Dahil sa nangyari ay isinugod sa hospital si Granny habang dinakip naman si Isabella. She's now being interrogated sa isang closed room habang naka-posas. "I swear, hindi nga ko!" Isabella was now back to her senses. "Nagulat nga ako nang nasa kamay ko na ang kutsilyo!" The police sighed. "Pinapahirapan mo naman kami. Hija, mas mapapa-baba ang iyong sentence in jail kapag inamin mo nal—" "Bakit ko aaminin ang hindi ko naman ginawa? Sir, kahit anong gawin ninyo hindi ko talaga aangkinin ang krimen ng iba!" Isabella was damn scared. Hindi niya alam kung bakit sa kanya ba binigay ang kutsilyo na iyon. Hindi din siya makapag -isip ng ensakto dahil nag-aalala din siya sa kalagayan ni Granny. "Pwede ko bang malaman kung kamusta na daw si Granny?" tanong niya sa nag-interrogate sa kanya.

