“Good morning!” Napa-angat ng tingin si Myrrh mula sa pagkakasubsob sa kaniyang computer ng marinig ang pagbati na iyon mula sa desk niya. Hindi niya namalayan na may tao na pala sa harapan niya sa sobrang busy niya. Abala ang lahat at kabi-kabila ang mga conference dahil sa nalalapit na stakeholders conference. Lahat ng reports and documents ay kailangan nila iproduce at iready, gayundin ang venue at ang buong detalye ng program. Siya lang ang naiwan sa cubicle niya dahil kasa-kasama rin ang mga ito ng kani-kanilang boss sa mga meetings. Siya naman ay hindi na isinama ni Yled dahil nakatambak ang mga kailangan niyang ayusin at mga reports na kailangan iconsolidate na isinasubmit ng iba’t ibang departments. “Uhm, Miss?” Tumikhim muli ang bisita at nagsalita para pukawin ang kaniyang aten

