[S]hane "Ano po ba ang masakit sa inyo?" tanong ng doctor sa akin. Panay ang tingin ko kay master na nakadekwatro lang habang nakaupo sa di kalayuang sofa. Ano ba dapat ang sabihin ko? Hindi ko naman kasi ginusto na pumunta dito eh. Si master. Nakailang beses na akong sabi sa kanya na hindi ko na kailangan pumunta sa doctor para magpacheck-up. Kasi eh! Mapilit kasi talaga si master. Tingnan mo ngayon. Akala ko pa naman sasamahan niya ako. Pero ayun siya, prenteng nakaupo lamang habang hawak ang cellphone niya. Habang ako ito, nagiisip ng kung ano ang dapat kong sabihin para hindi ako mapahiya. "Sir?" napatingin ako sa doctor na kanina pa nagtatakang nakatingin sa akin. Panay ang laro ko sa sarili kong kamay at hindi mapanatag ang kalooban ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Ah

