Kabanata 21

1213 Words
Naya’s POV “Ano na, teh, tulala ka na naman diyan!” sabi ni Ari nang paluin niya ng malakas ang lamesa namin. Nagulat tuloy ako at saka nagbalik sa wisyo ko. Tinawagan niya ako dahil kalat na kalat sa buong street namin na kagabi ay nagpunta si Stefano sa bahay namin. Ang mga tao rito ay todo issue na baka may relasyon na raw kami. Ang iba naman, iniisip na baka mag-aartista na ako. Kung ano-anong klaseng balita ang kumalat na wala namang katotohanan. At biglang numero-uno na marites itong kaibigan kong si Ari, umagang-umaga ay tinawagan niya ako para pumunta sa bahay nila. Nagluto raw siya ng masarap na almusal kaya samahan ko na raw siyang mag-almusal. Kahit na alam kong kaya niya ako inaya ay para makibalita ay pumayag pa rin ako. Masarap din kasing magluluto ang nanay niya. “Ari, hindi ako makapaniwala na nagpunta siya sa bahay namin. Hindi rin ako makapaniwala na magkakaroon din daw kami ng kissing scene,” paglalahad ko na sa kaniya kaya nabuga niya tuloy ang iniinom niyang tubig. “Pusang kinalbo, totoo ba ‘yan?” Halos hindi siya makapaniwala. “May kissing scene talaga? I mean, payag siya?” tanong pa niya kaya nawala ang ngiti ko. “Tang-inang ‘to, so anong gusto mong palabasin, lugi si Stefano kasi pangit ako, ganoon?” iritado kong tanong sa kaniya saka ko kinagat ang hotdog na ulam namin. Nagmalaki pa siya na masarap daw ang almusal nila e, puro hotdog lang naman pala ang ulam nila ngayong umaga. “Kung totoo ‘yan, dream come true mo na ‘yan, ija,” singit ng nanay niya na nananainga lang pala. Tiyak na kakalat na sa buong street namin itong sinabi ko sa kanila kaya dapat siguro na sabihin ko muna sila. “Ari, tita, ang totoo niyan ay sikreto pa ang tungkol sa music video ni Stefano na kasama ako. Gusto ko po sanang humingin ng pabor na kung sana ay sa atin na lang muna ito.” Sabay namang tumango ang mag-inang marites. Aasa ako na ititikom nila ang bibig nila, ayoko kasing kumalat muna ang balita. Baka kasi kung saan-saan agad makarating ito at hindi na maging surprise sa mga fans ni Stefano. ** May three days pa ako para maghanda kaya nag-bonding kami ni Ate Ayah sa mall. Sabi niya, ililibre daw niya ako ng foot spa, nail gel polish, pangtanggal na balahibo sa kilikili at pagpapa-rebond ng buhok. Para daw maganda ako lalo sa music video ni Stefano. Sino ba naman ako para tumanggi kung lahat ng iyon ay libre niya. Nakakatuwa kasi ngayon lang naming gagawin ito ni Ate Ayah. Simula nung bata pa kasi kami hanggang sa lumaki ay para kaming aso at pusa. Walang ginawa kundi ang mag-away at magbangayan. Ngayon lang kami makakapag-bonding. Pagdating sa beauty care clinic, agad kaming nag-fill up doon ni ate ng mga ipapagawa namin sa katawan namin. Nagulat pa ako sa presyo ng mga ililibre niya sa akin kaya napapatulala tuloy ako. Sinaway ko naman siya pero okay lang daw kasi ngayon lang naman niya ako malilibre ng ganoon. Sabay-sabay ginawa sa akin ang hair rebonding, nail gel polish, arm fit removal at foot spa. Nakakalibang at nakaka-relax pala kapag kinakalikot ang katawan mo. Natatawa pa nga si Ate Ayah sa akin kasi nakikita niyang natutulog ako. Kilala na nga rin ako ng ibang staff dito kasi nakita rin nila ‘yung viral picture namin ni Stefano. “Nagugutom ako,” sabi ni Ate Ayah habang may nakababad na gamot sa buhok namin. “Tara, milktea at pizza muna tayo?” aya ko sa kaniya. Ako naman ang manlilibre ng pagkain, tutal siya naman ang may sagot nitong pamper time namin. Mabuti na lang at puwedeng lumabas ng clinic. Nakakahiya lang kasi may balot na plastic ang buhok namin. Nagsuot na lang kami ng facemask para hindi kami makilala. Tutal ay isang oras naman ibabad ang gamot sa buhok namin, nag-stay na kami sa isang milktea shop na mayroon pizza rin. Habang nagmi-merienda na kaming mag-ate, na-topic namin bigla ‘yung kissing scene namin ni Stefano. “Siguro, Naya, pinagpaplanuhan mo ‘yung kissing scene ninyo ‘no? Siguro sasadyain mong gumawa ng mali para maraming take ang kissing scene ninyo?” udyok niya kaya bigla tuloy akong nagka-idea. “Wala sa isip ko ‘yan, pero dahil binigyan mo ako ng idea, baka gawin ko na,” sagot ko kaya natawa siya. “Push, pabor naman sa ‘yo, girl,” sabi pa niya saka ito nakipag-cheer sa akin ng milktea bottle. “Anyway, dapat nanunuod ka na rin pala ng mga dating music video niya. Aralin mo kung paano um-acting ‘yung mga naging leading lady na niya. Para kapag ikaw na ang sumabak sa Sabado, may idea ka na. May alam ka na kung paano ang dapat mong gawin. Nakakahiya rin kasi ang maraming pagkakamali. Ayoko namang mapahiya ang kapatid ko.” “Ate, kahit hindi mo sabihin, ginagabi-gabi ko na ang panunuod ng mga music video niya. Ginagabi-gabi ko rin ‘yung pagpa-practice ko kaya inaasahan kong kahit pa paano ay medyo hindi na ako magkakamali.” ** Pag-uwi namin sa bahay, nagulat pa ang parents namin nang makitang halos straight na straight at kumikinang ang buhok naming magkapatid. Lalo raw kaming gumanda, sabi ng mama naming supportive na supportive sa aming dalawa. “Ang sayang tignan na magkasundo na talaga ang dalawang maganda kong anak,” sabi ni mama. “Napakabangis natin, Laya, kasi nakagawa tayo ng mga magagandang anak. Dapat siguro gumawa pa tayo ng isa pang lalaki para may lalaki na rin sa pamilya natin,” pabiro namang sabi ni papa kaya tumawa kaming tatlo. “Maiba tayo, nagpunta nga pala dito si Thiago, sinabi niya na kapag nakauwi ka, magkita raw kayo sa park. Naroon lang daw siya at maghihintay sa ‘yo. May importante raw kasi siyang sasabihin sa ‘yo,” sabi ni mama kaya nagulat ako. Ayoko sanang pumunta at makipag-usap muna sa kaniya kaya lang naintriga ako sa sinabi niyang may importante siyang sasabihin. “Sandali, Naya, magdala ka ng payong. Mahirap na, baka umulan, bawal pang mabasa ‘yang buhok mo,” sabi ni Ate Ayah nang habulin ako sa pagsakay sa tricycle. Tinanggap ko naman ang payong at saka ako nagpasalamat sa kaniya. Habang nakasakay ako sa tricycle, nag-check na rin ako ng phone. Naiwan ko kasi ito sa bahay kanina. Akala ko nalagay ko sa bag, pero naiwan ko pala sa may kama. Nagulat ako nang makita kong may live pala ngayon si Stefano sa page niya. Alas otso ‘yun ng gabi kaya bigla akong napapara. Magme-message na lang siguro ako kay Thiago. Mas mahalaga sa akin ang live ni Stefano. Maiintindihan naman siguro niya ako. “Hoy, Thiago. Tama na ang emote diyan. Kakauwi ko lang galing sa mall. Sakto na may live pala si Stefano sa star book page niya. Hindi ko puwedeng makaligtaan ‘yon kaya sa ibang araw na tayo mag-usap. Alam mo naman na kapag si Stefano, sobrang mahalaga ito sa akin. Umuwi ka na, hindi ako darating. Mas importante ang live ni Stefano.” Pagka-send ko ng message sa kaniya, dali-dali na akong tumakbo pauwi sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD