? Pasta—” “Ikaw…I’m just craving for you.” Daxon’s heart skipped a beat. Ilang taon na silang nagsasama ni Reign ngunit matindi pa rin ang epekto nito sa kanya. Even him was amused on how much she can drive him crazy with just mere words. “We don’t have to make a call then.” Naghuromentado ang puso ni Reign nang walang pasabing tumayo si Daxon habang karga-karga siya. ‘Yong pagsusungit niya tuloy kanina ay naitawa na lang niya. She was aching for him. Sa totoo lang, kahit nakakahiya, gusto niya ang sinabi ni Daxon kanina na siya lang ang “baby” nito ngayong gabi. At dahil hindi na makapaghintay pa ay sinunggaban na ni Reign ang labi ng asawa. It was slow and gentle at first just like how she used to kiss him when she was still untrained. But the daredevil in her couldn’t help but take over for the night. Naging mapusok ang paghalik ni Reign kay Daxon. A moan escaped his lips. Isinuklay niya sa buhok nito ang mga kamay na dapat ay nakakapit nang mabuti. Hindi siya takot mahulog dahil tiwala siya sa lalaking gusto niyang umangkin sa kanya ngayong gabi. Daxon hungrily kissed back while his heart was pounding so hard against his chest. He was serving her kisses with the same force and passion, but almost lost his balance when she slipped her tongue into his mouth. It was urgent. So needy. As though she could no longer wait for a second to devour him. “Oh f*ck, baby. Wait. I might stumble.” He managed to say in between their wet kisses. Sandaling nakalimutan ni Daxon kung saan siya papunta sa loob ng suite kung hindi pa niya nakita ang pintong dapat pasukan. At dahil may pagkapilya talaga si Reign kahit noon pa man, nakinig nga siya kay Daxon ngunit sinimulan naman niyang papakin ang leeg nito. She started licking and biting him lightly. Daxon groaned the moment they entered the room. He couldn’t wait to return the favor. Maingat siyang naglakad papunta sa kama at doble pa ang ingat nang ibaba si Reign dito. It was just like the night they got married for the second time. Nang maghiwalay ang dalawa, kapwa sila naghahabol ng hininga habang nakatitig sa mga mata ng isa’t isa. Sa kabila ng lahat ng hirap na kanilang pinagdaanan, although scarred, their love for each other grew deeper with each passing year. But there are fears engraved in their hearts that wouldn’t just disappear. Fears that couldn’t be translated into words. Just yet. “I love you, baby…” He muttered under his breath. At para bang gustong gumanti sa panunukso ng asawa, hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong magsalita si Reign. Sinalubong niya ang pag-awang ng labi nito. His mouth penetrated her moistness, gently sucking her tongue into his. He easily invaded all her senses, allowing her to only focus on how soft his mouth was while pressed against hers. Nag-init ang buong katawan ni Reign lalo na nang mula sa kanyang bibig ay dahan-dahang naglakbay ang labi ni Daxon sa kanyang leeg at tainga. The warmth of his breath, although destabilizing, was inviting. Kakaibang sensasyon ang dumaloy sa buong katawan niya. And just when she thought he was able to silence all her thoughts at least for one night, a question blatantly escaped her lips. “What if this is not the life I want?” She gasped. Umalingawngaw ang tanong ni Reign sa apat na sulok ng kwarto. Tumigil si Daxon sa paghalik, tila may sumaksak sa kanyang likuran. Ngunit mas inalala niya nang marinig ang malakas na paghagulgol ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD