Naya’s POV Nauna pa akong magising sa alarm clock ko. Excited akong magising ngayong araw kasi magkikita na naman kami ni Stefano. Niligpit ko nang maayos ang higaan ko. Naglinis din ako ng mga sahig at mga alikabok. Kahit nalinis na ito kahapon ni mama, nilinis ko pa ulit kasi baka may nakaligtaan siyang linisin. Kahit kakapalit lang din ng sapin ng kama ko at ng mga punda ng unan, pinalitan ko ulit kasi hihiga dito mamaya si Stefano. Nakakahiya, kung minsan pa naman ay tumutulo ang laway ko kapag pagod ko. Nagbukas na rin ako ng humidifier para kumalat ang amoy ng rose sa buong paligid. Pagkatapos, tinignan ko na rin kung nagluto na ba sina mama at papa. Ang sabi ko kasi kay Stefano, magpapaluto ako ng food para sa kanila. Ayaw pa sana niyang pumayag kaya lang hindi ako nagpatalo sa k

