As usual, ako na naman ang sasalo sa date ni Mira. Hindi ko siya napilit. Talagang ayaw talaga niyang siputin. At dahil mabait akong kambal niya at ayokong madagdagan ang parusa niya kay Dad lalo na't favor ito muka sa kanya. Nafrufrustrate na talaga ako sa nangyayari. Sa akin ang bagsak lahat, pero ayos lang. Kaya ko pa naman. Pero kailangan kong ihanda si Mira kung sakali dahil hindi sa lahat ng panahon ay kaya ko siyang saluhin. "Dinner date again." Nabobored na saad ko sa aking sarili at nagtaxi na lamang. Tinatamad akong magdrive. Pagpasok ko sa taxi ay sinabi ko lang kung saan ako tutungo. Napapabuntong hininga na lang talaga ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nakakafrustrate pala ang ganito. Ayaw mo pero wala kang choice. Pagdating ko sa restaurant---medyo nanibago ako

