20

1871 Words
Sierra's POV dahan dahan ang naging pagkilos namin, sinenyasan ko naman si Ivy at luisa upang icover ako, tumango naman ito bilang sagot, habang ang iba ay nakasunod sa akin, maayos naman kaming nakapasok, ngunit nakapagtataka na walang mga nagbabantay, ng makaramdam ako ng kakaiba, pinahinto ko ang lahat, ngunit bigla na lamang may sumabog, nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahiga, hinila pala ako ni Ivy, kaya hindi ako napuruhan, pero halos mabingi ako at blangko ang pandinig ko dahil sa pagsabog, tumuon ako sa paligid at marami sa amin ang sugatan, napangisi nalang ako ng mapakla, 'tsskkk, mukhang inaasahan nila kami." bulong ko sa sarili, lumalabas na naambush kami, alam kong sa sitwasyon namin dehado talaga kami, pero mas mabuti ng mamatay ng lumalaban kesa isang duwag, pinaulanan na nila kami ng bala, mabilis naman akong bumangon at gumanti ng putok, gayun din naman ang ginawa ng mga kasama ko, nakipagpalitan kami ng putok, at dahan dahan ko naman inalalayan ang iba pang sugatan, para madala sa ligtas na lugar habang nakikipag palitan ng putok ang iba, napabaling pa ako kay Ivy, at halos mawala ako sa sarili ng makita ko ang pagsabog, napabagsak naman ako, sa lakas ng impact nito, 'dito naba ako mamamatay?." agad na tanong ko sa sarili, habang pinagmamasdan ko ang kagrupo ko na isaisang bumabagsak, ang sakit sa dibdib na wala akong magawa para sa kanila, tama si Yuan, mahina ako, muli naman bumalik sa isipan ko si Yuan, 'gusto ko pa sana siyang makita kahit sa huling sandali lang." bulong ng isip ko, habang pinipilit kong tumayo, naramdaman ko naman ang isang tao na nakatayo sa harap ko, itinutok nito ang baril sa akin, handa na ko tanggapin ang katapusan ko, ngunit bigla kong nakita ang imahe ng masayang mukha ni Yuan sa isipan ko, bahagya na akong napaluha, 'Yuan." mahinang usal ko, nabigla na lamang ako ng may pumatak sa mukha ko, napadilat ako, at nabigla ako ng makita ko si Yuan, duguan ito, ngunit hindi ng kanyang dugo kundi ng mga kalaban, halos hindi ako makapaniwala, bumagsak naman habang umaagas ang dugo sa leeg ng lalaking babaril sana sa akin, parang hindi siya ang Yuan nakilala ko, ibang iba siya, madilim ang mga mata nito at walang emosyon, nanginig ako ng bumaling siya saakin, 'ayos ka lang ba." saad nito, halos hindi ako makapagsalita at pinagmamasdan ang mukha nito, wari tinitiyak kung si Yuan nga ba ang kaharap ko, nagulat na lamang ako ng buhatin niya ako, dinala niya ako sa tagong parte kasama sina Ivy at Luisa na kapwa rin sugatan, ngunit masaya na rin akong makitang buhay sila, sa di maipaliwanag na dahilan, parang may naguudyok sa akin na panuorin ang gagawin ni Yuan, kaya kahit hirap ay bahagya akong tumayo upang masilip ang sitwasyon, at nakita ko kung gaano kalupit si Yuan, harapan nitong pinapaputukan ang kalaban na wari hindi natatakot matamaan, at mabilis itong kumilos, maging si Ryan, masasabi kong dalubhasa ngang talaga sila, at lahat ng inaasinta nila ay puro vital point, halatang wala silang planong buhayin ang kalaban nila, walang magawa ang napakaraming kalaban sa 2 tao lamang, sa ilang minuto na itinagal nagsimula ng tumahimik ang paligid, mukhang inubos nila ang lahat ng kalaban, lumapit naman si Ryan at nagbigay ng first aid, ngunit wala si Yuan, di ko naman napigil na magtanong kay Ryan, 'nasaan si Yuan." tanong ko, napatuon naman ito sa akin, may tinapos lang, babalik din kaagad yun." nakangiting tugon nito, ng makalabas sa lugar isaisang dinala sa hospital ang kagrupo ko maging sina Xavier, nagkaroon din ng problema sa kanila, mukhang na timbrehan talaga kami ng kalaban, ilang sandali pa at dumating na si Yuan, siryoso itong nakatuon sa akin, hindi ko naman malaman kung bakit parang kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya, 'ayos lang ba siya." saad nito kay Ryan sa mababang tono, 'oo, okay lang siya, na sprained lang siya at konting sugat pero di naman malala." tugon ni Ryan, hindi na ito muling nag salita pa at tumalikod ng walang imik, gusto ko man siyang kausapin pero paano, 'mag panggap nalang kaya ako na walang nangyari." bulong ko sa sarili, 'ang awkward nun ateng." saad ng mahaderang isip ko, well nakakainis man aminin pero gusto ko talaga siyang pasalamatan at kausapin, ngunit sa huli mas pinili ko nalang manahimik hanggang umalis si Yuan, wala na akong nagawa kundi pagmasdan ang papaalis na pigura ni Yuan, 'alam mo bang bawal kaming mangialam sa operation niyo." biglang saad ni Ryan, kaya napabaling ako sa kanya, at tinitigan ito na puno ng pagtataka, ngunit ngumiti lang ito saka umalis, naiwan naman akong nahihiwagaan, 'kung bawal nilang gawin ito, bakit sila nandito." bulong ko sa sarili, 'ano pa ba, edi para iligtas ka." saad ng isip ko, ngunit di ko magawang paniwalaan ang bagay na iyon, ginawa nga ba iyon ni Yuan para sa akin, isang araw makalipas ng nangyari, nananatili parin ako sa infirmary dito sa kampo, lumalabas na si Yuan ang tumapos ng operation, siya ang humabol sa mga sindikato at matagumpay na nakuha ang microchip, nakakadismaya man pero nag mukha talaga kaming mahina sa ginawa nila, pero hindi din kapanipaniwala ang lakas at galing na taglay nila Yuan, ni wala silang itinira sa mga kalaban, ganito pala trumabaho ang grupo nila Yuan, naisip ko tuloy paano kapag kumpleto sila, ilang kalaban ang mauubos nila, isipin ko pa lang nakakakilabot na, kung tutuusin sa lakas nila, kayang kaya nilang durugin ang special force, kung hindi lang sa mga legal na dahilan hindi nila kakailanganin ang special force, nakakatakot ang grupo nila, malayo sa mala angel nilang mukha, 'Cap, tulala ka nanaman, iniisip mo ba kung bakit di ka dinadalaw ni Sir Yuan." biglang saad ni Luisa, sinamaan ko naman ito ng tingin, nag peace sign naman ito, 'ikaw naman kasi Cap, pinagsalitaan mo ng hindi maganda si Sir Yuan, tapos ngayon niligtas ka pa niya, kung di dahil sa kanya may bulak na sana tayo sa ilong." pangongonsensya naman ni Ivy, 'pwede ba hindi ko naman hiningi yun." singhal ko dito, kahit nakokonsensya na talaga ako sa sinabi nito, bigla naman bumukas ang pinto, at iniluwa si Yuan at kasama nito ang leader nilang si Laurence, napaayos naman ako ng upo, ngumiti naman si Laurence sa amin, abot abot naman ang kilig ni Luisa dito, halos himatayin pa, 'kahit di mo hingiin gagawin at gagawin ni Yuan para sayo." saad nito sa akin, natigilan naman ako at bahagyang pinamulahan, narinig pala nila ang sinabi ko, ngunit ng mapabaling ako kay Yuan, ni wala itong reaksyon, para bang sinasabi niyang wala siyang pakialam, nakaramdam tuloy ako ng pagkadismaya, 'ano ba kasi inaasahan mo Sierra, pinagsalitaan mo kaya siya ng masakit." pagkastigo ng isip ko, 'bakit ba parang ako ang masama, may kasalanan siya kaya ako nagalit." sagot ko naman sa sarili ko, 'hay, nababaliw na yata ako." usal ko, napayuko na lamang ako, si Laurence naman ang personal na nagcheck sa akin, may ipinahid siya sa sugat ko, para daw hindi mag peklat, ng makitang ayos lang ako, saka ito nagpaalam at umalis, ngunit nagtaka naman ako ng manatili si Yuan, ngunit nanatili itong tahimik, naging awkward tuloy ang pakiramdam ko, 'kaya mo naba tumayo o bubuhatin nalang kita papunta sa kwarto mo." sarkastikong saad nito, napataas naman ako ng kilay sa kanya, 'hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko." matapang kong saad, nag cross arms naman ito sa harap ko na inaantay ang pagtayo ko, dahan dahan naman akong tumayo, nginisihan ko pa siya ng matagumpay akong makatayo, habang pinapanood lamang niya ako, pero akala ko lang pala iyon, dahil isang hakbang ko pa lamang ay halos mapangiwi ako sa pagkirot ng paa ko, dahilan para matumba ako, nakita ko na lang ang sarili kong hawak ni Yuan, sa pagtama ng mga mata namin, naramdaman ko nanaman ang boltahe ng kuryente sa buong katawan ko, at napakabilis ng kabog ng puso ko, nakakainis mang aminin, pero napakalakas talaga ng epekto ni Yuan sa akin, 'bubuhatin na kita." walang emosyong saad nito, hindi naman ako nakapag salita, dahil narin sa pagkapahiya ko, kita ko naman ang malamang ngiti ng dalawa kong magagaling na kaibigan, nararamdaman ko naman ang paginit ng mukha ko ng buhatin ako ni Yuan, wala sa sariling isinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Yuan, naramdaman ko naman ang paghinto nito ng hakbang, 'wag mo halikan ang leeg ko, mag hunos dili ka." sarkastikong saad niya, napabaling naman ako sa kanya, 'hoy! hindi kita hinahalikan ahhh." singhal ko sa kanya, nagtaas naman ito ng kilay at wari pinipigilan matawa, mas lalo tuloy akong pinamulahan, 'pwede ba mag lakad ka nalang." inis kong saad sa kanya, mabuti naman at di na ito nagsalita pa at sumunod na lamang, pagdating na pagdating sa kwarto ko, para akong nabunutan ng tinik, akala ko hindi ako aabot ng kwarto ko ng matiwasay, paano ba naman halos iwan na ako ng puso ko sa sobrang bilos ng kabog, 'magpahinga kana." saad ni Yuan, at tinalikuran na ako, 'salamat." bigla ko na lang nasabi, pero parang gusto ko ng kainin ng lupa, feeling ko kinain ko ang pride ko, natigilan naman ito, naramdaman ko naman ang pag baling nito sa akin kahit di ako nakatingin, 'sinabi ko na sayo, umalis kana sa special force." biglang saad ni Yuan, sa sinabi nito, ay tuluyan naman akong napatuon sa kanya, 'pasensya na pero hindi Yuan." pinal kong tugon, nakita ko naman ang pagdilim ng mukha niya, 'hindi kaba talaga makikinig sa akin, sige nasasayo yan, kelan ka ba nakinig sa akin, wala nan talaga para sayo ang mga sinasabi ko, oo nga pala, nakalimutan ko, masamang tao nga pala ako sa paningin mo." sarkastikong saad nito, hindi ko naman maiwasang masaktan sa sinabi nito, ngunit mas pinili kong manahimik, 'akala ko nagbago kana Sierra, but until now you're so childish." galit na saad nito, halos mapaawang ang labi ko sa sinabi nito, hindi ako makapaniwala, sinasabi ba niyang childish ako kaya iniwan niya ako noon, at naghirap ako dahil childish ako, napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilin ang nagbabadyang mga luha, 'childish." usal ko, hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko, tumuon naman ito sa akin na may patalim sa mga mata, 'yes, you're so childish." diretsong saad niya, hindi ko naman napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko, 'I saw you making out with jana that night Yuan." sigaw ko sa kanya, at di ko na napigil ang mapaiyak, nagsalubong naman ang mga kilay nito na may pagtataka, 'what the hell are you talking about." nagtatakang saad nito, mapakla naman akong ngumisi, 'ngayon itatangi mo pa, kung sa bagay kelan ba umamin ang kriminal sa krimen." sarkastiko kong usal, 'then, now tell me Yuan, am I just childish." diretsong saad ko, marahas naman itong napabuga ng hangin na nagpipigil sa sarili, 'I don't know what are you sayin, pero kahit sabihin kong wala akong ginagawang ganung bagay, hindi ka parin naman maniniwala diba." saad nito habang nakatuon sa aking mga mata, hindi naman ako nakaimik, 'wag kanang magpasalamat, dahil maniningil nalang ako Sierra." dagdag pa nito, saka tuluyang umalis, naiwan naman akong walang nasabi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD