[S]hane Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa nararamdaman ko na may humahaplos sa buhok ko. "Good morning." nakangiting pagbungad sa akin ni master. Halos magkadikit na ang mukha namin sa sobrang lapit niya sa akin. Pansin na pansin ko ang aliwalas ng kanyang mukha base pa lang sa ibinabatong mga ngiti nito sa akin. Hindi ako makabati sa kanya pabalik. Ni makagalaw sa pwesto ko ay di ko rin magawa. Naestatwa ako dahil sa kanya. Lahat na lang ng bagay na nagpapatigil sa akin ay ang dahilan ay siya. Puro na lamang siya. Titig na titig lang ako sa kanya. Ang sarap tingnan ang maamo niyang mukha. Ang mala-anghel niyang mukha. Pati ba naman ngayon tinititigan ko na naman siya? Hindi pa ba ako nakuntento kagabi? Sa tingin ko ay hindi. "What? Do I have a dirt in my face?" doo

