2

2378 Words
'napaka gwapo nya!." impit pang napatili si Sierra habang sinusundan ng tingin si Yuan na papasok ng eskwela. hindi nya alam kung papaano, at kung kelan siya nag umpisa, na magkaroon ng pagtingin para sa kinilalang kapatid, ngunit alam nyang hindi nya ito kapatid. kapag weekend naman ay nasa bahay lamang ito, kaya nag pupunta ito sa kwarto ni Yuan, naabutan niya itong nagbabasa, at dahil iritable sa kanya si Yuan, kaya ang ginagawa na lamang nya ay mas lalo itong aasarin para lang mapansin nito, ngunit kahit minsan ay hindi nito tinapunan manlang ng tingin si Sierra, pero talagang diterminado si Sierra na mapukaw ang pansin ni Yuan. dumating pa ang pagkakataon ng umuwi si Yuan na may mga galos at duguan ang mukha, pinagalitan ito ng ama dahil napaaway ito sa eskwela, gumawa sya ng paraan na malaman kung sino ang bumugbog kay Yuan, at sinugod nya ito at matapang na hinamon ng away. hanggang tumuntong na si Sierra sa high school, at si Yuan naman ay nasa senior year nya. kaya masayang masaya si Sierra na makakasama na si Yuan sa isang eskwelahan. kuya!! sigaw ni Sierra habang kumakaway pa kay Yuan, at mabilis na yumakap sa braso nito, 'pwede ba Sierra! wag mo ngang gawin yan, as if were close together." iritang saad ni Yuan dito. 'who is she Yuan?." ani ng isang magandang babae, ng mapagsino ito ni Sierra. ay nagulat ito. si malia kilalang kilala ito sa school na pinapasukan nila. dahil sa ganda nito, maraming lalaki ang nanunuyo sa kanya. 'she's just no body, come on babe!, baka gutom kana?." ani Yuan. sa unang pagkakataon ay nawasak ang batang puso ni Sierra. kaya nag kulong ito sa loob ng kwarto niya, bagay na ikinabahala ng mga magulang niya, dahil kilala nila itong masiyahin, kinatok na siya ng inang si Ayesha, at pinag buksan naman siya nito, ngunit hindi makatingin ng diretso sa ina. 'Sierra, anak may problema kaba?." anito umiling naman si Sierra na pinipilit na itago ang nadaramang sakit. 'Sierra, anak kilala kita, alam kong may problema ka." diretsong saad nito. hindi na napigilan ni Sierra ang mga luha nyang lumabas. 'mom! I'm sorry, anong gagawin ko, I had feelings for Yuan." diretsong saad nito. nabigla naman si Yesha, pero noon pa man ay naramdaman na nito na may pagtingin ito sa anak. 'its ok, Sierra, its a part of being a young girl." mahinahong anito 'no! mom, I really love him, I really do." umiiyak nitong saad. 'kung ganon anong problema?." pagtatanong ng ina 'mom, may girlfriend na siya, at wala akong kalaban laban sa ganda niya, at isa pa gusto siya ni Yuan." umiiyak na anito. 'so what?." ani Yesha. napakunot naman ng noo si Sierra. ngumiti naman si Yesha at hinawakan ang mga kamay nito, 'its not too late. mga bata pa kayo." saad nito, 'prove yourself to him, Sierra!." dagdag pa nito. para naman nagliwanag ang lahat kay Sierra, tumango naman si Sierra bilang tugon dito. 'mom is right, papatunayan ko kay Yuan na ako ang dapat nyang piliin." bulong nito sa sarili sinunod nga nito ang payo ng ina, kaya nag ayos si Sierra, sa tulong din ni Yesha, tinuruan siya nito mag ayos ng pananamit at pangangalaga sa balat, gaya ng pagamit ng mga skincare, at pagmemake up, halos hindi na siya makilala ni Yuan, dahil kung dati ay baduy itong manamit, ay natuto na itong mag ayos, at kuminang ang ganda nito, marami ang naging admirer nito sa skul pinapasukan, natural naman kasing maganda si Sierra. ngunit dinededma parin siya ni Yuan, Kahit sa kabila ng transformation na ginawa niya, kaya sobra siyang nadidismaya, kung minsan ay pumupunta pa sa bahay nila ang mga kaklase ni Yuan para tumambay, ngunit ang totoo, pakay lamang nila makasama si Sierra. ngunit iniirapan lamang sila ng dalaga, hanggang sa napagalaman ni Sierra na gusto ni Yuan na magaral abroad, sobra nya iyong dinamdam, ayaw niyang mapalayo dito, ang isipin ang pagalis nito ay sobrang nahihirapan si Sierra, simula noon ay iniwasan nya si Yuan. dahil nasasaktan lamang siya sa tuwing makikita ito, at maisip na iiwanan siya nito upang magaral sa ibang bansa, 'wala ba siya talagang pakialam, hindi ba talaga nya ako napapansin nakakainis!." usal ni Sierra habang naglalakad siya papuntang Canteen, hindi inaasahang nakasalubong nya si Yuan, ngunit di manlang niya ito tinapunan ng tingin, nakaramdam naman ng paninibago si Yuan kaya napalingon siya dito, kung dati palagi itong nagpapapansin sa kanya at nagpapacute sa tuwing nakakasalubong siya, this time ay dinaanan lang siya nito. di naman nito napansin na sinusundan na niya ng tingin si Sierra, at nakita niya na may lalaking sumalubong kay Sierra at sinamahan pa ito ni Sierra na kumain, nagsalubong naman ang kilay si Yuan. dahil sa nakita, pauwi na si Sierra dahil tapos na ang klase nya, ngunit bahagya siyang natigilan ng makita nito si Yuan. magdidiretso na sana sya ng lakad ng hawakan ni Yuan ang braso nya, na sobrang ikinagulat din ng dalaga. 'bakit?." maang na tanong ni Sierra. 'tsk, sabi ni mom isabay daw kita pauwi." iritang saad ni Yuan bigla naman may tumawag kay Sierra dahilan para maagaw nito ang pansin ng dalaga at maging ni Yuan. ngumiti naman si Sierra na makaisip ng paraan upang makalayo kay Yuan, 'naalala ko may pupuntahan nga pala kami ni James, paki sabi nalang kina mom." pagsisinungaling ni Sierra. napakunot na lamang ng noo si Yuan na parang hindi makapaniwala sa ginawa nito. sabay hatak kay James, na papalapit pa lamang, ngunit iniwasan lamang nitong makausap nito si Yuan, dahil wala naman talaga silang usapan, naisip lamang nya iyon dahil ayaw nyang makasama si Yuan. nang makauwi ay dirediretsong pumasok si Sierra sa kwarto nya, pero ang di nya inaasahan na nandoon si Yuan, na wari ba inaantay siya nito, prente itong nakaupo sa harap ng study table niya, 'bakit nandito ka?." pagtatanong nya. 'inaantay ka obvious ba?." walang emosyong anito. 'sino ang lalaking iyon?." inis na saad nito. 'si James, kilala siya sa school and were close." maarteng saad nya. napangisi naman si Yuan sa kanya. napaatras naman si Sierra ng mag umpisang lumapit sa kanya si Yuan. 'alam mo bang ang tagal kong nag antay sayo kanina, tapos iiwanan mo lang ako ng ganun ganun lang." inis na saad nito habang patuloy ang paglapit kay Sierra. napapaatras naman si Sierra sa bawat hakbang ni Yuan, hanggang sa na corner na siya nito, at napaangat ng tingin si Sierra, nag tama ang mga tingin nila ni Yuan. mas lalo nitong napagmasdan ang gwapo nitong mukha, yung tipong parang hindi gagawa ng masama, magaganda ang almond shape nitong mata, at maliit ngunit matangos na ilong at mapulang labi na lalong nagliliwanag dahil sa taglay na kaputian nito, at sadyang makinis ang binata bagay na gustong gusto ni Sierra dito. nakita naman nitong napatingin si Yuan sa labi nya at napalunok ito. ngunit agad na nagbawi ng tingin si Yuan, 'sa susunod mag sabi ka kaagad kina mom kapag may iba kang lakad, para hindi ako naaabala." inis na saad nito. hindi naman umimik si Sierra. agad naman lumabas si Yuan sa kwarto ng dalaga, at dumiretso sa bathroom, para mag babad sa shower, nakaramdam sya ng pagiinit sa paglalapit nila ni Sierra. naalala tuloy ni Yuan ang sinabi ng isa sa mga kaklase nya, nang minsan silang nag punta sa bahay nila Yuan. 'Yuan, yung sister mo dalaga na." saad nito habang nakatanaw kay Sierra mula sa veranda ng kwarto nya, napatingin naman si Yuan kay Sierra na nag didilig ng bulaklak sa garden. 'diba hindi naman kayo talaga mag kapatid? yung totoo? hindi mo ba naiisip na maganda sya?."dagdag pa nito.. napangisi naman si Yuan. 'pwede ba!." usal nito. napatawa naman ang kaklase sa sagot ni Yuan. ngunit pasikreto naman itong pinagmasdan ni Yuan. sa hindi malamang dahilan ay nahumaling sya sa gandang taglay ni Sierra. dahil bata pa ito, ngunit lutang ang ganda nito, dalagang dalaga na ang katawan, at sadyang balingkinitan ito. hindi malaman ni Yuan kung bakit parang gusto nya itong lapitan para amuyin, gusto niyang malaman kung gaano nga ba kabango si Sierra, simula noon ay naisip nyang hindi na nga bata si Sierra. maaga naman gumising si Sierra para makapag agahan bago pumasok. 'goodmorning mom." masayang bati ni Sierra, na agad naman natigilan ng makita si Yuan, bahagya pang napakunot ang noo nya rito, dahil hindi naman ito sumasabay sa kanila na mag agahan, ngunit nag kibit balikat na lamang siya rito, 'mom si dad." usal nya 'maaga si dad sa office ngayon." anito, napa 'ahh." naman si Sierra. nailang siyang bigla ng mahuling nakatitig sa kanya si Yuan, binale wala na lamang nya ito, dahil ayaw na niyang umasa na mapapansin siya nito, 'mom!, I have a date mamaya." saad ni Sierra. nag salubong naman ang kilay ni Yuan sa narinig, 'naku ganun ba." magluluto pa naman sana ako ng favorite mo mamaya, pero sige, next time nalang ako mag luluto." anito. sabay halik sa noo nito napabaling naman sila kay Yuan ng ibagsak nito ang hawak na baso sa lamesa. may talim ang titig nito kay Sierra, ngunit walang imik na umalis. pagkatapos ng klase, agad na nagpunta si Sierra sa lugar kung saan sila magkikita ni James, ngunit natihilan ito na makitang kausap nito si Yuan, at nakita na lamang niyang papaalis si James, tangka siyang susundan ni Sierra ng pigilan ito ni Yuan. 'bitawan mo ako." saad ni Sierra dito, 'hindi na daw sya tutuloy sa date ninyo." diretsong saad ni Yuan, napaawang naman ang labi ni Sierra, 'ano ba sinabi mo sa kanya at umalis siya ng hindi ako kinakausap." pagtatanong ni Sierra, 'nothing." kaswal na sagot ni Yuan, sa sobrang pagkainis, ay dirediretsong naglakad paalis, si Sierra, ngunit nabigla siya ng hatakin siya ni Yuan papasok ng kotse nito, halos mapasigaw siya sa pagkabigla sa ginawa nito, 'ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?." galit na saad ni Sierra. 'bakit, may ginawa ba ako." pagkakaila ni Yuan. sa sobrang inis ni Sierra ay padabog nyang isinara ang pinto ng kotse. nang makauwi sa bahay, walang imik na dumiretso sa kwarto si Sierra, ni hindi na nito napansin na wala doon ang mga magulang nila. wala siyang kamalay malay na sinudan siya ni Yuan, pinigil nito ang pagsara ng pinto at agad na pumasok, 'bakit ba!? pwede ba tantanan mo na ako ano bang problema mo? diba hindi mo naman ako kilala, katulad ng dati umasta ka ng ganun! yung parang hindi mo ako nakikita or nakikilala." galit na saad ni Sierra.. marahas naman na napabuga ng hangin si Yuan, 'ganun mo ba ka gusto ang lalaking iyon?." nakangising saad ni Yuan, diretsong tinignan ni Sierra si Yuan dahil sa inis nito. 'oo, gustong gusto ko siya! masaya kana?!." bulyaw ni Sierra. ngunit dahil lamang sa galit kaya nya ito nasabi, dahil ang talagang nais nya ay si Yuan, bagay na hindi nya masabi sa binata. napangisi naman si Yuan. 'talaga gusto mo siya? kung hindi ko pa alam, noon ka pa patay na patay sa akin. hindi ba?." preskong saad nito. kinabahan naman si Sierra, lalo na at ang lapit na nito sa kanya, parang sinisilip pa nito, ang magiging reaksyon nya. 'hi-hindi noh!." utal na pagtanggi nito. 'talaga sigurado ka?." saad ni Yuan, na mas nilapit pa ang mukha. 'hindi nga ee." pag tanggi nya na pilit itinatago ang kabang nadarama, dala ng presensya ni Yuan sa kanya, halos mapatalon ang puso nya ng buhatin sya ni nito, at pinaupo sa table. diretso itong nakatuon sa kanya. 'so gusto mo talaga ang bugok na iyon." saad ni Yuan. napataas naman ang kilay ni Sierra sa pagtawag nito ng bugok dito. 'wag mo siyang tawaging bu-." hindi na nakapagsalita si Sierra ng walang pasabing, hinalikan siya ni Yuan. hindi siya makapaniwala at natuod siya sa ginawa nito, bahagya naman umagwat si Yuan, upang titigan ito, at nasatisfy ito ng makita ang reaksyon ni Sierra, dahan dahan pa nitong inilapit ang mukha sa bangdang tenga ni Sierra, at bumulong dito, 'open your mouth for me." paos na bulong nito, para namang nahihipnotismong sumunod si Sierra, sa sinabi ni Yuan, at muling sinakop ang labi nya, it was her first kiss. kaya di malaman ni Sierra ang gagawin. bahagya niyang ibinuka ang labi nya kaya malayang naipasok ni Yuan ang dila sa bibig ni Sierra. unti unti naman nakasabay si Sierra sa halik ni Yuan ng gayahin nito ang paggalaw ni Yuan. bahagya naman tumuon si Yuan sa dalaga at ngumisi. 'you're a fast learner." nakangising saad nito, na ikinapula ni Sierra. at nag patuloy sa pagangkin ng malambot na labi ng dalaga. humiwalay naman si Yuan at muling tumuon kay Sierra. 'Simula ngayon Sierra, you are not allowed to date anyone." diretsong saad ni Yuan. nakatuon naman sa kanya si Sierra na naguguluhan sa sinasabi ng binata. 'ano ba ito? is he courting me?." saad niya sa isip nya. ngumiti naman si Yuan na nagpatingkad sa s*x appeal nito, kaya parang nahihipnotismo si Sierra na titigan ito, dinampian muli ni Yuan ng halik ang labi ni Sierra. bago tuluyang umalis. napahawak naman sa dibdib si Sierra. dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. napangiti naman sya ng maalala ang halik na binigay sa kanya ni Yuan. yun ang una nyang halik, kaya napakasaya nya na si Yuan ang kumuha nito sa kanya. 'my god!," usal ng dalaga, nagpagulong gulong ito sa kama. habang impit na nagtititili..dahil sa sobrang kilig. isang katok naman ang narinig ni Sierra kaya agad siyang napabangon. inuluwa naman noon si manang Rosalie. 'hija, dumating na ang mommy nyo, at pinapatawag kayo para mag hapunan." saad nito. 'sige po manang." saad nya saka nagmamadaling nag ayos para bumaba. agad naman tumungo si Sierra sa hapag, pero napansin nya ang isang matangkad na binata na nasa tapat lamang nya. 'Sierra, I want you to meet. Rico Sandoval. he is the only child of Sandoval group of companies." ani Yesha sa anak. ngumiti naman na bumati si Sierra. bagay na hindi nagustuhan ni Yuan. 'so what?." ani Yuan kaya napatuon sa kanya ang inang si Yesha. 'ano naman ang ginagawa ng heirest ng mga Sandoval dito? wala ka bang mapagkaabalahan." sarkastikong saad ni Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD