18

1464 Words
nakakailang baso na si Sierra kaya medyo nakaramdam na rin siya ng pagka tipsy, 'Luisa mag rerest room lang ako." paalam ni Sierra kay Luisa, tumango naman ito bilang tugon, naglakad naman papuntang restroom si Sierra, ilang minuto ang itinagal niya duon bago nag disisyong lumabas, pinalipas muna niya ang kalasingan niya dito, nakarinig naman siya ng boses na nagmumula sa maliit na bintana ng restroom, nakaramdam siya ng kuryosidad na silipin ito, kaya dahan dahan siya sumilip sa maliit na bintana ng restroom at nakita niya si Jana at Yuan na naghahalikan, parang huminto ang mundo ni Sierra, at sa di maipaliwanag na dahilan ay nahihirapan siyang iproseso ang nakita, nakatalikod ang lalaki, pero nasisiguro niyang si Yuan iyon base sa suot nito at pangangatawan, isa isa naman tumulo ang luha ni Sierra, hindi na niya kinaya na makita at marinig ang paghalinhing ni Jana, parang may kutsilyong nakatarak sa puso niya, walang imik na umalis ang dalaga, at nagtatakbo papalayo sa lugar, wala na siyang pakialam kahit saan pa siya mapunta, gusto lang niya lumayo sa lugar na iyon, 'Yuan, you're such a jerk, bakit kailangan mo pang bumalik at paniwalain ako, sabi mo pa maghihintay ka sa akin, maghihintay your face." sigaw ng isip ni Sierra habang patuloy sa pagluha, hindi niya malaman kung sa paanong paraan niya ilalabas ang sakit at galit na nadarama niya, pakiramdam niya pinaglaruan nanaman siya ni Yuan, ........... samantalang nagkakasiyahan ang lahat ng may biglang malakas na pag sabog na naganap sa isang warehouse sa loob ng kampo, agad naman naging alerto ang lahat, maging ang grupo nila Yuan, agad naman hinanap ni Yuan si Sierra, ng hindi niya ito matagpuan ng kanyang mga mata, ay nakaramdam ito ng matinding pangamba, nakita naman niya si Luisa at Ivy, agad niya naman itong nilapitan, 'nakita niyo ba si Sierra." alalang tanong ni Yuan, 'hinahanap din namin, kanina sabi niya mag rerest room lang siya, pero hindi pa namin siya nakikita." tugon nito, mas lalo naman nakaramdam ng matinding kaba si Yuan, buong pagmamadali siyang naghanap kay Sierra, halos nalibot na niya ang buong kampo sa paghahanap dito, halos maluha na siya sa sobrang pagaalala niya dito, kahit minsan di niya naramdaman ang ganitong pag aalala, nagdisisyon na siyang bumalik upang icheck ang mga CCTV, agad naman niyang nakita sila Luisa at sina Liam at Laurence kasama ng iba pa, na kagaya niya ay hinahanap si Sierra, 'nakita mo na ba siya." pagtatanong ni Laurence, umiling naman si Yuan, saka akmang aalis ng may ituro si Luisa, sabay sabay naman silang napabaling dito, at halos patakbong sinalubong ni Yuan si Sierra, at niyakap ng ubod ng higpit, gumaan ng sobra ang nararamdaman niya ng makitang maayos lamang ang dalaga, 'saan kaba nagpunta Cap." saad ni Luisa, bahagya naman bumitaw si Sierra sa pagkakayakap ni Yuan, 'bakit may problema ba?." walang ganang tanong nito, habang si Yuan ay nanatiling tahimik na wari kinakalma ang sarili, habang hawak padin ang kamay nito, 'may sumabog na warehouse, sobrang nagalala si Yuan ng wala ka, kaya hinanap ka namin." saad ni Shaun, napabaling naman si Sierra kay Yuan, wari itong pagod na pagod, kahit nakaramdam ng awa si Sierra para dito, pero mas lamang ang galit na nadarama, 'pwede bang bitawan mo ko." walang emosyong na saad ni Sierra, diretso naman na napatuon sa kanya si Yuan, na nababaghan sa inaakto nito, ng hindi kumilos si Yuan ay iwinaksi na niya ang mga kamay nito mula sa pagkakahawak niya, lahat naman ay nagulat sa ipinakita ni Sierra, 'may problema ba Sierra." pagtatanong ni Yuan, 'wala naman, siguro, mas mabuti pa, magpakatotoo ka nalang, itigil mo na ang pagpapanggap mo, kung bumalik ka para saktan akong muli pwes, nagkakamali ka, hindi na ako maniniwala pa sa sasabihin mo." walang kagatol gatol na saad ni Sierra, napatawa naman ng mapakla si Yuan sa sinabi ng dalaga, 'anong sinasabi mo, may problema ba tayo Sierra." takang saad ni Yuan, si Sierra naman ang napangisi, 'pwede ba, wag kana mag maang maangan na akala mo inosente ka, kahit kelan dyan ka naman magaling, mag kunwari, you're a great liar Yuan, hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon magpapauto parin ako sayo." puno ng galit na saad ng dalaga, hindi naman nakaimik ang lahat sa sinabi ni Sierra, hindi naman nakaimik si Yuan na hindi maunawaan ang pinggagalingan ng galit ng dalaga, 'Yuan, maiwan na muna namin kayo." pagpapaalam ni Laurence, 'hindi na, aalis na din ako." biglang saad ni Sierra dahilan para matigilan si Laurence, akmang paalis si Sierra ng mahigpit siyang hinawakan ni Yuan, napabaling naman si Sierra dito, kitang kita niya ang matinding sakit sa mga mata ni Yuan, 'ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin, mapagkunwari, sinungaling, ano paba Sierra." galit na saad ni Yuan na pilit pinipigilan ang galit na nadarama dahil sa sinabi ng dalaga, diretso naman na nakatuon lamang si Sierra dito at nanatiling walang imik, 'hindi mo ba kayang paniwalaang mahal kita Sierra, mahirap ba talaga." may pagsusumamong saad ni Yuan, pinatatag naman ni Sierra ang sarili, ayaw niyang makita ni Yuan ang pagluha niya, 'hindi, hinding hindi na ako maniniwala pa sayo Yuan." saad ni Sierra, saka hinawi ang kamay ni Yuan at dirediretsong umalis, hindi naman nakaimik ang lahat, na pinapanood lamang ang diskusyon nila, nagpatuloy naman sa paginom si Yuan, ni hindi ito umiimik, kahit si Laurence ay hindi nito kinakausap, tahimik naman na nakatanaw lamang sa kanya ang mga kaibigan, 'bro, anong gagawin natin." alalang tanong ni Liam kay Laurence, 'wala din akong ideya." saad ni Laurence, napailing nalamang sila sa sitwasyon ni Yuan, kinabukasan, pagkatapos ng morning exercise, bawat grupo sa special force ay naatasan na icheck ang lahat ng warehouse, dahil sa nangyaring pagsabog naalarma ang lahat, kahit na lumalabas sa imbestigasyon na isang dipektibong grenade ang sumabog, mabuti at hindi nadamay ang iba pang bomba na kasama nito, nagaayos naman ng mga armas si Sierra ng lumapit si Ivy at Luisa, 'cap." pagagaw nito ng attensyon niya, 'bakit." walang ganang sagot ni Sierra, 'ayos ka lang ba." tanong ni Luisa, 'oo, ayos na ayos." diretsong sagot niya, 'sigurado ka." dagdag pa ni Ivy, 'ano ba, bumalik na kayo sa trabaho niyo." pagiwas ni Sierra sa pangungulit ng mga ito, 'sige, sabi mo e." usal ni Luisa na hindi kumbinsido sa sagot nito, nakaramdam na ng gutom si Sierra kaya naisipan na niya magpunta sa canteen, di na niya napansin ang oras dahil sa paulit ulit na pumapasok sa isip niya si Yuan, di rin naman na siya inistorbo pa ni Luisa at Ivy, dahil sa pagtataboy niya sa mga ito, hindi naman niya sinasadya na itaboy ang mga ito, ngunit sadyang gusto niyang mapag isa, pakiramdam niya napakasakit ng puso niya, at wari ba may malaking bato na nakabara sa lalamunan niya sa tuwing maalala ang nakita niya, gusto man niya yakapin si Yuan ng salubungin siya nito, ngunit puno siya ng galit, kaya nagawa niya itong pagsalitaan ng masasakit, pagkatapos mag lunch nagsimula na muli sila sa training nila, ngunit tanging si Ryan lamang ang nag train sa kanila, nagtataka man ay sinawalang bahala na lamang ni Sierra, dahil ayaw na niyang maisip si Yuan o magkaroon man ng koneksyon dito, hanggang sa matapos ang oras ng ensayo nila ay walang Yuan na nagpakita kay Sierra, hindi naman mapigilan ni Sierra ang masaktan sa tuwing naiisip si Yuan, ngunit kahit anong iwas niya ay hinahanap hanap ng buong sistema niya si Yuan, papaalis na siya sa ng lapitan siya ni Ryan, 'si Yuan ba ang hinahanap mo." biglang saad nito, sinamaan naman ito ni Sierra ng tingin, at walang imik na tinalikuran ito, 'umuwi na siya, wala na daw dahilan para mag stay siya." pahabol na saad ni Ryan kahit itoy kasinungalingan, nais lamang niyang makita ang magiging reaksyon ni Sierra, natigilan naman si Sierra sa narinig, parang may punyal na tumarak sa puso niya sa sinabi ni Ryan, ngunit pilit niyang tinitiis ang sakit, 'tama lang iyon Sierra." saad ng isip niya, ngunit iba naman ang nararamdaman niya, dahil di niya mapigilan ang kirot sa puso niya, pagdating sa dorm, agad na isinubsob ni Sierra ang mukha sa kama, pilit na itinatago ang pagluha, 'tama na Sierra, hindi ka niya mahal, isang kasinungalingan lang ang lahat." sigaw ni Sierra sa sarili, na wari ba isa lamang malaking illusyon si Yuan na dapat ng kalimutan, agad naman siyang napa balikwas ng malakas ng tumunog ang phone at makitang ang commander ang tumatawag, agad niyang pinindot ang answer button, at itinapat ang phone sa tenga, 'captain Sierra, we have a emergency meeting, come here at the meeting room right now." maawtoridad nitong saad, 'copy sir." agad na tugon ni Sierra, at nagmamadaling inayos ang sarili bago tuluyang tumungo sa meeting room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD