Pumara sa harap ng restaurant ang taxi na sinakyan nya at dagli sya umibis. Ano kayang binabalak ng lalaking to? Ni hindi nalang ako hinintay para sabay kaming pumunta dito at mag-agahan May inis na bumangon sa kanya lalo pa at parang masama nanaman ang pakiramdam nya pero ayaw nyang indahin. Naglakad sya papasok sa restaurant pero napakunot ang noo nya dahil parang walang tao. Marahan nyang tinulak ang pinto at nakahinga sya ng sinalubong sya ng isang waiter "Good Morning, Ma'am. This way please" wika ng waiter at giniya sya papunta sa second floor ng restaurant na parang inaasahan na ang kanyang pagdating Nauna ang waiter na nagestima sa kanya at binuksan ang pinto papasok sa isang private hall Napatakip sya sa bibig nya ng makita ang mga nasa loob na nagsitayuan ang mga ito at

