Andito ako ngayon sa kuwarto ni Mira and we are arguing right now. Nakalimutan ko kasing banggitin sa kanya ang tungkol sa lakad namin ngayong gabi. Ang napag usapan lang namin kanina ay ang plano.
My fault, anyway. Pero kahit na, dapat samahan niya ako kahit hindi siya sang ayon.
"Layasan mo ako dito, Ara. I told you that I don't want it. Nangungulit ka na naman." Bulalas niya at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Ayaw talagang paistorbo. Pero siyempre, makulit ako. Wala siyang choice.
"Ano ka ba, Mira? Umaggree ka na sa plano and yet nagpapabebe ka pa dito? Naku naman, naghihintay na ang tatlo." Kumakamot ng ulong saad ko at hinihila mula sa paanan ang kumot niya.
"Bakit agad agad? Hindi ba pwedeng rest muna tapos next time na lang? Kailangan talaga kasasabi mo lang and the gogora na agad?" Palusot pa nito at muling hinila pataas ang kumot.
"Hacer is expecting us tonight at umacting na siya sa harapan nina Dad kanina. Anong gusto mo? Mabulilyaso ang plano na pinaghirapan ni Hacer? Jusko naman, Mira! Magbabar lang tayo tapos konting inom inom. Magtatagal lang tayo doon hindi tayo titira doon, okay? Umayos ka na diyan, Mira. Mag ayos ka na," pakiusap kong muli. Sa kanya lang talaga ako nagkakaroon ng kahabhg pasensiya.
"Ara naman, eh!" Maktol nito at nagpapapadyak sa kama. Such a childish twin. Inis na yarn pero wala siyang magawa kaya nagpapapadyak na.
"Umayos ka na diyan. Walang patutunguhan ang pagpapabebe mo. Sige ka, baka magbago isip ko at hindi ko na sasaluhin ang mga date mo. Giveand take lang, Mira. Ano ikaw nalang makikioagdate at kami na lang magbabar?" Pananakot ko dito at akmang lalarga na ng magsalita ito.
"Kainis ka, Ara! Heto na babangon na, oh." Ani niya at tila ba hirap na hirap bumangon. Nakabusangot nag kanyang mukha.
"Napipilitan ka lang ata?" Tanong ko habang pinipilit na huwag mangiti. Hindi na kasi talaga maipinta ang kanyang pagmumukha.
"Oo, napipilitan lang talaga ako. As if naman na gusto ko. Tse!" Nakairap na sabi niya at tumayo na sa kama. Hindi man lang talaga tumanggi. Hanep 'tong kambal ko na ito.
Tuluyan na akong napangiti sa tinuturan niya. Kailangan lang pala ng konti pananakot para pumayag. I'll do that more often.
"Siya, mag ayos ka na. Hindi na kita iistorbohin baka magbago pa isip mo." Nakangiting paalam ko at tuluyan ng lumabas ng kuwarto niya. Naririnig ko pa ang pagbubunganga niya habang kumikilos. Napapailing nalang talaga ako.
Pagpasok ko ng kuwarto ay nag ayos na ako ng aking sarili. Pinuntahan ko lang si Mira sa kuwarto niya para kulitin at sabihin dito ang lakad namin. I know kasi na mahaba habang kumbinsihan ang magaganap. I know Mira too much. Kapag nalaman niya, mas gugustuhin niyang humilata at matulog na lang.
Napapailing nalang akong nag ayos at tinext ang tatlo that I'll pick them up on Rivervalle Place para minsanan nalang.
Nang matapos kami ay nakabusangot pa din ang mukha ni Mira habang lulan ng sasakyan. Hindi ko talaga alam kung saan kami pinaglihi at ganito nalang ang ugali naming dalawa. Sinundo na namin ang tatlo sa usapang lugar.
Almost nine na kami nakarating sa bar na pag aari ni Hacer. Nakakapagod, hindi dahil sa pagmamaneho kung hindi sa bunganga ni Mira. On the way here---bunganga nalang ni Mira ang naririnig naming apat. Naririndi na ang tenga namin pero wala siyang paki. Nagrereklamo na nga ang tatlo sa kakangawa niya. Wala kasing lumalabas sa bibig ni Mira kung hindi puro pagtutol. Ayoko ng ganito, iuwi niyo na lang ako. Kayo may kagustuhan nito and so on and so fort. Hay naku! Kaloka talaga itong kambal kong ito. Nakakapraning.
"Mira, will you stop on talking and talking and talking? Parang basag na ata ang eardrums ko." Hindi nakatiis na reklamo ni Eda kay Mira na nakabusangot.
"True! Me either, my eardrums are broken because of your kakangawa. Are you not tired? All the way here puro ka nalang reklamo. It's kinda tiring." Segunda ni Marga at tinakpan pa ang kanyang tenga para ipakita na talagang nasasaktan na ang kanyang tenga.
"Ang aarte niyo namang dalawa. Buti pa si Selene hindi nagrereklamo. Hmmp!" Inirapan niya ang dalawa saka tumingin kay Selene at kuntodo ngiti. Hindi lang makaalma si Selene kasi nilalakihan niya ito ng mata. Always the Selene, silent type pero talkative naman kapag tinopak.
"If I know, Selene won't do that. Takot niya na lang sa big eyes mo. It's so nakakatakot kaya." Natatawang saad ni Eda at humalukipkip pa.
"Makabig eyes ka naman, tsk!" Umirap na naman ang loka. Sayang ang ganda ng kambal ko sa kakairap at simangot niya. Jusko! Paano makakahanap ng jowa ito kung sakali? World war three ang hilatsa ng pagmumukha.
"Enough na, let's just find a table for us." Sambit ko at lumingon lingon sa paligid. Nine palang pero bakit ang dami na atang tao? Punuan na. Ganito ba talaga kapag bar?
"Wala bang sinabi si Hacer kung saan tayo uupo?" Halos isigaw na ni Mira iyon ng biglang pumailanlang ang malakas na tugtog sa buong paligid.
"Nope, may sinabi siya pero I forgot. Ayoko namang puntahan pa siya sa office niya. Marami naman sigurong bakante dito." Malakas ding saad ko at naghahanap na ang aking mga mata.
"There!" Sigaw ni Eda sabay turo sa isang mesa malapit sa harap ng dancefloor.
"Ayoko doon." Ayan na naman po ang aking kambal sa reklamo niya. "Masyadong crowded tapos nasa pinakacenter pa. That's a big no."
Hinarap namin siyang apat at tinaasan ng kilay.
"The crowded, the better. Mas okay nga doon kasi kapag sasayaw na tayo---hindi na tayo mapapagod pang pumunta ng dancefloor." Nakangising sambit ni Marga at sumayaw sayaw pa sa tabi ko. Ngumiti lang ako. I expected them this hyper since mahikig silang dalawa sa ganito.
"Uupo lang ako at manonood." Saad na naman ni Mira na inilingan naming lahat.
"Walang uupo lang, noh. We will enjoy the night. Celebration ng pagkakaroon mo ng trabaho. So, walang pabebe at killjoy! Let's get it on!" Masayang sigaw muli ni Marga at itinaas pa talaga ang kanyang kamay sa ere.
"Let's get it on!" Sabay naming sagot kay Marga except for Mira na busangot talaga ang mukha.
Hinila ko na si Mira ng nagpatiuna na ang tatlo. Tahimik lang talaga si Selene at hindi palasalita. Pero, hindi iyan killjoy at game na game sa lahat. Madaldal din naman siya pero hindi kagaya ni Marga at Eda.
Pagkaupo namin sa upuan ay agad na kaming nagtawag ng waiter para kumuha ng alak. At dahil wala kaming alam sa mga alak. Hinayaan namin ang dalawang umorder. Marga and Eda. Alam naman nila na hindi pa kami nakakainom ng alak. Only wines at kapag may okasyon lang .
Napahawak ako sa aking bulsa when my phone vibrated. I know it's Hacer kaya agad ko itong kinuha at tinignan ang kanyang mensahe.
From: Mah Hacer
"My staff told me that you're already there. And you take the seat infront. It's better there. But, know your limits. Wala ako diyan ngayon, may biglaang lakad. My staff will be there. Tawagin niyo lang sila kapag nagkaproblema. Okay?"
Replied:
"Opo, alam mo naman ang kapatid mong ito. She can manage. Ingat ka diyan sa lakad mo. Love you?"
Hindi ko muna inilagay sa bulsa ko ang phone ko dahil alam kong magrereply pa siya. And when he did, napangiti talaga ako sa isinagot nito.
From: Mah Hacer
"Kaya nga I know you better. Walang away, Ara. Enjoy the night. Ikaw na bahala sa mga kaibigan at kambal mo, okay?"
Replied:
"Opo, don't worry na about us, okay? We can manage here. Matatanda na kami. Babye."
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Ibinulsa ko na ang phone ko at napatingin sa nilalapag ng waiter na inumin sa harapan namin. I am no ignorant naman about alcohol beverages. Pero this thing is way too different. Para lang siyang juice tignan.
" What's this blue juice here?" Namamanghang tanong ko kay Marga at kinuha pa ang baso at pinakatitigan. Same for Mira, kinuha din niyo ang baso at tinignan pa side to side.
"That's a s*x on the driveway drink." Proud na sagot ni Marga at uminom na.
"s*x on the driveway? May ganoon sa inumin ngayon. Bakit ngayon ko lang ata nalaman?" Tanong ko sa aking sarili at tinikman ito. Napangiti ako at nagustuban ang lasa. "This is sweet, Marga. Hindi ko malasahan ang alak dito."
"But of course, pero---it's an easy to drink cocktail but this drink can really sneak upon you. Kaya hinay hinay pa din, okay?" paalala ni Marga na tinanguan ko.
"Bakit pa kasi iinom? Wala bang ice tea dito?" Si Mira na nagtatantrums pa rin hanggang ngayon.
"Just take a little sip, Mira. And dami mong satsat. Hindin natin maeenjoy ang gabi kapag busangot ang mukha mo at puro ka reklamo. We're here to celebdate, remember?" Pagpapaalala ko at itinaas ang aking baso. "Cheers!"
Mas lumawak ang pagkakangiti ko ng makita ko ng ngumiti si Mira at itinaas na din ang baso nito gaya ko. Napangiti na ang lahat at sabay sabay na sumigaw.
"Cheers!"
And then we toast and drink. Nagugustuhan ko talaga ang lasa ng cocktail na ito. Bagay na bagay sa kagaya kong mahilig sa matatamis. May ganito palang mga klase ng alak at ngayon ko lang nalaman. Parang gusto ko tuloy sumubok ng iba pa.
Sex on the driveway, nakakatuwang bigkasin. They named it after s*x. Nakaka inspire ba kapag uminom ka nito? Inspire sa s*x? Natawa ako sa sarili ko. Nagiging naughty ata utak ko sa salitang s*x kahit na hindi ko pa naman nasusubukan.
Itinigil ko na ang pag iisip at masayang nakipagkuwentuhan sa mga kaibigan ko. Chit chats dito at alam naming nag eenjoy na kami. I don't know na ganito pala kaenjoy ang magbar. Kinukwento naman nina Marga and Eda about this kaso parang hindi lang nagsisink in sa imagination namin kasi nga allergic kami sa ganito. But now---parang magugustuhan ko na ata.
So far, okay naman kaming lima. We're dancing, drinking, talking about kalokohan and we really are enjoying. Hindi naman nagpakakilljoy si Mira. Nakisabay naman ito sa amin, kahit sa dancefloor. Hindi nga lang kasing baliw naming apat. I think she's enjoying it too. Base sa reaction niya.
Ewan ko kung nakailang baso na ako. But I think that's enough. Medyo dizzy na ako. At kailangan kong mahimasmasan dahil magdadrive pa ako. Sana pala nagtaxi na lang kami para hindi ako nag aalala na malasing. Hindi ko naman kasi alam na maeenjoy ko dito.
"Sa comfort room lang ako." Paalam ko na tinanguan nilang lahat.
Tumayo na ako at pumunta na ng banyo. Naghilamos ako ng malamig na tubig and freshen myself up. Okay pa naman ako, kaya nothing to worry. Maghihinay hinay nalang ako for the sake of our safety.
Ilan pang saglit ng bumalik na ako sa table namin. Pero napakunot ang aking noo ng may nakita akong hindi kanais nais. Hinihila nito ang kamay ni Selene paalis. How dare that jerk.
Nang makita kong tinabig nito si Mira at napasalampak sa sahig. Nagpanting ang dalawang tenga ko. How dare him hurt my twin!
Kumuyom ang aking kamao at mabilis na naglakad palapit sa kanila.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ko kahit na malakas ang tugtog sa paligid. Halatang pinagtitinginan na kami ng lahat dahil sa nangaganap na kaguluhan. I don't care. Kilala nila ako dito and same as Mira.
"Oh, here's you're saviour. Tignan natin ang tapang mong babae ka." Ngumingising sambit niya at hinila palapit sa kanyang katawan si Selene.
"Let go of me!" Protesta ni Selene at nagpupumiglas. Nang makita kong napangiwi si Selene ay mas nagtagis ang aking baga. Naramdaman ko ang paghawak ni Mira sa aking kamay.
"Calm down, Ara." Ani niya at minamasahe ang kamay ko. Nanginginig ako sa galit.
"Bibitawan mo siya o bibitaw ka sa kanya?" Nagpipigil na tanong ko sa lalake. He should choose dahil I can't control myself anymore. Natatakpan na ng galit ang kalmang salita sa isip ko.
"What would a girl like you can do?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na ikinangisi ko.
"Gusto mong malaman?" I asked smirking.
"Matapang!" Binitawan nito si Selene at pumapalakpak pa. Mabilis na hinila ni Eda si Selene papuntang likuran nito. "Baka babagsak ka lang sa ibabaw ko." Nang uuyam na sabi niya.
"That will not happen, ever. A guy like you doesn't deserve someone like us. Kaya umalis ka na sa harapan namin baka mandilim pa ang paningin ko. Don't ruin our celebration, okay?" Pinilit kong maging mahinahon kahit kanina ko pa siya gustong tadyakan. Kung hindi lang talaga ako pinipigilan ni Mira at hinihila. Hay naku! Baka nakasalampak na sa sahig itong mayabang na lalakeng ito.
Hindi kami dito magtutuos. I don't want to mess things up. May araw siya sa amin and this is not the right time.
"Let's go, girls."Aya ko nalang at tinalikuran na ang lalake. But his words cuts my very last patience in me.
"Malalandi din kayong babae, kaya huwag na kayo magmalinis." Tumatawang sambit nito na ikinapikit ko.
Napatid na talaga ang pasensiya ko. I counted one to three in my mind pero hindi na kaya.
"Stay out of it, girls. Leave this to me. This jerk needs a lesson." Kita ko ang galit sa mukha nila pero wala silang nagawa kung hindi tumango.
"I'm sorry, Hacer for this. I promised but this jerk didn't give me the peace of mind. Gigil niya talaga ako." Nakapikit na bulong ko.
Bumuga muna ako ng hangin bago humarap dito at inismiran siya.
"Hindi kami gaya ng sinasabi mong malalandi, idiot. Yang tabas ng dila mo ay kakaiba. Baka magulat ka na lang---sa hospital na ang bagsak mong tarantado ka." Kalmado ngunit galit kong saad dito.
Tumawa ito ng malakas, "para naman kaya mong gawin iyon. Baka ikaw ang mahospital dahil lalaspagin kita. You'll be having a lacerations after we made sex."
Nagkunwaring nagsusuka ako sa harapan niya at diring diri. Hindi pala kunwari dahil nakakasuka talaga at nakakadiri ang sinabi niya.
"Ikaw? Sige nga, try natin kung malalaspag mo ako. Try to hold me with your bare hands. Baka pagbigyan pa kita kung sakali." Nakangising paghahamon ko dito.
"Easy peasy," pinagkiskis pa niya ang kanyang palad bago lumapit sa akin. Akmang hahawakan niya ako ng sinapak ko siya. Yeah, sapak agad. Wala ng patumpik tumpik pa.
"You b***h!" Sigaw nito sa akin at napahawak sa labi nitong pumutok. Susugurin niya sana ako ng ako na mismo ang lumapit at inilagan ang sampal sana nito para sa akin.
"Ops, weak." Natatawang saad ko at inikutan ito.
"f**k you!" Mura niya.
"Sorry, pero not interested. Hindi kita type at hinding hindi magiging type. This will help you get yourself together. Para magising ka sa katotohanang hindi lahat ng babae---pwede mong bastusin at saktan. You don't deserve to be respected. You deserve to be beaten up, real bad."
At bago pa ito makasalita ay sinipa ko na siya sa tagiliran sabay suntok na naman sa kanyang kaliwang mukha. Siyempre para pantay. And for the final touch---sinipa ko ang paa niya para mapaluhod ito at mahirapang maglakad.
And when his body is on the floor---nilapitan mo siya at umupo sa tabi niya.
"Know how to respect women. At sana ito na ang huling pagkikita natin dahil kapag nangyari pa ulit ito. Hindi na ako magpipigil. Tandaan mo 'yan. And let me make it clear to you. I don't want you near Selene ever again. At kapag nakita pa kitang lumapit sa kanya---sa emergency room na talaga ang bagsak mo. Hindi ako nananakot dahil gagawin ko talaga. Chao!"
Tumayo na ako at tinalikuran na ang lalake. Naglakad na ako pabalik sa mga kaibigan ko. We were about to go ng may nagsidatingang pulis. Sheyt naman, oh! Tapos na ang palabas pero may humabol pa.
Paktay talaga ako nito kina Dad. I know na makakarating ito dahil sa inuutusan niyang sumubaybay sa amin. At mas lalong patay ako nito kay Hacer. Nangako pa man din ako kanina.
Napakagat labi nalang ako at nagpeace sign kay Mira na napapangiwi na din. Alam na niya ang susunod na mangyayari.