Naya’s POV
Narinig kong umiiyak si Ate Ayah sa kuwarto niya. Hindi ko naman mapigilang mangialam kung bakit umiiyak siya. Pakiramdam ko ay tungkol na naman sa boyfriend niya kung bakit umiiyak siya. Ang ginawa ko, lumabas ako at saka ako pumunta sa likod ng bahay namin, kung saan naroon ang bintana ni Ate Ayah. Dahan-dahan akong sumilip doon. Nakita kong ka-videocall niya si Ralph.
“Nakikita mo ba ito, Ayah?” tanong ni Ralph sa kaniya kaya mas lalo pa akong lumapit sa bintana. Namilog na lang ang mga mata ko nang makita kong video ang pinapakita ni Ralph. Parang video ata ito na nagse-s*x silang dalawa. “Kapag hindi mo ako pinadalhan ng fifty thousand pesos ngayong gabi, alam mo na ang mangyayari,” pananakot ni Ralph kaya napayukom agad ang kamao ko. Demonyo talaga ang lalaking ito.
Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat na hindi talaga mahal ni Ate Ayah si Ralph. Nagiging sunud-sunuran lang pala siya rito dahil tinatakot siya ng gagong lalaki na ‘yon. Humanda siya sa akin. Kung si Ate Ayah natatakot niya, puwes ako hindi.
“Ano ba kasing gagawin mo sa malaking pera na ‘yon? Alam mo, Ralph, sa iyo lang nauubos ang ipon ko. Maawa naman kayo ng mama mo sa akin. Aba, puro sa akin na lang ata ako nanghihingi ng pera. Hindi ko na magastusan ang pamilya ko. Nakukunsensya na ako sa kanila. Kayo na lang ang nagpapakasasa sa pera ko na dapat ay sa pamilya ko binibigay,” sabi pa niya ni Ate habang panay ang tulo ng luha niya.
Napapailing na lang ako habang paalis doon. Hindi ko na kaya ang nakikita at naririnig ko. Pati ako naiiyak sa galit sa lalaking ‘yon.
Pinuntahan ko si Ari. Kinuwento ko sa kaniya ang nalaman ko kaya maging ito ay gulat na gulat din. “Anong plano mo ngayon?” tanong naman niya sa akin.
“Anong plano natin? Iyon ang magandang itanong mo,” sabi ko naman sa kaniya.
“Fine, kaya ka nga pala naparito ay para manghingi ng tulong. Anyway, may naisip na ako. Halika, gawin na agad natin ngayong gabi,” sabi niya kaya napakunot na lang ang noo ko. Sumunod na lang tuloy ako sa kaniya.
Si Ari, laking gulo ito. Madalas sa school, siya ang palaging gumagawa ng gulo. Lapitin din ito ng away. Siga nga ito noong elementary kami eh. Mabuti at nitong lumaki-laki na ay medyo nagtitino na. Hindi na masyadong barako, pero sigurado akong naroon pa rin ang pagiging war freak niya. Mabuti na lang din at hindi niya ako inaaway. Love na love ako ng gagang ito.
“Anong pinaplano mo? Talaga bang agad-agad itong naiisip mong gawin sa Ralph na ‘yon?” tanong ko naman sa kaniya.
“Para matapos na. Kahit hindi ko rin kasundo ‘yang ate mong maldita, ayoko naman na nai-stress ang kaibigan ko,” sagot niya kaya napangiti ako.
“Parang may maililibre ako ng samgyup sa isang araw,” panuhol ko naman sa kaniya kaya nakita kong ngumiti siya.
May nadaanan kaming bahay na may nakasampay na mga damit sa labas. Ang gaga, biglang kumuha ng ilang damit doon. “Hoy, anong ginagawa mo?” sita ko sa kaniya.
“Gabi naman na. Ayos lang ‘yan, walang makakakita sa akin. Saka, kailangan ko ito mamaya kapag hinarap ko na si Ralph,” sagot niya at saka sinuot ang itim na damit na panlalaki. Ang isang pulang damit naman na kinuha niya ay tinakip niya sa mukha niya. Para tuloy siyang holdaper.
Pagdating sa kalye nila Ralph, pinaiwan na niya ako rito sa likod ng malaking puno. Walang katakot-takot si Ari na nag-over-the-bakod sa gate nila Ralph. Pumasok siya roon hanggang sa makapasok sa mismong bahay. Naghintay ako ng ilang minuto. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga kalabog ng gamit doon. Sumisigaw si Ralph. Parang takot na takot. Pati ang magulang nito na mukhang pera ay naririnig kong sumigaw, pero isang beses lang, pagkatapos ay tumahimik na.
Naglabasan ang mga kapitbahay nila Ralph kaya natakot ako. Pero hindi naging hadlang ‘yon kay Ari. Sa harap mismo ng mga taong naroon ay pumagitna pa siya sa kalsada.
“Iyang si Ralph at ang ina niya, mukhang pera. Si Ralph na ‘yan, madaming babae. Lahat ng klase ng babae ay iniiy*t para lang magkapera. Kaawa-awa ang mga babaeng makaka-s*x niya dahil palihim niya pa lang kinukuhanan ng video ang ka-s*x niya, tapos makalipas lang ang ilang linggo, doon na siya mananakot na ikakalat ang video kapalit ang malaking pera. Linggo-linggong mananakot ang gagong ‘yan. Akala mo naman kung sinong guwapo eh, maliit naman ang tité niyang kulay violet! Pwe!”
Nagtawanan tuloy ang mga kapitbahay ni Ralph. Pagkatapos ay tumakbo na palayo si Ari. Walang pumigil sa pag-alis niya. Pakiramdam ko ay maging ang mga kapitbahay niya ay galit din sa kanilang mag-ina.
Doon na rin ako umalis sa likod ng malaking puno. Tumakbo na ako pasunod kay Ari. Pagdating ko sa street namin, nakita kong wala na siyang takip sa mukha at hinubad na rin niya ang damit na suot kanina. Kahit gaga ito, binalik naman din niya sa sampayan ang mga ‘yon kaya natatawa na lang ako.
Ang sabi niya, binugbog niya pareho ang mag-ina. Pinaghahampas niya ng helmet ang ulo ni Ralph, at sinapak naman niya ang mukha ng ina nito nang hampasin din siya nito ng palanggana sa likod niya. Mabuti na lang din at hindi siya nasaktan. Natuwa ako lalo nang makuha niya ang cellphone at laptop ni Ralph. Naisip niya kasi na naroon ang lahat ng video na pinananakot niya sa mga babae niya. Kaya kung makukuha niya raw ‘yon ay lutas na lutas na ang problema namin ni Ate Ayah.
Sa sobrang tuwa ko, napapayakap na lang tuloy ako sa kaniya.
**
Dala-dala ko pag-uwi sa bahay ang laptop at cellphone ni Ralph. Pumasok na rin agad ako sa kuwarto ni Ate Ayah. Nadatnan kong nagbibilang siya ng pera habang nakaupo sa kama niya. Nang makita niya ako ay agad naman niyang tinago sa likuran niya ang pera na sigurado akong ibibigay niya sa gagong lalaking ‘yon.
“Hindi ka ba marunong kumatok, Naya?” iritado niyang tanong. Magang-maga ang mata niya dahil sa kakaiyak.
“Hindi ka na maloloko pa ng lalaking ‘yon. Hindi mo na rin kailangan pang magbigay ng pera sa kaniya dahil nagawan ko na ng paraan,” sabi ko at saka ko inabot sa kaniya ang cellphone at laptop ni Ralph.
Nanlaki ang mga mata niya nang ibaba ko sa kama niya ang laptop at cellphone ni Ralph. Agad siyang napatayo at saka lumapit sa akin. Pinaikot-ikot niya ako na para bang tinitignan ang katawan ko. “Anong ginawa mo? P-paano mo nakuha sa kaniya ito? Naya, sinabi ko naman na sa iyo na huwag ka nang makialam!”
“Tapos na, wala na. Hindi na niya gagawin ‘yon. Bugbog sarado ang inabot ng mag-inang ‘yon kanina. Napahiya na rin siya sa mga kapitbahay niya kaya sigurado akong madadala na siya,” sabi ko.
“Naya…”
Akala ko magagalit pa siya sa akin pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Niyakap ko na rin siya dahil alam niyang natanggal ko na ang tinik sa dibdib niya. Nakiusap pa siya sa akin na huwag ko na raw itong ipaalam sa parents namin kaya tumango na lang ako. Sa tingin ko, ito na ang simula nang pagiging okay namin. Ito na ang simula nang pagiging mag-close naming bilang mag-ate.
Pagkatapos ay lumabas na ako dahil bubuksan na raw niya ang cellphone at laptop ni Ralph. Nahihiya raw kasi siya na makita ang video nilang dalawa.
Pagbalik ko sa kuwarto ko, nakahinga na rin ako ng maluwag. Para na rin akong nawalan ng tinik sa lalamunan.
Bago ako matulog, nakatanggap ako ng email galing sa team ni Stefano. Bukas na magaganap ang second round ng contest niya kaya excited na ulit ako. Mabuti at natapat na restday ko bukas sa work kaya puwedeng-puwede ako.
Tinignan ko tuloy ulit ang green paper na pinapatago ni Stefano. May kinalaman daw sa papel na ito ang eksena sa second round kaya napatitig ako sa papel na ‘to habang nakahiga sa kama ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napabaling ako sa kaliwa ko kung saan nakabukas ang binata ng kuwarto ko. Naitapat ko ang papel sa maliwanag na buwan. Nagulat ako na may nakita akong nakasulat sa papel. Napangiti ako dahil mukhang pasok na rin agad ako sa second round. Kailangang malaman ito ni Yanna para pasok na rin siya agad sa second round.