HINARAP ni Daxon si Reign. Sa kabila ng lungkot na mababakas sa kanyang mga mata ay nagawa pa niyang tipid na ngumiti sa asawa. “I’m on a temporary leave,” simpleng sagot ni Daxon upang ipaliwanag ang maaga niyang pag-uwi sa bahay. Alam niyang dapat siyang magpaliwanag sa sinabi pero hanggang dito lang ang kaya niyang sabihin sa ngayon. Nabigla si Reign sa nalaman pero sinubukan niya itong itago. The last thing she would want is to overwhelm her husband with her emotions. May ideya naman kasi siya sa pinagdadaanan ng asawa sa Savage Enterprises kahit papaano. Kaya imbes na magsalita at tanungin sa detalye, mas pinili ni Reign lapitan at yakapin si Daxon. Napirmi naman si Daxon sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya nakakilos pero ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Pilit niyang

