"Good morning po tita." Tumabi ako kay tita Nina sa sofa sa lounge area. Maaga akong nagising kanina at nakausap ko na rin si Gerald para sa plano ko mamayang gabi. "Oh good morning Rimuel. Si Jem tulog pa ata, ang aga mo ngayon?" Sumilay lang saglit sa 'kin si tita at binalik niya na agad ang tingin sa laptop niya. "Ah tita... pwede ko po ba kayong makausap saglit?" Ngayon ko lang naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Tinignan ako ni tita nang may ngiti sa mga labi. Kahawig na kahawig niya ang ngiti ni Jem. "Oo naman, tungkol saan ba Rimuel?" Lumunok ako nang matuyo ang lalamunan ko. Pinilit ko pa ring ngumiti kahit nadi-distract ako sa mga nagkakarerang kabayo sa dibdib ko. "Tungkol kay Jem po." Kumunot ang noo ni tita. "Oh bakit? Anong mayroon sa anak ko?" Napakamot ako sa ulo.

