Sa condo unit naman ay ang iba ay tulog pa. Si Granny, Corazon, Jean at Jay pa yata ang gising kaya naman si Jean ang naka-sagot ng telepono. “Oh, sino daw ‘yon, hija?” tanong ni Granny nang makabalik sa lamesa si Jean. “Ewan ko po, hindi naman nag-salita.” “Hmm, maybe wrong number.” They didn’t mind it anymore at tumulong nalamang si Jean kay Nay Corazon pati na si Jay. Habang nagluluto ay isa-isa ding nagising ang mga katulong at dalawang driver at security sa mansion. Nag-linis din ang mga ito sa kalat. Nang magising na sina Clifford at Isabella ay tumulong din sila sa paglilinis. Ang huling nagising ay si Gwen na nag good morning sa lahat. Habang masaya silang kumakain, kahit nakatayo na ang iba’y narinig nilang may kumatok sa pinto. Dahil si ate Masyang ang malapit ay siya ang

