Ilang segundong nakadikit ang ulo ko sa kisame habang nakatulala lang ako sa labas ng clinic. "Rimuel anong nangyari sa anak ko?" Napatingin ako kay tita; bakas ang pag-aalala at kaba sa mukha niya. "Bigla po siyang nawalan ng malay tita." Nanginginig pa rin ang mga labi ko. "Dumugo rin po ang ilong niya." Papasok na sana si tita sa clinic, pero biglang lumabas ang nurse. "Kayo po ang ina?" "Ako nga. Kamusta ang anak ko?" Maski ang mga kamay ni tita ay nanginginig din. Nagbuntong hininga ako at tumingala. Pagod lang si Jem, pero wala kaming dapat ipagkabahala. "Okay na po siya ma'am. Nagpapahinga na lang po siya sa loob." Pumasok agad ako sa clinic at natahimik ako nang makitang mahimbing siyang natutulog. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuang nasa gilid ng kama niya; hi

