CHapter 13

1017 Words
Habang nag-eenjoy si Isabella at si Lukas ay si Clifford naman ay naka-pansin na nawala na ang dalawa. Pag-lingon niya’y wala na nga ang mga ‘to. Inalis niya ang kamay ni Penelophy kaya na-shock ang babae. “Hindi mo na ba gustong maglibot?” Tanong ni Penelophy. Clifford was too angry at the thought of Lukas running away with his girl kaya hindi niya na sinagot si Penelophy at umalis agad. Gusto sanang habulin ni Penelophy si Clifford ngunit nakalayo na ang lalaki sa kanya. “Clifford, wait!” Nagawa pa niyang isigaw ngunit hindi na lumingon ang lalaki. Now she was mad and her features darkened. That damn Isabella never runs out of luck, Penelophy thought while crossing her arms across her chest. “May araw ka din saakin,” bulong niya sa sarili. She groaned nang ma-realize niyang naki-sakay lang pala siya kay Lukas and now he’s nowhere. “Can this night get any worse!” she yelled in frustration. At nang lumakad na siya’y natapilok pa siya’t nabali ang heel ng sapatos niya. Ulit ay napa-sigaw ito sa galit at inis. Habang nagsasaya pa sina Lukas at Isabella ay nakalimutan nilang mag-matyag. Tawang-tawa pa ito sa mga joke ni Lukas na marinig ang sobrang lakas na sigaw ng kanyang pangalan. “Isabella!” Para itong spell na nagpa-frreeze sa kanya. “Patay ako! Nahuli na ako,” bulong ni Isabella kay Lukas na tumawa. “Huwag kang lilingon,” ani ni Lukas. Sa hindi inaasahan ni Isabella ay kinuha ni Lukas ang kanyang kamay atsaka tumakbo kaya napatakbo din siya. Napa-lingon pa siya kay Clifford bago paman tuluyan nanaman nilang mawala at siguradong papatay talaga ng tao ang mukha nito. Nang maka-layo layo na sila’y hiningal silang dalawa habang si Lukas ay tumatawa. “Hoy tae ka! Bakit mo iyon ginawa? Siguradong palalayasin ako non!” Nag-aalalang sambit ni Isabella. “You can always come to me.” Tapos ay ngumite sa kanya si Lukas. Ngayon lang na-realize ni Isabella na ang gwapo din pala nitong si Lukas. “Tae nito.” Isabella just made a face atsaka ngumite ng bahagya. They did one last round in the night market and then decided to go home when the night was getting late. Pa-uwi na sila and Isabella was damn nervous. Iniisip niya na siguro nasa labas na ng pinto ang mga gamit niya. “You nervous?” tanong ni Lukas nang naka-park na sila at makita ang sasakyan ni Clifford. “Oo,” mahinang sagot ni Isabella. “You want me to come with you?” pag-mamagandang loob ni Lukas. “Huwag na, huwag na!” Sabay wave niya sa dalawang kaay niya sa ere. “Ako na mag-isa ang pupunta at baka ikaw pa ang ma suntok non.” “I don’t mind.” That made her stop and stare at Lukas for a moment and then smiled. “Thank you, Lukas. Pero kailangan ko talaga ‘yon harapin atsaka baka pagbawalan niya na din ako makipag-usap saiyo. Kaya salamat sa gabing to.” “You’re so dramatic.” He chuckled and shake his head. “Come to me whenever you want and I’ll help you.” Napangise naman doon si Isabella. “Fist bump,” ani ni Isabella at itinaas ang kamao sa ere. Nag-fist bump nga silang dalawa atsaka bumaba si Isabella at nauna sa loob ng building. Gusto niyang mag-hagdanan nalang sana para matagal siyang maka-punta sa itaas pero takot din siya mag-isa kaya nag-elevator siya. Nanginginig niyang pinindot ang button para sa floor nila. Ini-imagine na niya ang mga sasabihin ni Clifford at ang kanyang mga gamit sa labas. Narinig niya ang ting ng elevator atsaka bumukas ang pinto. Nag-dalawang isip pa siyang bumaba but in the end ay bumaba siya. Ang bigat bigat ng kanyang mga paa habang papuntang kanilang pintuan. Nang nasa harap na siya ay kinuha niya ang key card. Nanginginig talaga siya habang itinatapat ang kanyang card. Nang bumukas ang pinto ay napa-lundag pa siya ng bahagya. Nang makita na madilim ang loob ay na-isipan niyang baka natulog na si Clifford kaya naman napa-buntong hininga siya at nagdahan dahan sa pag-sara ng pinto nang maka-pasok siya. Dahil wala siyang masyadong nakita ay nabangga siya sa lamesa sa gilid kaya napasinghap siya. “Serves you right!” Nang marinig iyon ay dumaloy agad ang napakalamig na likido sa kanyang katawan at nanginig siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa gilid and there she saw a figure. Agad namang bumukas ang ilaw at nakita niya ang mukha ni Clifford. Feeling niya hindi siya maka-hinga at halatang-halata sa mukha niya na takot siya. “Gi-gising ka pa-pala?” She stuttered as she tries her best na mag-mukhang matapang. Hindi sumagot ang lalaki at humakbang nalang patungo kay Isabella. Nang nasa harap na ito kay Isabella ay hindi na siya makatitig dito. “You know, you’re supid, right?” “Ikaw lang may sabi...” mahinang sagot ni Isabella. “Pack your things up, you’re going back to the mansion.” Agad itinaas ni Isabella ang kanyang ulo. Babalik siya sa mansion? Eh ilang buwan na lamang at takdang panahon na. Hindi pwede iyon! “Dahil lang sa nag-pakasaya kami ni Lukas, papaalisin mo na ako?” She bravely asked him. “Eh ikaw ba? Naka-hawak sa’yo si Penelophy wala lang? Hindi nga kami nagka-hawak kamay ni Lukas eh.” “I don’t care. Pack your things up because you’re leaving,” he grunted. Pareho silang dalawa na may mainit na ulo. One was jealous and one was enigmatically pressured. They both glared at each other for minutes until Clifford saw sadness in her eyes. Bago paman ma-intindihan ni Clifford ang titig ni Isabella ay umiwas na ang babae sa kanya’t pumunta sa kwarto nito. Kina-umagahan ay nagulat na lang si Clifford nang walang gumising sa kanya. Natandaan niyang nag-away pala sila ni Isabella kaya baka hindi siya nito ginising. Ganon sila eh, basta nag-kagalit sa gabi ay kinabukasan hindi siya giniginising ni Isabella. Lumabas siya at tiningnan ang sala, hindi on ang TV, usually ay nakabukas ito. Pumunta siyang kusina nila at pagkakita sa lamesa ay wala pang almusal. Now, that’s just weird, isip niya. He rushed to Isabella’s room and flung it open. At ayon nga’t malinis ito at wala ng gamit ni Isabella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD