Chapter 6 (Part I)

1427 Words
Naya’s POV Nung gabi na, hindi talaga ako sumabay sa dinner ng pamilya ko. Nauna akong kumain dahil inabangan ko talaga ang live streaming sa page sa star book ni Stefano. Maya maya ay nag-start na rin ang live. Parang may sumabog na fireworks sa mga mata ko nang bumungad ang mukha roon ng guwapong si Stefano ko. “Hello, fans. Good evening. Please forgive me for being a bit late. I encountered some internet issues earlier, but don’t worry because everything is fine now.” Nakakalaglag panty talaga ang boses niyang lalaking-lalaki. Haluan pa na sobrang guwapo niya ngayon dahil sa wet look niya. Bagong ligo ata si Papa Stefano. Napakasuwerte talaga ni Livia na mayroon siyang boyfriend na ganitong kapogi. Ang perfect pa niyang masyado ngayon dahil halatang nagpalaki siya ng katawan. Sa akin naman, kahit hindi malaki ang katawan niya, ayos lang, guwapo naman siya kahit mataba o payat. “Wow, there are already so many eagerly waiting. This seems to be the first time this has happened. Even those not participating in the contest are here. As far as I know, twenty thousand people joined the contest, but why do we have fifty thousand viewers now?” Totoo, sobrang daming nanunuod ng live nita ngayon. Ang dami rin talaga naming mga fans niya. “Anyway, before we begin, I want to express my gratitude to all those who joined my game. Only one will emerge as the winner, but I’ll do my best to make everyone who participated happy.” Hindi pa nag-uumpisa ang contest, kinakabahan na ako. Ganito pala sumali sa pa-contest niya. “In my contest, there will be ten rounds of games, and after each round, some will be eliminated. So, give your best effort in every round because the lucky winner of my contest this year will get to spend three days with me in Baguio.” Napasigaw ako bigla. Syet, tatlong araw na date, tapos sa Baguio pa? Oh, my God! Tamang-tama, hindi pa ako nakakarating doon. Mukhang pagkakataon ko na rin talaga ito para makarating doon, tapos kasama pa ang isang Stefano Virgo. Napakasuwerte talaga nang mananalo. And of course, I will do my best to be the actual winner here. Buong live streaming ni Stefano ay pinaliwanag niya ang mga bawal gawin kapag magkakasama na ang lahat, lalo na kapag nagpakita na siya sa amin. Sinabi na rin niya kung saan ang location ng mga magaganap na palaro. Kada round pala ay iba’t iba ang location kaya talagang gagastos ako rito. Mabuti na lang talaga at nakapag-ipon na ako. Matapos niyang mapaliwanag ang lahat, mukhang tatapusin na niya ang live streaming niya. “Before I end this live streaming, I want to mention the name of one of you. I'll just wish you good luck in my upcoming game, so go ahead and comment your full name for me to give you a shout-out,” sabi niya kaya nagmadali ako nang pag-type ng pangalan ko sa comment section. Tinadtad ko ng buong pangalan ko ang comment section niya para pangalan ko ang mabanggit niya. “Uy, Stefano, ako ang banggitin mo, please. Ako, please!” sabi ko habang panay ang dasal sa harap niya. Hanggan ngayon send pa rin ako nang send ng full name ko sa comment section niya. “Okay, good luck sa iyo…” binitin pa niya kami kaya lalo akong kinabahan. “…good luck, Naya Cuervo!” sabi niya at saka na pinatay ang live streaming niya. Oh, syet! Pangalan ko ba ‘yun? Oo, Cuervo ang surname ko eh, saya madalang ang pangalan na Naya sa Pilipinas. Oh, God! Thank you! Natulala ako dahil sa huling ginawa niya. Matapos niyang banggitin ang pangalan ko ay may pa-kindat pa talaga siya. Syet, syet, syet! Totoo ba ‘yun? Pangalan ko ang binanggit niya? Oh, my God! Ngayon pa lang, parang nanalo na ako. Hindi ako makapaniwalang binanggit niya ang pangalan ko. Si Stefano, binanggit ang pangalan ko tapos kumindat pa. Pakiramdam ko ay parang nabuntis niya agad ako sa kindat palang niya ‘yun. Putarages, mas lalo tuloy akong ginanahan. Mas lalo kong gagalingan para ako ang manalo. Sisiguraduhin kong, ako ang makakasama niya sa three days date na ‘yun sa Baguio. ** Bago ako pumasok sa trabaho, nagkita muna kami ng kapatid ni Ari na si Aries. Ngayon na siya nag-report sa akin sa pagsunod niya kay Ralph. Sinabi niya na pumupunta si Ralph sa isang beer house kapag gabi. Aries clearly saw that Ralph was kissing another woman. He also goes to a big house where he meets another woman. This means that Ralph is really just deceiving my sister. Binigyan ko ng pera si Aries gaya nang napag-usapan. Inutos ko pa rin sa kaniya na patuloy na sundan at maghagilap pa ng baho ng Ralph na ‘yun. This time, sinabi ko na rin sa kaniya na kumuha ng video o kahit picture para may hawak na akong ebidensya. Pagdating ko sa trabaho, nagulat ako dahil trending ako dahil sa pag-shout out sa akin ni Stefano sa live streaming niya. “Nakaka-inggit ka, Naya. Nakatutok talaga ako sa live streaming niya kagabi at isa rin ako sa tumadtad ng pangalan ko sa comment section niya para ako ang ma-shout ot niya, pero magulat-gulat ako na ikaw pa talaga ang na-shout out niya,” sabi ni Tori—ka-workmate ko rito at best friend na rin sa trabaho. “Girl, kahit ako, hindi ko rin inaasahang ang pangalan na mababanggit niya ay ang akin,” sagot ko sa kaniya habang nag-aayos na kami ng mga damit para isampay sa mga cloths rack. “Pero, Tori, tutuloy ka ba sa pa-contest niya?” tanong ko. Bigla siyang natahimik. Doon pa lang ay alam kong parang may problema na siya. “Naya, nagkaroon nga ng problema sa bahay. Hindi ko rin inaasahan na mangyayari ‘yun,” sagot niya saka napabuntong-hininga. “Kailangan operahan sa mata ng mama ko, malabong-malabo na kasi ang kanang mata niya. Hundred thousand pesos ang kailangan kaya talagang hindi ako tutuloy sa contest ni Stefano,” sabi pa niya kaya nalungkot ako para sa kaniya. Sinabi niya na kailangan nilang magtulong-tulong ng mga kapatid niya para sa magagastos sa operasyon ng ina nila. “Ang iingay ninyong mga bruha kayo! Stop your gossiping, both of you,” bulyaw ni Aletta sa amin. “That’s why our shop is suffering, you do nothing but talk endlessly about that Stefano,” she said with frustration. Siya ang kontrabida sa buhay namin dito sa trabaho namin ni Tori. Tatlo lang kami palagi rito sa clothing shop ni Sir Jelo. Siya lang ang hindi namin kasundo ni Tori. I don’t know what’s up with Aletta, she seems to be born with a grudge. She and Ate Ayah have the same behavior and way of speaking. Palaging mga naka-english at palaging galit. “There she goes again. Early in the morning, causing stress for us. I really hope Sir Jelo replaces her soon. I’m getting so annoyed with her behavior, acting like she’s the boss of this shop,” parinig sa kaniya ni Tori. Between the two of us, she’s the one who doesn’t back down when it comes to Aletta. Sila ‘yung madalas mag-away at magsagutan. “I’m just pointing out the mistakes you’re making in our work,” sabi ni Aletta kay Tori habang nanlilisik ang mga mata. “Alam mo, Tori, you really have a sharp tongue. I’m just trying to set things right. Your attitude is so bad, it’s as if you’re praying for me to get fired. I hope it’s you who gets removed from here and not me,” sabi pa niya at saka patabog na kumuha ng mga damit para isampay sa cloths rack na nasa harap niya. Bumukas ang pinto. Pumasok si Sir Jelo. “Umagang-umaga, bangayan ang nakikita ko sa CCTV. Kapag ako nainis ninyo, pare-pareho ko kayong papalitan dito,” sabi niya na kinagulat naming lahat. “Nadamay pa ako. Sa totoo lang, itong si Aletta lang naman kasi ang palaging gumagawa ng gulo rito eh. Tahimik at maayos kaming nagtatrabaho ni Tori, pero itong babaeng ‘to ang palaging nag-uumpisa ng gulo.” Hindi ko napigilang makapagsalita. Pati tuloy kami ay madadamay pa sa kaniya. “Enough, Naya. Ayoko na nang usapin, umagang-umaga oh,” sagot sa akin ni Sir Jelo. Mukhang hindi maganda ang mood niya. Inirapan lang ako ni Aletta, pagkatapos ay tumahimik na kaming lahat at baka totohanin pa ni Sir Jelo na palitan kaming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD