Tuwang tuwa naman ako sa balita ni Mira sa akin. Kahapon lang sabi niya iinterviewhin ako pero heto ako ngayon---unang araw ko sa aking trabaho. Hindi na daw nila ako kailangang interviewhin pa dahil rekomendado ako ng aking magaling na kakambal. Siyempre, sobrang happy ako kasi magkakatrabaho na ako sa wakas. Gagawin ko talaga lahat para maging maayos ang trabaho ko. Hinding hindi ko bibiguin ang kakambal ko. "Hi, Dad, good morning!" Masiglang bati ko pagkasagot ni Dad ng aking tawag. Hindi ko na siya naalala kagabi dahil sa sobrang excitement ko. Ngayon lang, kaya tinawagan ko siya. "Ang saya ata ng anak ko ngayon? Good morning, Arabella!" Nahawaan na ng kasiglahan ko si Dad. "I'm happy talaga, Dad. Guess what---" putol ko. "It's my first day!" "First day of what, Ara? Sobrang saya

