Naya’s POV Nag-post na naman si Thiago sa social media ng video habang nagmamaneho ako. Dinig sa video ang boses niya habang tinuturuan niya akong mag-drive ng sasakyan. Gumawa na naman siya ng ingay sa mga fans nila. Marami tuloy ang nagsasabi na mukhang nililigawan na raw talaga ako ni Thiago. ‘Yung mga galing sa social media niya, dumayo tuloy sa account ko. Paglabas ko ng kuwarto ko bigla tuloy nagtanong si mama sa akin. Nakita niya rin sa social media ang post ni Thiago. Ang dami kasing nag-share kaya umabot na ito sa kung saan-saan. “Nililigawan ka ba niya?” Napakamot ako ng ulo. Hindi ako sanay na nagtatanong siya ng ganito. Ayoko talagang pinag-uusapan kapag tungkol sa lovelife. Nahihiya ako. “Opo, pero kaibigan lang kasi ang tingin ko sa kaniya,” sagot ko sa kaniya. Bumuntong-

