Naya’s POV “Nakikisabay lang sa hype ‘yun. Kung ako sa ‘yo, huwag mong patulan,” udyok ni Aletta habang kausap ko silang tatlo dito sa coffee shop. May nabuo tuloy na tropa. Simula ngayon, kaibigan na rin namin nila Tori sina Aletta at ganoon na rin si Richelle. Sinama ko na rin si Ari para maging magka-close na rin sila. Nagtanong ako sa kanila kung dapat ko bang patulan ang alok ni Livia. Si Ari, go lang. Pero sina Aletta, Richelle at Tori ay hindi. “Sang-ayon ako kay Aletta. Sikat ka ngayon. Matunog ang pangalan mo dahil kay Stefano at Thiago. Naiisip ko na nakikisali sa daloy ng kasikatan mo ngayon ‘yang eskadalosang nangangabit ng porn star. Ako, ha, naniniwala akong niloloko lang ni Livia si Stefano. Alam niyo kasi, may nabasa akong article nung nakaraang araw. Hindi ko sure kung t

